8: I Want You

2586 Words
Naputol lang ang titigan nila ni Paco nang may isa pang dumating na magarang kotse. Sa harap nila mismo iyon huminto, basta na lang pumarada nang walang kaabog-abog. "That's Preston, my other brother," bulong kay Polly ni Paco nang bumaba na ang driver ng kotseng kadarating lang. "So, where's Aki?" tanong kay Paco ng lalaking Preston nga raw ang pangalan. Nahuli niyang naggalawan ang mga panga ni Paco. "Nakaalis na siya, sinundo na si Monica." "Oh, sh't!" bulalas ng kapatid nito. "Sh't talaga, pero humanda naman siya sa 'kin 'pag nagkita kami," sagot ni Paco. "Siya ba si Polly?" Ngiting-ngiti at nagtaas baba ang mga kilay ni Preston nang sulyapan siya. Magandang lalaki rin ito. Wala yatang pangit sa mga Hondradez. Pero mas kahawig lang talaga ni Paco si Akilles kahit na nabanggit naman nito sa kaniya na half brother lang nito ang duktor. Sige na, aaminin niyang mas gusto niya ang mukha ni Akilles at Paco dahil mas lamang kay Preston ang banyaga na itsura. "Yeah," simpleng tugon ni Paco sa isa pa nitong kapatid. "Hi!" magiliw na bati ni Preston sa kaniya naman. Napangiti si Polly nang kumaway pa ito at kumindat sa kaniya. Kaya lang, nabitin ang ngiti niya nang maramdaman na lang niyang hila na siya ni Paco sa pulsuhan niya! "You can go now, Preston, sundan mo si Aki kung kakayanin mo," masungit na ani Paco sa kapatid, saka nito isinara ang pinto ng bahay gamit ang isang paa nito. Oo, pinagsaraduhan nito ang kapatid kasehodang malakas ang ulan sa labas! "Te—Teka, bakit hinayaan mo naman do'n ang kapatid mo, malakas ang ulan—" "Malaki na 'yon. Nakita mo ang kotse 'di ba? Malalaki ang gulong. Sinusuong niya ang kotse niya sa baha, bundok o kahit ano pang kalamidad." Nangunot ang mga kilay niya. Ano ba ang nangyayari kay Paco? Bakit ang sarcastic naman nito bigla? "And you miss, alam mong umuulan pero nagpaulan ka na akala mo ay waterproof ka," masungit na sambit sa kaniya nito hindi pa man siya nakakapagsalita ulit. Bumuntong-hininga na lamang siya't hinayaan na lang ito. Sa tingin kasi niya ay galit ito kanina pa. Nang dahil kay Akilles, oo yata. "Ano ba ang nangyari? Bakit tinangay ni Akilles si Monica?" naalala na lang niyang itanong. "Dahil gago 'yong si Akilles, naturingan pa namang duktor." Tiim ang mga bagang na ani na naman nito. "Ha?" "Nakakainis ang kapatid kong 'yon. Pero ewan ko na kung sino sa kanila ni Preston ang mas nakakainis dahil pinagmasdan ni Preston 'yang... 'yang..." kandautal na sabi nito. Naningkit ang mga mata niya dahil naguguluhan siya sa itinatakbo ng pinag-uusapan nila. Pinasag din niya ang sariling braso para makalaya iyon sa pagkakahawak nito. "Ang alin ba, Paco?" naiinip na tanong ni Polly. "'Yang... d—dibdib mo!" Awtomatikong napatakip si Polly sa dibdib niya nang bumaba ang mata ni Paco roon—ang tanga lang niya talaga, bakit niya nakalimutan na hindi naman siya nagsusuot ng bra! "I—I don't know if it's appropriate to ask but, wala bang biniling bra si Marigold para sa 'yo? Bakit hindi nakasuot ng bra?!" "Ha—ah—tabi nga, magbabanyo na 'ko!" aniya na lang dito. Hinawi niya ito para makaraan siya papasok sa banyo. "Polly, I'm asking you," parang inis ang tono na sabi ni Paco kahit nakatalikod na siya. "May nippl* tape akong suot 'no! Saka paano akong bibilhan ni Marigold ng bra, hindi niya alam ang size ko!" "Size—what?! Anong tape?" Malapad siyang napangiti nang mula sa inis na tono ay nagbago ang tono ni Paco, naging curious na ito. "Oo, research mo kung ano 'yon para malaman mo!" sigaw niya rito kahit nasa loob na siya ng banyo. Kaagad na dinukot naman ni Paco ang cellphone niya para malaman niya kung ano ang sinasabing tape ni Polly sa kaniya. Ganoon na lamang ang pagkamangha niya sa natuklasan