Chapter 9

1407 Words
Alas dos na ng madaling-araw ngunit mulat na mulat pa rin ang mga mata ko. Abala ang isipan ko hindi dahil kay Alexei kundi dahil kay Ivan. Dahil sa proposal niya at sa mga in-offer niya kay Kuya Azyra. Hanggang ngayon ay hindi pa rin ako makapaniwala na handang niyang ipangalan sa akin ang lahat ng ari-arian niya. It smells fishy to me. Hindi lang milyon ang pinag-uusapan dito kundi trillion of dollars and properties. If I marry him, those wealth would become conjugal properties anyway. Kung bakit kasi ako pa. Sa dami ng babae kong pinsan, ako pa talaga ang gusto niyang pakasalan. Ni hindi ko siya mabibigyan ng tagapagmana niya. Does he really like me that much? Sabi ni Kuya, Ivan liked me even before we had a one night stand. And I believe na mas kaya siya mas lalong naging pursigido ay dahil na rin sa nangyari sa amin. Was I able to fully satisfy him kaya gusto niyang araw-araw niya akong maaangkin? I should be proud that all of the women or men out there, ako iyong nakapagbigay sa kanya ng kasiyahang hindi niya na maaaring makita sa iba, right? Pero natatakot ako imbes na maging proud. Even if I've already forgiven Dad, Ivan reminds me of him because of his age. Siguro ay kaya ko lang nakayanang maangkin niya noong gabing iyon ay dahil sa kalasingan at pagrerebelde dahil sa ginawa sa akin ni Alexei. Pero paano kung araw-araw na niyang gawin iyon na hindi ako lasing? My trauma might come back to me. If that happens, Ivan would know what Dad did. There's a chance na mabubulgar pa iyon sa iba. Isa iyong nakadidiring sikreto na ikasisira ng buong pamilya namin. That's why I have to really think it through. Marami akong dapat alising takot sa sarili ko bago ko siya mapapakasalan. Napasulyap ako sa maletang nasa isang tabi. Bukas na ang flight ko. Kailangan ko nang matulog dahil maaga akong gigising para magpahatid sa airport. I forced myself to sleep pero Hindi talaga ako dinadalaw ng antok kahit anong puwesto pa ang gawin ko. Alas tres na mg madaling-araw nang sukuan ko ang pagtulog. Bumangon na ako at naghanda at alas siyete ng umaga ay nasa airport na ako. Halos isalampak ko ng upo ang katawan ko nang makita ko na kung saan ako umupo sa loob ng business class section. Nakakainis na ngayon pa ako kinukulit ng antok ko. Umayos ako ng upo. Malapit nang mapuno ang lugar ngunit wala pa rin ang makakatabi ko. Nagkibit-balikat ako. Ipinikit ko na ang mga mata ko at ilang sandali pa ay hindi ko na namamalayan ang lahat. Gigisingin naman siguro ako ng flight steward kapag palipad na kami. Hindi ko na namalayan ang mga lumipas na oras. I just jolted awake for no reason. Tahimik ang paligid. Nasulyapan kong tulog na ang mga kapwa ko pasahero. Napakunot-noo ako. Did we take off with me not properly on belts? "I did it for you." Halos maputol ang leeg ko nang lumingon ako sa pinanggagalingan ng boses na iyon. Nanlaki ang mga mata ko nang makilala ko ang taong iyon. It's no other than Ivan Petrov in the flesh! "W--what... What are you doing here?!" gulat kong tanong sa kanya. Napakunot-noo pa ako nang makitang naka-coar and tie siya na parang kagagaling lang niya sa kanyang opisina. Dito ba siya dumiretso sa airport pagkatapos niyang bisitahin ang kumpanya niya? Ganito ba siya kaabala para hindi man lang nakapagpalit nang mas kumportableng damit bago siya bumiyahe? "Well, aside sa kanina pa panunuod sa pagtulog mo, I'm going where you're going. Hmm, saan nga ba lalapag ang eroplanong ito, Julian Vladimier? Hindi ba at sa Pilipinas?" Napatunganga ako sa kanya. Nang makabawi ako ay agad akong nagtanong. "Tell me, is this just mere coincidence, Ivan?" tanong ko nang makabawi na ako. He smiled at me, his eyes were sending me a lot of message that made me had goosebumps. "Nothing is coincidence when it comes to you and me, Julian." Napalunok sa nang titigan niya ako na tila Marami siyang gustong sabihin sa akin na kaming dalawa lang dapat ang nakakaalam. Kaagad akong nag-iwas ng mga mata. Kung may isang bagay pang