Tigalgal akong nakatitig kay Kuya Azyra pagkatapos kong marinig ang kuwento niya tungkol sa naging usapan nila ni Ivan.
I know na may balak siyang kausapin ito dahil nabanggit niya iyon ngunit hindi ko inakalang pupuntahan talaga niya ito kanina. Knowing Ivan, tiyak na mahigpit ang seguridad nito at marami itong pagdaraan bago makapag-set ng appointment sa lalaki. Pero nagawan ng pinsan ko ng paraan para ngayong araw ding ito ay makausap niya si Mr. Petrov. Kaya pala Hindi siya nagpakita sa kumpanya kanina. I thought he was just at a business meeting somewhere. Kunsabagay, nasa business meeting nga siya with Ivan. At kahit na alam kong ako ang topic nila, business pa rin iyon sa mga mata ni Kuya Azyra.
I was so shocked to hear that Ivan was willing to give me a prenuptial agreement. But unlike those I usually hear about that agreement, Ivan was willing to give me all his legal assets just for me to marry him. Ilang bilyong dolyar iyon at tiyak na mapupuno nito ang buong silid ko kung iwi-withdraw ko lahat iyon in cold cash.
"So what can you say, Julian? That wealth and his determination to marry you was even beyond my imagination," tanong ni Kuya Azyra.
"Kuya, he might just be bluffing you," singit ni Jayjay na kasama namin sa loob ng library para sa meeting naming ito.
"Do you think Mr. Ivan Petrov would resort to bluffing, Jayjay?" Natameme si Jayjay sa sinabi ng nakatatandang pinsan namin.
"Sa totoo lang, with his power and wealth, he could easily get Julian. Pwede niya itong ipa-kidnap at dalhin sa lugar kung saan hindi na natin siya makikita. Remember what happened to Sachi?" matigas ang boses na saad ni Kuya Azyra.
Napatitig kami sa kanya. We know that deep within him, he still love Sachi. Naging saksi din kami sa ilang taong paghahanap niya sa dating kasintahan nang mawala na lang ito Basta at ma-kidnap. Kuya's world turned upside down during those times. Halos hindi na siya nakakapagtrabaho dahil sa paghahanap kay Sachi. Isang taon ding tumagal iyon. He was devastated and probably do guilty of what had happened to his ex.
Admittedly, isa ako sa nagalit sa kanya at lihim siyang sinisi sa nangyari kay Sachi. Sachi is our close friend. Magkakasama kaming nag-college at tumira siya rito sa bahay ng ilang taon. Though tanggap naman naming ipinagpalit niya ito kay Kenji noon, mahirap pa ring hindi siya sisihin sa kinahinatnan ni Sachi. Nagkapatawaran naman na, masaya na si Kenji Kay Damon, at may sariling pamilya na rin si Kuya Azyra, the past still haunts us especially him.
"He's honorable enough to still give that proposal and consult us. Ngayon tatanungin ulit kita, Julian, tatanggapin mo na ba ang proposal niya?" Marinig tumitig sa akin si Kuya Azyra.
"Kuya, I don't know. Sa ngayon, kahit ibigay niya ang lahat ng kayamanan niya sa akin, I still do not know him enough for me to marry him. We're completely strangers to each other. Hindi ko siya alam pakisamahan. Besides, I don't have feelings for him," sagot ko sa kanya. Mabuti na lang at hindi nila nakikita ang mga kamay ko na nanginginig. Kung malalaman nilang may nangyari na sa amin ni Ivan, siguradong hindi sila matutuwa sa akin. They might even force me to marry him.
"There are enough detail about him on papers, Julian. But I understand that those information are still different in reality. Kunsabagay, sinabi naman niyang handa siyang maghintay sa'yo, Julian. He even asked for my permission to date you so you can get to know each other better. All you have to do is give him a chance."
"Oo nga naman, Julian. Pero kung ako sa'yo, huwag mo nang patagalin pa iyon. Every minute wasted would cost as a lot. Imagine what we could do to that amount of money. Sobrang laki ang maipapasok niyon sa kumpanya," payo naman ni Jayjay.
"Please, huwag mo akong madaliin. Hindi porke at malaki na ang offer para sa akin ay ipagkakaluno mo na ako. Ikaw na lang kaya ang magpakasal sa kanya?" Inis kong sabi sa kanya.
"Hindi naman ako ang gusto niya. Ikaw naman, Julian."
"Yes, Jayjay is right. Ikaw talaga ang gusto niya, Julian. I even asked him to meet our cousins ngunit matigas niyang sinabi na wala siyang ibang gustong pakasalan kundi ikaw."