tungkol doon. "SO, sinasabi mo ngayon sa 'kin na ang naka-one night stand pala ni Monica ay si Akilles?" "Uh—huh," simpleng tugon ni Paco sa tanong niya. "Narinig ko nga siya na kausap ang lola mo. Binanggit nga rin niya sa lola mo na sigurado raw siya na hindi ikaw ang lalaking 'yon, parang gano'n," ani Polly. "Malabo naman kasi na ako 'yon. Pero hindi ko akalain na napakagago pala talaga ng kapatid kong 'yon." "Teka, teka nga ha, naguguluhan ako sa 'yo. Bakit parang inis na inis ka kay Akilles, mabait naman 'yong tao," awat ni Polly sa sinasabi ni Paco. Tinignan siya ng lalaki sa naiinis na paraan. Na parang sinasabi sa kaniya na mas marunong pa siya rito. Napangiwi siya. "Nagtatanong lang naman ako, ayos lang kung hindi mo sasagutin," palusot pa niya. "Hindi mo kilala si Akilles. I guess even us, hindi namin siya kilala talaga. Two years ago, bigla na lang siyang pinakilala ni Granny sa 'min. Hindi rin naman ikinaila ni Dad na ang nanay ni Akilles ay naging ka-fling niya during college." "Anong sabi ng mommy mo noong nalaman niya?" "Wala. Masyado na raw matagal na panahon 'yon, besides, patay na naman ang mom ni Akilles kaya nga siya kinuha ni Granny," paliwanag ni Paco sa kaniya. Nasusundan naman niya ang sinasabi nito kaya tumango-tango siya. "So, paano ulit nangyari na siya ang naka-one night stand ni Monica na inakala naman ng herederang maarte na ikaw?" "Hindi ko rin sure kung may nangyari nga sa kanila." Kumunot ang mga kilay ni Polly sa pagtataka. "Ha? Medyo magulo yata..." "Kaya ko nga hinahabol si Akilles para ipaliwanag niya sa 'kin ang lahat. Nabanggit ko naman na sa 'yo, wala akong maalala nang gabing 'yon dahil wala pala talaga akong dapat na maalala dahil basta na lang nagising kami ni Monica na magkatabi that day. Birthday ni Granny no'n. Hindi pa rin malinaw sa 'kin kung paano nangyari basta ang klaro sa 'kin is, si Granny ang naglagay kay Monica sa situation na 'yon." "Na bakit niya naman gagawin bukod sa nasabi mo na noon sa 'kin na hilig niyang pakialaman ang love life niyo?" "Polly, business associate niya ang parents ni Monica." "Ah, mayayaman problems." "Pagpapalawak ng negosyo, you can say that." Tumahimik na lang siya't tumango-tango sa sinabing iyon ni Paco. Wala rin naman siyang maiintindihan sa mga ganoon. Pero nagtataka pa rin talaga siya dahil nabanggit naman nito sa kaniya na may attitude raw talaga ang lola nito na pakialaman ang love life ng mga apo. May rason sa likod niyon, hindi siya maniniwala na wala. "Kung hindi ka naman na pala kasali, bakit galit na galit ka naman yata kay Akilles?" bagkus ay tanong niya na lang. "Dahil nakakagalit ang ugali niya. Sipsip kay Granny 'yon. Saka parang ang dami niyang lihim," seryosong anito. "Wait, ano pala 'yan?" tanong bigla ni Paco sa hawak niyang tasa. "Popcorn. Sabi mo kasi ay manonood tayo rito." Tukoy niya sa entertaintment room ni Paco na napakalaki at para na siyang nakapasok sa sinehan sa lamig do'n. "Popcorn ang pulutan natin?" Natatawang sambit pa nito sa kaniya. Nagkibit siya ng mga balikat. "Saka 'yang graham ice cream na ginawa ko. O, bakit? Para maiba naman." Masarap manood kapag umuulan, mas masarap nga naman na sabayan iyon ng alak lalo at mukhang sa inis ng lalaking katabi na niya ngayon sa leather sofa ay malabong makatulog ito kaagad. Tiyak na gagawing pampaantok nito ang alak. Nag-aya na rin lang si Paco, sinang-ayunan na naman niya. "Sabagay, masarap 'tong graham ice cream mo." Malapad na pangiti si Polly sa papuri na natanggap. "Salamat. Magpapasalamat nga ako sa 'yo, dahil kasi sa mga gamit mo sa kusina at sa KB mong si Olen ay nalaman kong may talent pala 'ko sa pagluluto ng mga sweets." "Nadi-discover naman talaga natin ang talent natin eventually," tugon