nakakatakot sa kanya, iyon ay ang kanyang mga mata. They are very expressive. What's worse, I can read through them. He wants me. He wants me again. And he is making me remember that night we shared. Nanayo ang mga balahibo ko nang isa-isang dumaan sa isipan ko ang bawat eksenang pinagsaluhan namin. "Have you been sleeping well, Julian?" Gusto kong lumingon sa kanya dahil sa sinabi niyang iyon ngunit dahil ayokong magkasalubong ang mga mata naming dalawa, sinagot ko iyon na hindi tumitingin sa kanya. "I am." "I don't think so..." Sa pagkakataong iyon ay napalingon na ako sa kanya nang nakakunot-noo. "What are you saying? I am..." "You're not," pagputol niya sa sinasabi ko. Atribido pala ito. "How would you know if you're not living at our house?" "I can live there with you if you'll ask me to. But I'd rather us live at my house. If it's too big for you, I can have a simpler house for us built," kaswal niyang turan na nagpaikot sa mga mata ko. Kaswal man ang pagkakasabi niya, pakiramdam ko ay nagyayabang siya sa akin. "I don't want to live at any house you'd built for me, Ivan. I have my own house," matigas na ang boses kong sabi na ipinagkibit-balikat lang niya. "For me, it would be better if you'll be at my house. Maraming mag-aasikaso sa'yo roon. I can even hire a nanny for you." Hindi ko napigilang mapatawa sa sinabi niyang iyon. "Nanny? Ano ako, two years old?" sarkastiko kong tanong sa kanya. "I mean someone who'll remind you when to eat and sleep. Someone who'll remind you to take your vitamins and supplements everyday. Two days pa lang pero pumayat ka na." Two days pa lang at nakikita na niya ang pagbabago sa akin? Gaano ba ako kakilala ng taong ito at kabisado niya ultimo size ng katawan ko? "And you don't have to work when you marry me, Julian. You can even become the boss of any company you'd like to build. Name it, you can have it. Just marry me, Julian. I promise to give you everything that you desire," patuloy nitong pangungumbinsi sa akin. "You sounded like a dirty, old man with the way you're giving me those offers, Ivan. You cant make me agree to marry you even if you'll give me a hundred percent of your company. I barely know you!" Napalakas ang huling pangungusap ko kaya napalingon sa akin ang katabi naming upuan. Nahihiyang humingi ako ng paumanhin sa babae. "How would you get to know me if you're leaving? I asked you to give me a chance but look at what you're doing," parang paninisi pa nito sa akin. "I'm going to the Philippines to heal, Ivan. My boyfriend of six years just broke up with me and married the woman he impregnated. I can't just move on right away and get to know another man intending to marry me! I'm not that kind of man!" asik ko sa kanya. "You're even sexier when you're mad, Julian," banayad niyang saad dahilan para kilabutan ako. "Will you stop this, Ivan? Fine! Isa rin sa mga rason kung bakit umalis ako ay para maiwasan ka while I'm making my decisions. Napakatuso mo. You offered my cousin a proposal that you know he can't say no to," prangka kong saad sa kanya. "Aren't you supposed to be proud that I offered that large amount for you, Julian? All you have to do is say yes and you and your family would have everything." "Hindi kami mukhang pera, Mr. Ivan Petrov. You cant have everything that you desire even if you own all the money in the world," galit kong panunumbat sa kanya. Nang nanahimik siya ay nagpatuloy ako. "And I won't marry someone who'll buy me. I intend to marry someone who loves me and whom I'm love." Sa unang pagkakataon ay ngumiti siya nang kakaiba. Ano iyong nakikita kong ngiti niya? Why is there tenderness in his smile? "What if I'll tell you that I love you, Julian? Will you believe me?" mahina ngunit klaro niyang tanong. Napalunok ako habang nakikipagtitigan sa mga mata niyang nangungusap. Maniniwala nga ba ako sa sinabi niyang iyon?
Free reading for new users
Scan code to download app
Facebookexpand_more
  • author-avatar
    Writer
  • chap_listContents
  • likeADD