Chapter 15

1630 Words
Damn, halos isang oras pa akong nagtulug-tulugan sa tabi ni Ivan kagabi bago ako talagang nakatulog. At ngayon, nagising ako na wala siya sa tabi ko. "Ugh, Ivan. Sakit ka yata sa ulo," nasambit ko nang may bahagyang hapdi akong naramdaman sa ulo ko nang tuluyan na akong makaupo. Mukhang magiging ganito ang eksena ko gabi-gabi. Magpupuyat dahil makakatabi ko si Ivan. I am not used to sleeping with someone beside me, much more with someone who was cuddling me all night. Sa unang boyfriend ko lang naranasan at pinayagan iyon. Alexei and I do not do it sa tatlong taon na relasyon namin at hindi na ako sanay na may gumagawa niyon sa akin. Nang mawala na ang pananakit sa ulo ko ay tuluyan na akong umalis sa kama at nagtungo sa banyo. Pagkatapos kong magbanyo at magsepilyo ay bumaba na ako. Gusto ko munang mag-almusal bago maligo. It's already 8 o'clock in the morning. "Good morning, Sir," bati sa akin ng dalawang kasambahay na naroon sa dining area bago sila nagpunta sa kusina para ilabas ang mga inihanda nila para sa almusal. "Thank you," pagpapasalamat ko nang matapos sila. "Tawagin mo na iyong asawa ni Sir," utos ng mas matandang kasambahay sa kasama niyang mas bata. "Sabihin mong gising na ang asawa niya at hinihintay na siya." Hindi ako nakapag-react agad. Alam ba nilang magkasama kami sa kuwarto ni Ivan kaya iniisip nilang mag-asawa kami? "Ate, mag-asawa ba talaga sila? Parang mag-ama na sila sa agwat ng edad nila, eh," saad naman mg isa. "Bulag ka ba? Hindi mo ba nakikitang hindi naman sila magkamukha? Tama ka naman na parang mag-ama na sila sa layo ng agwat ng edad nila. Pero kung ikaw ba naman ang sobrang yaman, kahit matanda ka na ay may papatol talaga sa'yo kahit lalaki pang tulad mo," malisyosang sabi ng mas matanda. They were using Tagalog. Akala siguro nila ay hindi ko naiintindihan ang mga sinasabi nila kaya balewala lang sa kanila kahit marinig ko iyon. Napakuyom ako ng mga kamay. Ito na nga ba ang sinasabi ko. Ito na iyong mga panghuhusga na inaasahan ko. "Ate, baka naman hindi dahil sa pera kaya mag-asawa sila ngayon. Baka naman totoong mahal nila ang isa't isa. Tsaka hindi naman mukhang mahirap lang itong si Sir. Hindi naman siguro dahil sa pera kaya nagpakasal siya kay Sir Ivan dahil hindi naman mukhang mahirap na tao si Sir Julian. Tignan mo nga at mas maganda pa ang kutis niya sa atin," pagtanggol sa akin ng isa. "Alam mo, Nene, kahit saang ibang bansa pa, gaganda talaga ang kutis mo. At praktikal na ang mga tao ngayon. Kahit ano pa iyan, babae man o lalaki, papatol na sa may pera basta mabuhay lang ang sarili at pamilya. Tsaka paano mo naman nasasabing hindi siya mahirap? Lahat naman ng foreigner ay hindi mukhang mahirap kapag naririto sila sa Pilipinas." "Pero, Ate..." "Ah, basta. Kahit ano pa ang dahilan kung bakit mag-asawa sila ngayon, iyon na iyon. Tawagin mo na si Sir Ivan. Ibinilin niya iyon kaninang magpunta siya sa pool area. Sabihin mo na..." "Ako na po ang tawag sa kanya," putol ko sa sinasabi ng mas matandang kasambahay. And I said that in Tagalog. Nang lingunin ko sila ay pareho silang nakanganga at gimbal na nakatingin sa akin. "S--sir, nagta...nagta-Tagalog ka?" takot na takot na tanong ng mas matandang babae. "I'm half Filipino. Nakakaintindi at nakakapagsalita ako ng Tagalog," walang ngiti kong sagot sa tanong niya. Kanina kung husgahan niya ako ay ganon na lang pero ngayon, para siyang basang sisiw sa harapan ko. "At kung sakali mang hindi ako nakakaintindi, sana ay hindi ninyo ako pinag-uusapan sa mismong presensiya ko lalo na ang maliitin ako nang harap-harapan. I may not be as wealthy as Ivan, but I will not marry him for his money. Kaya kong buhayin ang sarili ko dahil marunong akong magtrabaho. Hindi man kasing yaman niya ang pamilya ko, may mga negosyo naman kami na kayang buhayin kahit ang mga apo namin kahit maging ilan pa sila. And Ivan and I are not married yet. Kung magkatabi man kaming natutulog ay..." "What is this?" Nanlamig ang buong katawan ko nang marinig ko ang malagom na boses ni Ivan. Lumingon ako sa kanya at seryoso siyang nakatingin sa akin. Nasa likuran niya ang dalawa sa mga bodyguards niya na kuryos ding nakatingin sa nadatnang eksena namin. Nagtatanong ang mga mata ni Ivan na nakatingin sa akin bago lumipat ang mga iyon sa dalawang kasambahay na yukung-yuko. "What's happening, Julian?" baling niyang muli sa akin. Malakas akong bumuntonghininga. I think one of the maids has to go. Hindi ako kasing bait ng iba na mabilis magpatawad sa taong uminsulto sa kanila. I will not claim that I am a good person either. I was a spoiled brat before the darkest event in my life happened at kahit tapos na iyon at matanda na ako ay lumalabas pa rin