Napalinga-linga si Mia nang magising sa isang kuwarto. Kaagad siyang lumabas at sinuyod niya ang paligid at bigla siyang napayakap sa kaniyang sarili dahil hindi pamilyar sa kaniya ang paligid. “You’re awake, how are you feeling?” “Ikaw?” hindi makapaniwala si Mia nang makita ang lalaki. Sinuklay ni Holland ang buhok gamit ang mga dalire nito habang nakatitig sa kaniya. “Yes. Ako lang, halika pinagluto kita ng masarap na pagkain.” Hindi na nakapalag ang dalaga nang hinawakan siya ni Holland at kinabig ang kaniyang baywang. Medyo naasiwaan ang dalaga ngunit nang makita niya ang lamesa na halos puno ng pagkain at umuusok pa ito ay biglang kumalam ang sikmura niya. Inupo siya ni Holland at nilagyan ng pinggan at baso sa gilid. “Eat well, baby.” Biglang napa-angat ng tingin si Mia d