KABANATA 6

1362 Words
BELLE’S POV: Tinignan ko ang aking relo at pasado 1:13 a.m na alam kong tulog na silang lahat kaya makakatakas ako rito ng hindi nila namamalayan. Pumunta ako sa baba ng basement at doon ay hinanap ko ang isang malaking aparador at sa likod ng aparador na iyon nakakubli ang aking secret room. May maliit na parang isang box na kailangan mong buksan para makita ang tunay sa nakapaloob doon. At may shape ng kamay, sinugatan ko muna ang aking isang daliri bago ito nilagay dahil ang DNA ko ang paraan para makapasok ako doon na kung saan ay babasahin naman ng system at ako lang ang natatanging tao ang kayang magbukas sa sekretong lugar na ito. Pagkatapos ay minulat ko naman ang aking mga mata para ma-scan at tuluyan na akong makapasok, pagkatapos ay bumukas na ang pintuan papasok sa aking secret room. Matagal na ang nakalipas simula nang akin itong masilayan sinalubong naman ako ni Miyoe, ang babaeng robot na aking nilikha. Kung titigan mo ito ay hindi mahahalatang isa siyang robot. “Magandang gabi, Master! Maligayang pagbabalik,” wika nito. Para sa akin isang perpektong likha si Miyoe, kaya niyang maglinis, magsalita, makipaglaban o ano pamang bagay na kayang gawin ng tao pero mayroon pa ring limitisyon. Nanatiling malinis at bago ang lugar na ito nang dahil sa kaniya. Gayon pa man sa akin lang din siya sumusunod dahil iyon ang nilagay ko sa programme niya. “Ang susi ng aking motor?” tanong ko rito. “Kukunin ko lang master.” Nagtungo muna ako sa aking silid para makapagbihis doon dahil hindi maaring ganito ang aking itsura habang nakikipagbakbakan sa mga ungas. Napangiti ako nang makita ko ang aking kagamitan, na miss ko itong gamitin. Ang mga naggagandahan kong baril na aabot sa bilyon at milyon-milyon ang halaga, ang aking ispada na kahit na 30 inches ang iyong layo ay masusugatan ka ang mga katana, kutsilyo ko at ibat-iba pang kagamitan—sobrang talas. Kumuha ako ng isang itim na damit... Lahat ng suot ko ay itim at saka nagsuot na ako ng isang maskarang kulay itim din; nagsuot ng hood na itim. Sa suot ko na ito ay iisipin mo talagang kukuha ako ng buhay ng isang tao. Na kung saan ay totoo. “Master, ito na po ang susi ng inyong motor.” Sabay abot nito ng susi. Dumeretso na ako sa parking lot ng aking mga kotse at motor. Nice bago pa rin ang mga kagamitan ko. Itinapon ko kay Miyoe, ang isang usb na kung saan naglalaman ng mga files at video ng bahay ng taong kumidnap sa babaeng tinutukoy ni Kuya Keats. Mabilis din naman niya itong nasalo. “I-hack mo ang cctv nila, para mabilis akong makapasok nang walang iniisip na may makakukuha ng wangis ko o ano paman.” “Masusunod, Master!” Mabilis nitong kinonek ang usb na binigay ko. Kinuha ng mga nakaitim ang secretary ni Kuya, taliwas sa wika nitong tinatakasan siya or nagtago. Ayaw ko na sana itong gawin dahil matagal ko ng gustong kalimutan ang bagay na ito ngunit hindi ako makatanggi kay kuya, kung bakit kasi sa lahat ng puwedeng banggain nila ay ang secretary ni kuya, na kung saan ay magiging konektado sa akin. Naghahanap talaga sila ng sakit sa ulo. “Na hack ko na, Master,” wika nitong malarobot. Sabagay robot naman talaga siya. Matapos kong marinig iyon ay mabilis kong pinaharorot ang aking motor—sobrang bilis. At nagbukas naman ang daan mula sa taas na nasa likod ng aming bahay malapit sa may kagubatan. Ang sarap sa pakiramdam ngayon ko lang muling naramdaman ito. Tinitigan ko muli ang aking relo malapit ng mag-alas dos ng umaga dapat makabalik ako ng 4:00 a.m. Madali at mabilis kong narating ang kinaroroonan ni, Samianiah Parker, pamilyar talaga ang pangalan ng babaeng ito hindi ko lang matandaan kung kailan at sino ang bumanggit sa ngalang ito. Mayroon na akong background sa lugar na iyon kaya madali lang sa akin ang pasukin ito at isa pa ay na-hack na rin naman ni Miyoe, ang kanilang system. Sa ilang minuto kong pagmamaneho ay narating ko rin ito. Hindi ko masiyadong nilapit ang aking