sa kaniya ni Paco. "Parang feelings mo, madi-discover mo rin eventually..." paanas na sambit ni Polly. "What?" "Ah, w—wala. Sabi ko teka lang, maiwan muna kita. Check ko lang 'yong juice, ako na ang kukuha at mukhang problemado si Olen ngayon." "Problemado? Bakit?" "Love quarrel. Hindi mo 'yon alam dahil wala ka namang mahal, mister." Nakapamewang na sabi ni Polly kay Paco. "Well, just like you, I love myself, misis!" malokong tugon naman nito habang nilalantakan na ang popcorn. "Ewan ko sa 'yo! Teka nga lang, kunin ko ang juice natin," paalam niya rito. Hindi rin kasi niya sigurado kung narinig ba ni Olen ang pinasuyo niya rito na isunod sa kanila ang juice dahil wala pa ito hanggang sa mga oras na iyon. "OLEN?" tawag niya sa kasambahay nang marating na niya ang dining area ng bahay. Wala roon ang hinahanap niya. Pero may nakatimpla nang juice sa babasagin na pitsel, nasa tray na rin iyon, baso na lang ang kulang. "Nasaan na ba 'tong si Olen?" bulong niya sa sarili. Pinagkibit na lang niya ng mga balikat ang kawalan ng presensya roon ng kasambahay. Sabi niya nga kanina kay Paco, LQ si Olen sa boyfriend nitong hardinero sa kabilang bahay. Nasagap niya rin na ayaw na ng hardinero sa kasambahay ni Paco dahil may nalaman daw ang hardinero na lihim ni Olen. E, ang pag-ibig, kapag pumasok sa sino man, hahamakin ang lahat, kaya hayun, may binabalak naman ang kasambahay para mabawi ang pag-ibig ng hardinero. Sana lang, magtagumpay ito sa misyon. Dalangin niya nga na siya rin sana ay magtagumpay sa gusto niya. Kaso ang labo ni Paco. Naguguluhan siya rito. At naguguluhan din naman siya sa mga nararamdaman niya nitong mga nakaraan kay Paco. ***** "KAYA mo pa ba, Pacs?" Sa namumungay nang mga mata ni Paco ay nginitian niya si Polly. Binubuksan na nito ang isa pang lata ng beer na iniinom nila. Hindi na niya mabilang kung pang-ilan na nila iyon, matibay pala sa alak ang babaeng kasama niya. "Shi...ge," tugon niya, tonong lasing na. Nakangiwing naupo na siya ulit sa inalisan niyang puwesto kanina. "Okay ka lang ba, Pacs? Ikaapat na pasok mo na sa banyo 'yan ah?" tanong sa kaniya ni Polly. "Oo naman. Medyo sinamaan lang yata ako ng t'yan do'n sa pomelo juice na tinimpla ni Olen," tugon niya, himas niya ang t'yan na buti naman ay mukhang huminahon na ngayon. "Pero sabi naman ni Olen 'yon daw ang paborito mong juice." "Oo. Hayaan mo na. Baka nagkataon lang," pabalewala na lamang niyang sagot. Nagkataon lang naman yata kasi nga dahil hinahaluan naman ng mga juice ang alak kaya hindi niya puwedeng isisi ang paghilab ng t'yan niya sa alak na ininom niya kaagad pagkatapos ng pomelo juice. "Grabe, hindi talaga lumitaw si Olen, busy na yata sa boyfriend niya," ani Polly, tatawa-tawa, halatang naparami na rin ang nainom na alak. "E, ikaw? Wala ka bang boyfriend?" Natawa ito sa tanong niya. "Paco, may asawa na 'ko 'di ba? Ikaw 'yon!" Pahagikgik nitong sabi sa kaniya. Lasing na siya't namimigat na ang mga mata niya pero malinaw pa rin na nakikita ni Paco ngayon ang mukha ni Polly habang humahagikgik ito. Akala niya talaga ay sa mga pelikula lang nangyayari ang ganoong senaryo. Iyong mapapatigil ka na lang at mapapatanga dahil sa ganda ng nakikita mo. Noon lang din naman siya nagkaganoon. Ah, baka lasing na nga siyang talaga. "Paco, 'yan ka na naman sa kakatingin, ano ba ang nangyayari sa 'yo? Gandang-ganda ka na naman sa 'kin?" ani Polly sa kaniya nang mapuna nitong titig na titig siya rito. Lumapit na rin ito sa kaniya upang iabot sa kaniya ang lata ng alak na hawak nito. Pagak siyang tumawa muna bago kunin niya ang alak mula sa pag-abot sa kaniya nito. Pero lasing na nga yata sila pareho dahil dumausdos iyon sa mga kamay nila... "Sh`t," mahinang anas niya nang maramdaman