iyon gaya ngayon. I can't just live with someone who has degraded me. I wouldn't be able to breathe knowing that we're living in the same house. "Ivan, change one of the maids, please." May halong tigas ang boses na sagot ko sa katanungan niya. "May I ask why, Julian?" curious niyang tanong. Natigilan ako. Hindi ko alam kung dapat ko pang sabihin sa kanya ang ginawa ng mas nakatatandang kasambahay. Naalala ko kasi ang sinabi niya kagabi na kapag may nang-insulto sa akin ay hindi na iyon sisikatan ng araw. At gaya ng sinabi ko, ayokong may mawalan ng buhay dahil sa akin. Not because we're in the Philippines ay hindi na magagawa ni Ivan ang gusto niya. Alam kong magagawa niya ang mga pagbabanta niya saang bansa man siya naroroon. Ngunit bago pa ako makapagdesisyon kung sasabihin ko ba sa kanya o hindi ay lumuhod na sa harapan namin ang dalawang kasambahay. Parehong tila naiiyak na. "Sir, sorry po! Hindi ko naman po alam na naiintindihan pala ninyo kami. Alam ko pong naging mapanghusga ako. Patawarin po ninyo ako, Sir Julian!" "Sir Julian, sorry po! Sorry! Wag po ninyo ako paalisin! Kailangan ko po ng trabaho, Sir!" pagmamakaawa naman ng mas bata. Nagkatinginan kami ni Ivan bago siya bumaling sa mga ito. "What did you both do?" pagtatanong niya ngunit walang gustong sumagot sa dalawa. "Answer me!" Maging ako ay nagulantang sa lakas ng boses ni Ivan. "Sir! Sir... We insulted Sir Julian. We said that he only married you because of... because of money. I'm sorry, sir!" Akmang lalapitan ni Ivan ang mas nakatatandang babae ngunit mabilis akong lumapit sa kanya. Hinawakan ko ang mga braso niya at pinigilan siya sa akma niyang pagsugod sa mga ito. "Julian!" matigas niyang sambit sa pangalan ko. Nababasa ko sa kanyang mga mata ang apoy ng galit na kasalukuyang sumisiklab sa kanyang katawan. "Please! Just let the older one go and don't cause any trouble for us, Ivan. Just let the older one leave peacefully," pakiusap ko sa kanya. "She insulted you right in front of your face, Julian. I won't let that go!" he said in Russian and in a tight tone that even I had goosebumps. "Please! She doesn't mean it. Can't you see that this is really bound to happen? Just let her go, please?!" sagot ko rin gamit ang lengguwaheng kaming dalawa lang ang nakaiintindi. Tumingala si Ivan at bumuga ng malakas na hininga na waring doon niya pinapakawalan ang galit niya. Pagkatapos ay tumingin siya sa akin nang mariin. Nabasa kong hindi pa rin humihinahon ang galit niya. "I am very angry right now, Julian. I can't just let this go or else I'll go on a rampage. You ought to do something about this." Napabitaw ako sa kanya dahil sa sinabi niyang iyon. "What?! Why should I be the one to do something about what you're feeling right now?!" Bakit ako ang kailangang gumawa ng paraan para maibsan ang galit niya?! "Then, let me do what I meant to do with her." Humakbang na siya papunta sa nanghihilakbot na kasambahay. Napaupo na ito at napaatras nang makitang papalapit na sa kanya si Ivan. "Ivan!" habol ko sa kanya. Nahawakan ko ang isang braso niya at hinila iyon ngunit mas ako ang nahihila niya habang papalapit siya sa kasambahay. Ilang hibla na lang ang distansiya niya sa kasambahay nang sumigaw ako para pigilan siya. "Fine! Just leave her alone, Ivan! Just let her leave!" Awtomatiko namang tumigil siya sa paglapit sa kasambahay na umiiyak na nang malakas dahil sa takot. Lumingon siya sa akin at nang makitang seryoso ako ay kaagad siyang bumaling sa mga bodyguards niya. "Let the older one pack her things and drop her off to where she lives. Give her salary and file a complaint to her agency," utos niya sa mga ito. At dahil sa sinabi niya ay nakahinga ako nang maluwag. "And you," baling niya sa nakababatang kasambahay. "S--sir...?" "This will serve as your warning. Julian is my fiance. And he's marrying me not because of my money. He's marrying me because he wants to. I don't want to hear you talking bad things about him with the others. Do you understand me?" matigas niyang sabi sa kasambahay. "Y--yes, Sir..." Bumitaw na ako sa kanya nang sa wakas ay huminahon na siya. Wala na rin ang galit na kanina ay bakas na bakas sa kanyang mukha. Lumingon siya sa akin at mahinahon pa ring nagsabi na, "Let's eat breakfast, Julian while we talk about what you'll do to ease the anger that I still have inside." Nang tumingin ako sa kanyang mga mata ay may nakita akong kakaibang kislap sa mga ito dahilan para manuyo ang lalamunan ko. Napalunok ako. Ano ba ang ipapagawa niya sa akin para hindi na niya parusahan pa ang matandang kasambahay?
Free reading for new users
Scan code to download app
Facebookexpand_more
  • author-avatar
    Writer
  • chap_listContents
  • likeADD