KABANATA 17

1576 Words
“Tumigil ka nga riyan Keats, kami iyong nahihilo sa iyo,” saway na wika ni Beaur. Hindi mapakali ang binata dahil sa kaiisip kung sinong ugok ang nagtangkang pumatay sa babaeng mahal niya. Sa kaniyang tanda ay wala naman siyang nakaalitan para tangkahing patayin si Sam. “He's right, such an idiot,” walang emosyong ani ni Jeter. Magkambal nga naman. Unlike kaizer, itong si Jeter, ay may lakas na sawayin si Keats. Hindi rin ito takot sa kaniya maliban na lang kung sobra na itong galit. Hindi na lang ito pinagtuunan ng pansin ni Keats, wala siyang lakas o panahong makipagtalo sa kapatid nito na hindi alam ang kaniyang nararamdaman—iyon ang lingid sa kaniyang kaalaman. Ngunit lingid sa kaalaman ni Keats, mas lubhang natatakot si Jeter, dahil sa posibling mangyare na hindi inaasahan takot ito para sa kaniyang kapatid na babae, ngunit hindi niya ito pinapahalata dahil ayaw niyang lahat na lang sila ay panghinaan at makaramdam ng takot mas mabuti na na kimkimin na lang niya ito para sa sarili. “Wala pa rin bang balita? Shst! That stupid is getting on my nerves! Bakit ba ang bagal ng mga pulis kung kumilos?” galit na ani ni Keats. Para sa kaniya hanggat hindi nahuhuli ang taong iyon ay hindi ligtas ang buhay ng babaeng mahal niya maging ang mga taong nakapalibot sa kay Samianiah, at sa kaniya ay hindi ligtas kaya ganoon na lang ang inis at pag-aalala ang namamayani sa puso ng binatilyo “Ano ba kayo? Baka mapanot kayo niyan!” wika ng bunso nilang kapatid na lalaki at talagang naisingit pa nito ang biro sa kalagitnaan ng problema. Matalim nilang nilingon si Kaizer, para sa kanilang pang-unawa ay nasisihan ang bunso nilang kapatid na lalaki sa nangyayare kahit na ang gusto lang nito ay huwag silang masiyadong mag-isip ng negatibong bagay at mag-isip na lang ng magandang paraan para mahuli ang taong iyon. Beaur: “Just shut your fvcking mouth Kaizer, kung wala rin namang magandang ilalabas na salita iyan.” Hindi na lang ito sumabat hindi ito ang tamang panahon para inisin niya ang mga kapatid kahit iyon talaga gusto ng bibig niyang gawin. “Wait... Where's Belle?” takang tanong ng nakakatandang kapatid nila. “I'm here kuya,” wika ng dalagitang hindi nagpalibak hindi rin mawari ng magkakapatid na lalaki kung saan ito nagsusuot tuwing may nangyayaring hindi kaaya-aya. At sa tuwing hinahanap ito ay siya namang mabilis niyang pagpapakita. “Where have you been, bunso?” tanong ni Jeter, na punong-puno ng kuryusidad habang si Kaizer, ay seryosong nakatitig kay Belle, at ang pagtitig na iyon ng kapatid ni Belle, ay hindi nakatakas sa kaniya. Hindi na bago kay Belle, ang ganoong titig ng kapatid ngunit ang ipanagtataka niya kung bakit ganoon na lang siyang titigan ni Kaizer, na para bang sinusuri ang buong pagkatao nito, iniisip ba kaya niyang si Belle, ang may pakana ng mga bagay na hindi kaaya-aya? Ngunit paano? At bakit? Ngumiti ito sa kapatid at tumabi kay Jeter. “Kuya? Nasa kuwarto lang ako kanina habang nagpa-piano.” Belle loves playing piano and guitar, maraming alam itong gamitin na instruments na tiyak na magugustuhan ng sino mang makaririnig nito. Hindi na umimik pa si Jeter, at nilagay ang kanang kamay sa balikat ng dalagita. “Hey! Kaizerrrrr!” pagkuha ni Beaur, sa atensyon ni Kai, dahil kanina pa itong seryosong nakatitig kay Belle, marahil ay napansin ito ni Beaur. “K.A.I.Z.E.R!” “Huh? W-What... May sinasabi ka ba?”—Kaizer. “What the hsll! You! Fvcking idiot! Kanina pa ako putak nang putak dito but you are not listening! Are you with us? Or a deaf?” may halong pang-iinis na wika ni Beaur, sa kapatid. “Ahhh... Pasensya na. Excuse, may aasikasuhin lang ako,” wika ni Kaizer, na hindi pinansin ang sinabi ni Beaur. At sabay lakad paalis. Sa kinikilos ng binatilyo ay alam na ng mga kapatid nito na may iniisip na malalim na bagay si Kaizer, na kung saan ayaw niyang maistorbo. Ano nga kaya ang iniisip nito? Iisang tanong na tumatakbo sa isipan nila Keats, Beaur at Jeter. Tahimik lang ang bawat sulok ng sala ng mansyon wala ni isang gustong bumasag doon bawat isa ay may kaniya-kaniyang iniisip o mundo na ayaw papasukin ang sino man. Si Belle, naman ay minamantyagan ang mga kapatid ayaw nitong magsalita upang kunin ang kanilang atensyon, kahit nahuli sa usapan ang dalaga ay alam naman nito kung ano ang pinag-uusapan ng kaniyang mga kuya, at alam na rin nito ang solusyon sa problemang kinakaharap ni Keats—nilang lahat. Ang napakaguwapong mukha ng kaniyang nakatatandang kapatid ay hindi na maipinta dahil sa galit at inis. Hindi maiwasang mapangiti ang dalaga lalo na at alam na alam niya ang