niya ang lamig at init ng alak na bumuhos sa dibdib niya. "Shocks!" bulalas ni Polly, hindi nito malaman ang susunod na gagawin, kandahabol sa alak na akala yata ay mahahabol pa nito gayong bumuhos na nga iyon sa buong katawan niya—sakto pa na naka-slant siya ng upo! "That's okay..." tatawa-tawang aniya kay Polly. Hindi niya malaman kung paanong patitigilin ang huli sa pagkapa sa katawan niyang naligo na sa likodong nakalalasing. "Naku, Pacs, sorry talaga!" tarantang hinging paumanhin pa ni Polly sa kaniya. Taranta pa rin nitong hinahagod ang katawan niya. "Polly, okay nga lang. Enough please baka may masagi—" naudlot na ang sinasabi ni Paco. Pareho na kasi silang nagulat nang mahipo na nga ni Polocarpia Ramos ang crotch area niya! Nagkatitigan sila ng ilang segundo muna bago umiling-iling at tarantang umayos ng tayo si Polly. "Naku, sorry, sorry, Pacs!" Kaagad na bulalas nito. Tila napaso na nilayo na rin nito ang mga palad sa katawan niya. "Relax..." Natatawang sabi niya naman. Walang seremonyang hinubad niya ang nabasa na t-shirt niya. Habang ginagawa niya iyon ay sadyang hindi niya inaalisan ng titig ang mga mata ni Polly. Well, ito rin naman ay hindi umaalis ng tingin sa kaniya dahil nahubad na nga niya't lahat ang shirt niya ay nananatili silang nakatitig sa isa't isa. "Ba—Bakit may paghubad?" Nakangiting tanong ni Polly sa kaniya. Kinagat pa nito ang ibabang labi. Tumaas ang isang sulok ng mga labi ni Paco, saka siya tumayo. Hindi pa rin niya inaalisan ng tingin ang mga mata ni Polly at nakakatuwa naman na gayundin ito sa kaniya. "Binasa mo e," Paco said. Hindi man niya sinasadya ay parang paos ang inilabas niyang tono. Marahan na natawa si Polly. O puwede naman yata niyang sabihin na medyo flirty ang tawa na pinakawalan nito. "Mas maganda naman ang view," ani pa ni Polly, flirty tone pa rin ang ginamit sa kaniya. Pinagmasdan nito ang dibdib niyang hindi natatabingan ng kung anong tela. "Pero hanggang dito na lang muna ang titignan ko," pabirong sambit pa nito bago mapunta ang mga mata sa kaninang nahawakan na nitong bahagi ng katawan niya. Gusto sanang tumawa ni Paco pero may isa siyang mas gustong gawin pa bukod doon. May mas gusto siyang gawin sa babaeng kanina niya pa sinasamba ang ganda... "O, bakit ka lu—lumalapit...?" Kandautal na tanong ni Polly kay Paco nang maramdaman niyang humahakbang palapit ito sa kaniya. Sa puntong iyon ay hindi na niya alam kung ano ba ang mas uunahin na pagmasdan sa binatang nakahain sa harap niya ngayon—g'wapong mukha ba nito o ang dibdib nitong may mumunting balahibo pala... "I want to kiss you." Nanlaki ang mga mata ni Polly sa pag-amin ni Paco. Lasing na yata ito! "K—Kiss lang?" Muling nakagat niya ang sariling labi, imbes kasi na awatin niya ito ay iyon pa ang lumabas sa bibig niya! Policarpia, ang harot mo! "Ikaw na ang bahala sa kasunod—" Pagsasalitain pa ba niya ito? Aba, sunggab na! Oo, siya na ang humalik kay Facundo. Hindi rin naman siya pinatulog ng lambot ng labi nito noong mabilis niya itong hinalikan. Isa pa, sa klase ng titig na ibinibigay nito sa kaniya mula pa kanina ay may pakiramdam siyang pagsisisihan nila pareho kung kahit halik man lang ay wala silang gagawin. Halik na mula sa labi niya ay napunta na ngayon sa kaniyang balikat... "Do you know what this kiss means?" Naitirik ni Polly ang mga mata. Ini-English na naman siya nito—tinatanong pa siya ng kung ano-ano! Walang salita na inangkla niya ang isa niyang hita sa bewang nito. "E, ito, alam mo ba kung ano ang ibig sabihin nito?" Ungol ni Paco ang huli niyang narinig bago siya muling lunurin ng halik nito...
Free reading for new users
Scan code to download app
Facebookexpand_more
  • author-avatar
    Writer
  • chap_listContents
  • likeADD