motor dahil baka makita nila ito at matunugan ang aking pagdating. Sobrang dilim sa kinaroroonan ko pero hindi iyon sagabal sa akin dahil sanay na sanay ako sa madilim. Tumakbo ako patungo sa mansyon nila, madaming bantay at armado sila hindi ko alam pero mas lalo akong nanabik na makipaglaban marahil ay na-miss ko na rin ang makipag-bakbakan. Nakapasok akong walang kahirap-hirap. Marami nga sila ngunit mahina kung sila ay magbantay. Ang una kong hahanapin ay switch para mapatay ko ang mga ilaw. Hindi ko alam kung saan ako tutungo basta... Ang sabi ng aking puso ko ay tama ang tinatahak kong daan. “Takot kaya sila sa dilim?” natatawa kong tanong sa aking isipan. Opzz! Napangisi ako nang matanaw ko ang switch ng mga ilaw—ang main nito. At may bigla namang sumulpot na kalaban, exciting! “May nakapa—” Hindi ko na ito pinatapos at mabilis kong itong sinuntok. Binalibag ko ito hanggang sa mawalan ng malay. Lumapit na ako sa switch at pinatay ito, pinutol ang mga wires para hindi maibalik ang ilaw kaagad. Hindi ko alam pero mas luminaw ang aking paningin ng pinatay ko ang ilaw. Pero ramdam kong nagbago ang kulay ng aking mata. Hindi ko na ito pinansin pa at kailangan ko ng mahanap ang babaeng iyon. Lahat ng silid na aking nadadaanan ay aking binuksan ngunit walang tao rito. “Bakit namatay ang ilaw?” “May nakapasok sigurong kalaban!” “Bantayan ninyo ang babae na nasa silid!” “Ang mga flashlight? Nasaan!” “Ibalik ninyo ang ilaw! Dalian ninyo!” Iilan lamang ito sa aking naririnig. Natatawa akong pinagmasdan sila habang kumakapa-kapa sa dilim Gusto kong makakita ng dugo at pumaslang pero wala naman silang kalaban-laban. Napaka-unfair naman kong papaslangin ko silang patalikod. Sige na nga pananatiliin kong malinis ang aking mga kamay. Mabilis kong sinundan ang mga lalaking armado na patungo sa isang silid, kung pagmamasdan silang maigi para silang kasapi ng isang gang/ mafia dahil sa tattoo na nasa batok nila. Oo kahit madilim ay nakikita ko iyon hindi ko nga rin alam kong bakit. Nagkumpulan sila sa isang silid. Marahil ay doon nila tinago ang babae, may nakalagay na rin ditong kandila at ang mga cellphone nila ay naka-on ang flashlight. May tinapon akong bagay na kung saan ay mawawalan sila ng malay. “Psta! Nasaan ang kalaban?” sigaw ng isang lalaki. Pero ilang segundo lang ay nagsibagsakan din sila. Hayst ang dali ninyong pagbagsakin. Dumeretso na ako sa nag-iisang silid na hindi ko pa nabubuksan, kumatok na muna ako bago ito sinipa. O hindi bat magalang pa rin ako? Nang masipa ko ito ay inulanan nila ako ng bala. Buti nalang at mabilis akong nakakilos paalis sa harapan ng pintaun. Lumabas ang dalawang mama ang akala siguro nila ay napaslang nila ako. Mga inutil! Mabilis akong kumilos at inagaw ng walang kahirap-hirap ang baril at saka binali ang leeg ng isa sa kanila. Sinunod ko naman ang kasama ng mama sinipa ang tuhod nito at tinarget ang ugat na nasa kaniyang leeg dahilan para siya ay mawalan mg hininga. Nagsilabasan na ang mga lalaki na nasa silid, napapalibutan nila ako. Nasa pito silang katao, hindi na ako nag-akasaya pa ng oras at mabilis akong yumuko at binunot ang dagger na nasa hita ko at mabilis akong umikot na nakayuko habang hawak-hawak ang dagger ko at nakatutok sa kanilang binte. Pagka-angat ko ay nakabulagta na silang lahat. Sa bagay ang sino mang masugatan nitong dagger na ito ay mamanhid ang katawan at hindi makakagalaw dahil sa lason na aking nilagay dito. Pumasok na ako sa silid upang kunin ang babae, bumungad sa akin na wala itong malay. Kaya naman nilapitan ko ito at nakatali pa pala siya. Nang hawakan ko ang kaniyang mukha ay nagulat ako ng kaunti... Kung ganoon ikaw pala... Ikaw pala si, Samianiah Parker? Kaya naman pala pamilyar ka sa akin, pero paano ko bang nagawang kalimutan ka? To be continued...
Free reading for new users
Scan code to download app
Facebookexpand_more
  • author-avatar
    Writer
  • chap_listContents
  • likeADD