"Kuya, I'm... Sorry. I just can't marry him without thinking about his proposal a thousand times. I'm quite sure na hindi lang sa papel ang magiging kasal namin. He would own the right to my body as well."
Kapwa natahimik sina Kuya at Jayjay sa huling sinabi ko.
Tumikhim si Jayjay pagkaraan ng ilang sandali.
"Julian might physically suffer, Kuya. Sa laki ng lalaking iyon, madudurog talaga si Julian. Sayang man pero sige, tanggihan mo na lang siya, Julian."
"It would fit, Jayjay, no matter how big he is and how small Julian is."
Namula at nag-init ang buong mukha ko sa sinabi ni Kuya Azyra. He's right. No matter how small I am, I can accommodate Ivan no matter how wide and big he is. At tama rin si Jayjay, my body would physically suffer kung araw-araw akong aangkinin ni Ivan. I've experienced having him inside me and yes I felt pleasure in the end after suffering pain.
"I will give you time to decide, Julian. Gaya ng sinabi ko, Ivan is willing to wait for your answer. While on it, I advise you to give him a chance. Lumabas kayo paminsan-minsan para nakilala n'yo at isa't isa. We could invite him to dinner here para nakilala rin namin siya nang lubusan."
"Um, Kuya Azyra, can I file a leave?" tanong ko kay Kuya. May bigla kasing pumasok sa isipan ko na pwede Kong gawin para mapag-isipan ko nang mabuti ang lahat.
"You don't have to file a leave to date him, Julian," kunot-noong saad ni Kuya.
"Kaya nga, Julian. Pwede n'yo namang gawin iyon sa gabi or weekends. Ang special naman ng lalaking iyon na magli-lesve ka pa para sa kanya," sabi naman ni Jayjay.
"No, you don't understand. Magpa-file ako ng leave para sumunod kina Daddy at Papa sa Pilipinas."
"What?!" halos sabay nilang tanong.
"Pupunta ka ng Pilipinas?" tanong ni Jayjay nang makabawi na siya sa o
Pagkabigla.
"Balak mong takasan si Ivan?" tanong naman ni Kuya Azyra.
"I think kailangan kong lumayo para makapag-isip ako nang matino. I can't do it when he's always around," pagpapaliwanag ko sa kanila.
"I don't think Ivan would like that," sabi ni Kuya sa akin. "He's very adamant to have you. Kahit na sabihin natin na Hindi siya nagmamadali, maaaring mag-isip siya ng ibang dahilan sa pag-alis mo."
"I think so, too. Baka isipin niyang tinatakasan mo siya. Tapos kung kailan tatanggapin mo na iyong proposal niya ay huli na ang lahat."
Napakuyom ako ng kamay sa sinabi ni Jayjay. Iyon naman kasi talaga ang balak ko - ang sandaling takasan si Ivan.
"Just tell him kapag nakaalis na ako. I'm sure he won't take offense dahil siya naman kamo ang nagsabi na handa niyang hintayin snf desisyon ko, Kuya."
Malakas na napabuntonghininga si Kuya Azyra. Nanahimik siya habang nag-iisip nang malalim habang nakaabang kami ni Jayjay sa desisyon niya.
"Sige. You may file for a leave. Gawin mo nang isang buwan. I know you haven't moved on on what happened between you and Alexei. Iyon na lang ang sasabihin kong dahilan kaya ka umalis. But I hope pagbalik mo ay may desisyon ka na, Julian. He would wait for you for a month kaya sana ay maging positibo ang kahihinatnan ng lahat. Ngunit kung ayaw mo talaga, you tell it to him yourself," seryosong turan ng nakatatandang pinsan ko.
"Thank you, Kuya. Yes. Ako mismo ang pupunta sa kanya pagbalik ko."
"Kailan ang alis mo?" tanong naman ni Jayjay.
"Magbu-book na ako ng flight mamaya. Kung may available flight bukas ay kukunin ko na. Do I need to submit a letter for my vacation leave, Kuya?" baling ko kay Kuya Azyra.
"Leave it to Jayjay." Lumingon ito sa pinsan namin na kaagad namang ngumiti sa akin at tumango.
"Sure. Walang problema, Julian. I can easily forge your signature. "
"Thanks, Jayjay. Hayaan mo at uuwian kita Ng ref magnet mula sa Pilipinas," pagbibiro ko sa kanya. Kahit papano ay nakahinga na ako nang maluwag dahil suportado nila ang desisyon kong umalis sandali.
"Ayoko ng ref magnet," pagsakay niya sa biro ko. "Gusto ko daing. Isang box ng daing."
Nagkatawanan kaming tatlo sa kahilingan niyang iyon.