"50 percent of my legal assets?"
"Yes and I also won't mind if you'll include the illegal ones." Tuso siyang ngumisi sa akin.
"Do you know how much that is Mr. Salvador?"
Lalong lumuwang ang ngisi niya.
"Trillion of dollars or more according to some reports and papers, Mr. Petrov," buong kumpiyansa niyang sagot.
"And do you think I would be willing to give more than a trillion of dollars to your family for him?"
Nagkibit-balikat siya.
"If you really like my cousin as you claimed, then you will. Besides, you will still have half of your wealth and we will be family soon," kaswal niyang saad.
Humalakhak ako na halos umalingawngaw sa bawat sulok ng maluwang na silid. Saglit siyang natigilan sa inasta ko ngunit hindi nabura ang ngisi niya. May nasinagan din akong munting tagumpay sa mga mata niya na hindi niya nagawang itago.
At iyon ang patunay na hinahamon lang ako ni Mr. Salvador. He's testing me to prove how much I like his cousin.
Tumikhim ako. If he's cunning, I'm worse than him.
"I find it amusing na iniisip mong 50 percent lang ang kaya kong ibigay para kay Julian, Mr. Salvador." Napatitig siya sa akin sa sinabi kong iyon.
"I'm actually willing to name 100 percent of my assets to Julian once we're married. I still have my slush funds that would last me..." Kunwari ay nagbilang ako sa mga daliri ko.
"...50 lifetimes with the same life style."
Bumagsak ang panga ni Azyra Salvador sa sinabi ko.
"Are you shocked na ang osang tulad ko ay may slush funds pa o nabigla ka na handa kong ipangalan kay Julian ang lahat ng legal na pag-aari ko?" may halong panunuya kong tanong. Ang mga mata ko naman ngayon ang naghahamon tumingin sa kanya.
I know Julian well enough kahit na isang gabi ko lang siyang nakasama. Hindi siya ang tipo ng tao na basta-basta na masisilaw kahit na gaano pa kalaking halaga ang ialay mo sa kanya. He knows his worth very well.
"Ganyan mo ba siya kagusto na handa mong ibigay sa kanya ang lahat ng pinaghirapan mo sa buong buhay mo? Bakit? At sa tingin mo ba ay magiging sunod-sunuran na siya sayo kapag naibigay mo sa kanya ang lahat ng iyon?" Nanggigilalas niyang tanong.
"Yes and no, Mr. Salvador. Contrary to what you think of me, hinding-hindi ko gugustuhin na pwersahin si Julian sa mga bagay na hindi niya gustong gawin kahit pag-aari na niya ang mga pag-aari ko. I won't imprison him not abuse him. I have high regards for him because if not, I could easily take him away from you without lifting a finger. And your family, no matter how powerful you are across the globe, won't be able to do anything... Literally, anything to take him back. Kilala mo ako at alam mo kung ano ang mga pag-aari ko ngunit hindi mo pa alam ang mga kaya kong gawin para makuha ang gusto ko kung nanaisin ko."
"Are you threatening me, Mr. Petrov?"
Ngumiti ako sa kanya.
"Threats are not part of my vocabulary, Mr. Salvador. I can do what I want with anyone if I want to. It's as simple as that."
Natahimik si Mr. Salvador na waring nag-iisip ng bagong strategy para hamunin ako.
"He said no," he finally said.
Napatango-tango ako.
"What would you do about it ngayong nalaman mo na ang sagot niya sa proposal mo?" muli niyang tanong nang hindi niya ako sagutin.
"Then I'll raise my offer. How about starting at a billion dollars worth of business partnership plus 5 percent of stocks that will be named after your company? The rest will go to him after he signs our marriage contract. Isasabay ko ang pagpirma niya sa mga papeles na maglilipat sa pangalan niya sa percentage of shares na nakapangalan sa akin. Of course, may nga kundisyon din ako. Pero ang pinakaimportante, divorce won't be possible once he's married to me," pakikipagnegosasyon ko. Mr. Salvador is a smart businessman. Mahirap balewalain ang ganong kalaking halagang offer at alam niyang kahit sino man sa mundo ay walang magtatangkang higitan pa iyon.
Bumuntonghininga si Mr. Salvador.
"Only a dumb businessman would turn down that offer, Mr. Petrov. And I don't want to be that dumb businessman. But I am not the one calling the shots here. In the end, it would be Julian's decision. It's him who will get married to you not me."
Nakadama ako ng tagumpay sa sinabi niyang iyon. Hindi man niya literal na sabihin, alam kong tinatanggap na niya ang offer ko. Napabilib din niya ako. He's a cunning and ruthless businessman but he's not greedy. For if he was, he would ask for more stocks to be named to them or even to him personally.
