Chapter 14

1417 Words
Pagkatapos ng sinabi niyang iyon ay halos hindi na kami nag-uusap habang ipinagpapatuloy namin ang dinner. Sa totoo lang ay hindi ko alam kung ano ba ang dapat kong maramdaman sa sinabi niyang iyon. Kailangan bang matakot ako? He's a mafia lord. Alam iyan sa buong Russia. He's related to the president and he could practically do whatever he wants. Almost all of our national officials know him, too. Malaki ang ambag ng businesses niya sa buong mundo sa ekonomiya ng bansa namin. And that gave him the license to do whatever he wanted. There's no doubt that he can do what he told me. Ang tanong, dapat ko ba iyong ikatuwa? I should be flattered, right? It's a way for him to protect me and both our reputations. But knowing that he could actually kill people because of me doesn't sit right with me. Ayoko namang may mamatay nang dahil sa akin. Ngunit paano ko sasabihin sa kanya iyon? He's old enough to know what's right from wrong. Natapos namin ang dinner na halos hindi kami nag-uusap. I think nasira ko na rin Ang mood niya dahil Hindi na rin siya nagsasalita. Tahimik lang siya at waring may malalim na iniisip. Halos hindi na nga niya ako sulyapan na kahit papano ay ipinagpapasalamat ko. Nang tumayo siya ay tumayo na rin ako. Halos hindi ko na nagalaw ang ripe mangoes na inihain ng mga kasambahay para sa aming dessert. Paborito ko pa naman iyonbut I don't feel like eating them dahil gabi na at wala sa mood ang kasama ko sa hapag. "Let's go upstairs?" tanong niya sa akin nang sulyapan ko siya. Nagulat pa ako dahil nakatingin na pala siya sa akin nang hindi ko namamalayan. "Yeah," simple kong tango sa kanya. Tahimik kaming umakyat at nakarating sa kuwartong pagsasaluhan namin.as naging awkward at tensiyonado ako nang nasa loob na kami. Ni hindi ko alam kung saan ba ako tutungo. "You can watch some movies, Julian. I have some business to do." Nakahinga ako nang maluwag sa sinabi niyang iyon. That means na hindi muna kami magkatabing mahihiga sa kama. I rolled my eyes with that thought. Para namang hindi talaga kami magtatabi mamaya pagkatapos ng mga gagawin niya. He will just delay it for a couple of hours. Naglakad na ako patungo sa tulugang bahagi ng silid at dumiretso sa TV na naka-bracket sa pader. Kinuha ko ang remote para i-on ito at saka ko kinalikot ang remote para pumili ng papanuorin ko. I opted to watch an action movie habang nagpapaantok. Pagkatapos ay nahiga na ako sa kama. Palihim kong sinulyapan ang kinaroroonan ni Ivan. May mini office ang silid at naroon siya na abala sa kanyang laptops. Laptops dahil dalawa ang nasa harapan niya at salitan siyang nagta-type sa mga ito. Hmm, he's a workaholic too, huh?maybe he's counting his billions at computing kung magkano pa ang magagastos niya sa akin. Napabuntonghininga ako. Hindi ko alam kung bakit nagiging issue sa akin ang pera niya. Seriously, winawaldas niya iyon sa akin. Ano kaya ang magiging reaksiyon niya kung sa huli ay hindi ako magpapakasal sa kanya kahit na bilyon na ang magagastos niya sa akin? Baka sa akin niya gawin iyong pagbabantang ginawa niya kanina. Baka sa huli, ako ang hindi na makakakita sa pagsikat ng araw. We can't fight him, I know that. Hindi na gaanong kaaktibo ang grupo na itinatag nila Lolo noong kabataan nila. Halos ipamigay na nga ng mga pinsan ko ang pamamahala rito dahil lahat kami ay abala sa pagpapalago ng business empire namin. Lahat kami ay nagta-trabaho roon. Ang iba ko ngang pinsan ay namamalagi na sa mga bansa kung nasaan ang mga branches namin. They might have other businesses there too like Damon but they still find time to manage our company branch there. I stood up to brush my teeth and clean myself when I felt like going to sleep. Ayoko namang matulog na hindi nakakapagsepilyo. Nang lumabas ako sa banyo at abala pa rin si Ivan sa ginagawa niya. Pinatay ko na ang TV dahil tapos na ang pelikulang pinapanuod ko at naghanda na akong matulog. Hindi ko na namalayan kung anong oras natapos si Ivan sa ginagawa niya. I just woke up at dawn