“Baby, masakit ang likod ko. Para akong pagod na pagod kahit wala naman akong ginagawa sa maghapon.” Daing ni Mia sa asawa kaya agad naman lumapit si William na bitbit ang ointment at pinahiran ang kaniyang likod pababa sa kaniyang balakang. Umupo pa si William at hinilot-hilot ang kaniyang paa. “Masakit pa ba? magtatawag ako ng doctor?” pag-aalala ng asawa ngunit umiling lamang si Mia. Isang buwan at kalahati na ang kaniyang tiyan at ayon sa doctor ay masilan ang kaniyang pagbubuntis kaya lahat ng pag-aalaga ay ginawa ni William. Hindi na muna ito pumapasok sa trabaho dahil mas gusto nitong alagaan ang kaniyang asawa kaysa ang harapin ang tambak na papeles sa opisina. “Inaantok na ako, William.” Saad ni Mia at maging sa paghiga niya ay nakaalalay sa kaniya ang asawa. Nilagyan ng mga