"I'm willing to wait until he agrees, Mr. Salvador, even if it would take years. Just allow me to court him or date him if he wants to. You have my word that I won't do anything that would ruin both our reputations. I won't force him to do things that would only benefit me. Mataas ang respeto ko at pagpapahalaga sa desisyon niya. Nasabi ko na iyon sa iyo kanina."
Siya naman ang napatango-tango.
"He won't have a problem in our marriage. Hindi sa pagmamayabang ngunit kung mabibigyan lang kami ng pagkakataon na magkakilala nang malalim, even without my offers, he would agree to marry me. Hindi naman masama ang itsura ko para ikahiya niya ako. Ang tanging magiging problema lang siguro ay ang agwat ng mga edad namin."
Sa pagkakataong iyon ay muli akong pinag-aralan ni Azyra. Nakita ko ang tila rekognisyon sa mga mata niya sa pagdaan ng mga sandali na ipinagtaka ko.
"What is it?" pagtatanong ko.
"I think I know the reason why he said no," sagot niya.
Sa unang pagkakataon sa laghaharap naming ito ay pumalya sa pagtibok ang puso ko.
"What is the reason, Mr. Salvador?"
"Julian has trauma with older men."
...
Matagal nang nakaalis si Mr. Salvador ngunit nanatili pa Ako sa kinauupuan ko habang malalim na nag-iisip tungkol sa huling sinabi niya.
He said that Julian has trauma with older men but why did he agree to have a one night stand with me if he really has that trauma? Did he encounter something bad with an older man? Sa pagkakaalam ko, lahat ng mga nakarelasyon niya ay hindi naman malayo ang agwat ng edad sa kanya. Was he abused by an older man before kaya siya sa mga lalaki nakikipagrelasyon? And who the hell was that bastard who had hurt him? Was he still alive? He'd be luckier if he's already dead dahil kapag napatunayan kong may ginawa siyang pang-aabuso kay Julian gaya ng inaakala ko, hindi ko na patatagalin pa ang buhay niya. Anyone who's hurt Julian would be dead once I'm done with him.
Napabuntonghininga ako habang inaalala ang naging pag-uusap namin ni Mr. Salvador. I can vividly imagine some older men abusing Julian and I seethed in anger.
Ngayong nalaman ko ito, Hindi pa man napapatunayan na totoo ang hinala ko, ay ramdam ko sa sarili kong mas naging determinado upang makuha si Julian sa aking pangangalaga. The Vladimiers are known to protect their blood especially so that they have such a controversial family starting from their grandfathers Winter and Summer Vladimier who married just one poor lady. And don't get me started with their children who were all men but into men.
Wala namang kaso sa akin iyon. But having them all around Julian and that happened to him, that is something questionable to me. Sana lang ay naibigay nila ang hustisya para rito.
I must protect Julian at all cost lalo na at wala pa siya sa poder ko.
Mukhang kailangan ko nang magdagdag Ng mga tao na magbabantay sa kanya Lalo na at Hindi ko personal na magagawa iyon. Who knows, the culprit may be alive at naghihintay lang ito ng pagkakataon upang muling saktan si Julian.
Kinuha ko ang phone sa bulsa ng suot kong coat.
"Brandon, come here. I need to talk to you," seryoso kong utos habang matatalim ang mga matang nakatutok sa pader.
"Yes, boss," narinig kong sagot niya.
Ilang sandali pa ay nasa harapan ko na ang kanang kamay ko.
"Sit," utos ko sa kanya na nagmamadali niyang sinunod. Marahil ay nabasa na rin niya mula sa mukha ko ang kaseryosohan ng pag-uusapan namin.
"How many men do we have there?" Ang there na tinutukoy ko ay ang opisina kung nasaan si Julian ngayon.
"We have five, boss. Tatlo ang nasa labas at dalawa ang nasa loob."
Napatango ako. Dalawa ang espisyang ipinadala namin upang magtrabaho sa Vladimier Group.
"At sa bahay nila?" sunod kong tanong.
"Isa ang nakapasok, boss," kaagad niyang sagot. That means na nakapasok sa kasambahay ang isa sa mga tao namin.
"Magdagdag ka pa. Sa kumpanya ay gawin mong sampu ang magbabantay sa labas at tatlo pa sa loob."
"Masusunod, boss," alisto niyang sagot.
"Gusto kong makuha ang reports nila bawat oras kung may pagkakataon sila, Brandon. I want all eyes on him--kung saan siya nagpupunta pagkatapos ng trabaho at maging kung sino-suno ang hinala niya."
"May problema ba, boss?" Curious niyang tanong.
"Someone might hurt him, Brandon. And I don't want that to happen. I don't want anybody touching what's mine in an inappropriate way, you understand me?"
"Yes, boss. I'll send additional men right away."
Tinanguan ko siya.
It's time to start protecting him at all costs.