Sikat na ang araw nang nilisan nilang dalawa ang mansyon. Kung si Holland lang ang masusunod ay ayaw niya nang umalis at dito na lang sila ni Mia maninirahan sa probinsya ngunit imposible ‘yon para sa dalaga. May responsabilidad siya kay Leonard at kung magtatagal pa siyang hindi magpapakita ay baka wala na siyang mukhang maihaharap kay Leonard. “Baby?” pukaw ni Holland kaya sumama ang mukha ni Mia. “Puwede ba Holland ‘wag mo akong tinatawag na ganiyan, kinikilabutan ako!” talak niya ngunit ngumuso lamang ang binata na parang bata. “Ano ba ang gusto mo sa buhay, baby?” tanong pa rin ni Holland na hindi sinunod ang sinabi nito. “Fine, tatawagin lang kitang Baby kapag tayong dalawa lang, hmm?” pangungulit pa rin ni Holland. Nang hindi pa rin nagsasalita si Mia ay biglang hininto ni Hol