NATAGPUAN ni Mia ang sarili sa harap ng dating ampunan kung saan ay dito sila lumaki at nagkaisip ni Maya. Totoo nga ang sinabi ni Monday na wala na ang ampunan dahil bakas rito ang pagtupok ng apoy. Tinabig niya ang mga sanga ng manga na nakaharang sa daan at pumasok siya. Napangiti siya nang bahagya na makita ang mga tanim ni Sister Anna na mga gumamela, rose at marami pang ibang sinasayaw-sayaw ng hangin. Nagpapasalamat siya at nanatiling buhay at namumukadkad ang mga ito kahit na wala nang nag-aalaga. Naglakad siya patungong kanan at bigla siyang natigil sa paghakbang nang may nadatnan siyang isang babaeng nakasuot ng puting bestida at nakaterentas ang mahaba nitong buhok. Biglang kumabog ang kaniyang puso nang nakangiti ang babae at nakahawak ang dalawang kamay nito sa magkabilaan n