rason kung bakit ganoon na lang ang inaakto ng kaniyang kuya, sabagay hindi niya ito masisisi. Mahal na mahal niya si Sam, at ayaw niya itong mawala sa kaniya kung kaharap lang siguro nila ang taong iyon na nagtangka sa buhay ni Sam, ay marahil ngayon ay naliligo na ito sa sarili niyang dugo. Hindi rin maiwasan ng dalagita na mapabuntong hininga iniisip nitong mahal talaga siya ng problema dahil ayaw siyang tantanan. YAMIENISHAL'S POV: Hindi ko lubos akalaing susundan ko rito si Belle, sa bagay sinundan ko rin naman siya sa Spain, noon pero nag-paiwan lang ako at nauna siyang umuwi rito it because of our business in Spain, na kailangan kong asikasuhin iyon lang yata ang business na hinawakan niya pero for the period of time ngalang nagkalat ang business ng babaeng ito sa ibat-ibang bansa at ang ginagawa niya ay pinapahandle niya ang mga business niya sa mga taong pinagkakatiwalaan niya at alam niyang hindi siya sasaksakin patalikod hindi siya humaharap sa mga business partners siya at wala siyang plano para roon since hindi rin naman nila alam na siya talaga ang tunay na nagmamay-ari sa mga napaka-sikat na mga hotels, naglalakihang kompanya’t buildings sa ibat-ibang bansa at kung anu-ano pa. She's an amazing woman, paano kaya niya iyon nakaya at nagawa? Alam na alam niya talaga kung paano makipaglaro. Alam kaya ng mga kapatid nito na ang kapatid nila ay sobra-sobrang yaman? The hsll! She is the no. 1 richest woman all over the Asia. Matagal ko ng kilala si Belle, at kasamahan niya rin ako sa isang organization noon, miyembro niya ako habang siya ay tinitingala at lubhang kinatatakuhan ng karamihan. Well, sino nga ba ang hindi? Wala siyang awa kung pumatay sa mga mortal niyang kaaway sa sobrang ganda at amo nitong mukha ay hinding-hindi mo siya pag-iisipan na isa pala siyang demonyo. Ako lang ang kaisa-isang nakakaalam sa lihim niya, kaya napakalaking bagay na pinagkatiwalaan niya ako at sinabi ang lahat-lahat na bagay na tinatago niya. Hindi ko nga pala sinasadyang malaman iyon. Kahit na pinsan niya ako ay hinding-hindi ito magdadalawang isip na kunin ang buhay ko kapag kinanta ko kung sino siya sa likod ng kulay ginto na may itim na maskara. Kaya nga ba niya talagang kitilin ang aking buhay? Si Belle, ang dahilan kung bakit buhay pa ako hanggang ngayon, I know she had no plan para ipaalam kung sino siya. Knowing her biggest secret is an accident at the same time my pleasure. Nililigtas niya ako noon sa gustong pumatay sa akin sobrang hina ko pa noon at baguhan she protected me, maybe nalaman niyang pinsan niya ako sa likod ng maskara ko, sa bagay walang lihim na naitatago sa kaniya. Habang nililigtas niya ako ay hindi ko sinasadyang mahila ang maskarang suot nito dahil sa hindi rin ako mapakali dahil sa takot. Thank God, and to Belle, for giving me a second chance to live. At doon na nagsimula ang lahat-lahat. Kapag kaharap ko si Belle, na walang maskara ay hindi ganoon ang kaba at takot na nararamdam ko pero kapag suot niya ang maskara niya parang huhugutin na ng demonyo ang kalukuwa ko dahil sa takot kahit na kakampi ko naman ito. Na sa airport na rin ako ngayon hindi ko ipinaalam kay Belle, na mamalagi muna ako sa Pilipinas. I want to suprise her, pero masusurprise kaya ito? Gayong madalas namang wala itong pakialam sa mundo lalo na iyong isang side niyang nakakapangilabot—Oh, I forgot! I don't want to remind that shst side of her. This silly mind! Nanaisin mo nalang talaga na ikaw na lang ang kikitil sa buhay mo kaysa sa kaniya. Gagawin niyang impyerno ang buhay mo hanggang sa luluhod at magmamakaawa ka na lang na patayin ka na lang niya. Sa tuwing nanalo siya sa laban sa arena ay bilyon-bilyon ang kaniyang napapanaluhan, iyon kaya ang ginamit niya para makapagpundar ng mga business at maging isang pinakamayan sa Asia? Nilibot ko ang paningin ko sa labas ng airport mukhang napakalaki na ng pinagbago ng Pinas, I can't even recognize it. Deretso na lang ako sa mansyon nila since close ko naman ang mga kapatid niya. Kamakailan lang tumawag si kuya Beaur, para itanong kung tumawag ba ako kay Belle, para sa business namin sa Spain. At buti na lang at nag-text sa akin si Belle, at ipinaalam ang dapat kong sabihin hayst alam na alam niya talaga basahin ang utak ng ibang tao. Alam niyang tatawag ang kuya, niya sa akin. Kumusta na kaya ang dati naming mga kasamahan? After years na hindi pagkikita at pagkawatak-watak ng grupo. Buhay pa kaya sila? To be continued...
Free reading for new users
Scan code to download app
Facebookexpand_more
  • author-avatar
    Writer
  • chap_listContents
  • likeADD