na nakasiksik na ang katawan ko sa katawan niyang himbing na natutulog. Mabuti na lang at nakontrol ko ang sarili ko dahil kung hindi, baka nagsisisigaw na ako o 'di kaya ay nasuntok ko na siya. Pinakalma ko ang sarili ko at habang ginagawa iyon ay nakatingin ako sa kanya. Good thing he doesn't snore. At dahil Wala namang ibang makikita ang mga mata ko kundi ang mukha niya ay pinag-aralan ko na lang ang mukha niya. He has such a strong jawline which is typical of Russian men. He has long lashes which are atypical, he has a defined nose and a pair of reddish, full lips. He has such a powerful body and even if he's wearing a shirt, everybody can see that he has a good physique. He has broad shoulders, a solid chest, and muscular arms. Unlike me na may kapayatan at ni walang muscles sa katawan. Nakaka-curious din talaga kung bakit ako pa ang gusto niyang pakasalan. Bakit hindi na lang siya maghanap ng babae? Magkakaroon pa siya ng tagapagmana na hindi ko naman kayang ibigay sa kanya. Though we're a family of men who want men, it's quite a revelation that a man like Ivan is similar to us. And out of all handsome, young men in Russia, ako pa talaga na naging lover ng pamangkin niya. Dahil sa naaalala kong kamag-anak niya si Alexei, na-curious ako kung nagkakilala na ba kami sa mga family affairs ng ex ko. Hindi ko na kasi maaalala. Ang naaalala ko ay nakikita ko siya roon ngunit hindi kami nagkakausap. Iyon ba ang mga panahon na nagustuhan niya ako? Was I too attractive during those times kaya niya ako natipuhan? Hindi naman siya magiging ganitong ka-obssessed sa akin kung hindi niya ako gusto, 'di ba? Ang yabang ko naman sa sinabi kong iyon pero iyon lang ang nakikita kong reason kaya naging interesado si Ivan sa akin. Did he fall in love with me at first sight? Siguro ay tama ang hinala ko. Iyon lang ang nakikita kong valid reason, eh. Baka nga naaawa pa siya sa akin dahil sa ginawang pang-iiwan sa akin ni Alexei. O baka naman may galit siya sa pamilya ng ex ko and taking me as his husband would be a sort of revenge against them. But he could make me his lover without marrying me. Bakit nga ba gusto niya akong pakasalan? "Why are you already awake?" Halos mapatalon ako sa gulat nang bigla siyang nagsalita. "Ivan, what the f**k?!" Hindi ko napigilang isigaw dahil sa gulat. Mabilis akong umatras palayo sa kanya at umupo. "Such a dirty mouth," pagkatapos sabihin iyon ay naghikab siya. "Let's go back to sleep, Julian. Katutulog ko lang nang maramdaman kong nagising ka," paanyaya niya sa akin. Napakunot ang noo ko sa kanya. Katatapos lang ba niyang magtrabaho? Duh, kasasabi nga lang niya, Julian! sita ko sa sarili ko. "I'm sorry, Ivan. I didn't know. And I also do not know why I suddenly woke up. Sige, matulog ka na ulit." "And you?" "I am going to sleep again, too," sagot ko at saka ako nahiga ulit. Ewan ko kung makakatulog pa ako na conscious akong nasa tabi ko siya. Isa pa, ano naman ang gagawin ko kung babangon na ako at aalis dito sa kuwarto? "Sleep beside me, Julian," nakapikit niyang saad. "I am beside you," kunot-noo ko namang sagot. "You're too far from me and you're almost at the edge of the bed. Aren't you scared that you'll fall?" hindi pa rin dumidilat na sagot niya. Napabuntonghininga ako at saka umayos papalapit sa kanya. But it seems that he's not satisfied that we still have a space between us. He pulled me towards him and hugged my body. "Ivan..." pagrereklamo ko. "Get used to this, Julian. This will be your sleeping position from now on. Be glad that we're not married yet because once we are, you'll be in the same position with no clothes on." Nag-init ang buong mukha ko sa sinabi niya. Maging ang buong katawan ko ay nag-init pero ang nakakainis, iyon ang klase ng pag-iinit na may kahalong panginginig. "Stop teasing me and just sleep, Ivan!" I hissed at him. Mahinang tawa lang ang isinagot niya sa akin.
Free reading for new users
Scan code to download app
Facebookexpand_more
  • author-avatar
    Writer
  • chap_listContents
  • likeADD