Hindi ako mapakali habang magkaharap na kami ni Ivan sa almusal. Sino ba naman ang hihinahon kung alam mong may gagawin siya laban sa akin? Nakakainis. Ako na nga iyong ininsulto kanina, ako pa yung paparusahan dahil lang sa ayaw kong masaktan iyong kasambahay.
"Julian, stop thinking about what I've said. You should eat well because we're going out," tila paninita niya sa akin.
"Going out? Where?" nagmamadali kong tanong. Kabado dahil baka sa pupuntahan naman niya ako parurusahan.
"We're going to buy cars, remember?"
Muntik na akong mapatapik sa noo ko. Oo nga pala.
"Don't buy me a car anymore, Ivan. That should be my punishment that you insist on."
"I'll buy you one. You said you need it," saad niya habang patuloy sa pagkain.
"But you're going to spend millions again," pagrereklamo ko. "People might really think that I'm a gold digger because of what you're buying for me."
"You shouldn't have prevented me from punishing that old woman so you would know what I'll do to people who insult you, Julian," mariin niyang sagot. Nang mapansin na parang natigalgal ako ay huminahon ang pagsasalita niya.
"Julian, it's not wasting money if I'm buying things that you need. You need a place to stay while you're here so I bought this house. Besides, I can't live with you at your grandparents' house, can I? We need this house. It's also for both our privacy. You need it. Now, I'm buying you a car because you don't have one and you need it, too," pagpapaliwanag niya.
"You don't have to pay for anything that I need, Ivan. I have my own money and I..."
"You won't spend a penny whenever you're with me, Julian. I won't allow it," pagtatapos niya sa usapan namin dahil tumayo na siya bago pa ako makasagot ulit.
"I'll go and prepare first. Finish your breakfast then come up stairs to prepare too."
"Okay," napilitan kong sagot. Iyon lang ang hinintay niya bago siya umalis. Napailing na lang ako at ipinagpatuloy na ang pagkain ko. Mukhang wala akong magiging kalaban-laban kay Ivan. Hindi ko maipilit sa kanya ang gusto ko. Kunsabagay, convenient nga na may sarili akong sasakyan para kung gusto kong umalis na hindi siya kasama ay magagawa ko.
Tapos na akong kumain at paalis na nang makasalubong ko iyong mas nakababatang kasambahay kanina. If I'm not mistaken, Nene ang pangalan nito.
"Yes?" pormal Kong tanong dahil nakatingin lang siya sa akin at hindi nagsasalita.
"Umm, Sir, gusto ko po sanang mag-sorry ulit dahil sa nangyari kanina," kabado niyang panimula. "Sorry po kung naging madumi ang isipan namin..."
"Hindi mo kailangang mag-sorry," putol ko sa sinasabi niya. "Hindi ba at ipinagtatangol mo pa ako kanina?"
Nakayuko siyang tumango sa akin.
"Then, Ako Ang kailangang magpasalamat sa'yo, Nene." Gulat siyang napatingin sa akin nang banggitin ko ang pangalan niya.
"I remember the old lady saying your name. Anyway, thanks for the good breakfast. Nabusog kami."
Ngumiti na siya sa akin. Halatang kinakabahan pa rin siya ngunit hindi na tulad kanina.
"Magaling po itong tagapag-luto, Sir. Sasabihin ko pong nagustuhan ninyo iyong inihanda niya."
Tumango ako at akmang tatalikod na nang may maaalala ako.
"Iyong matandang babae, umalis na ba siya?" pagtatanong. ko.
"Ah, eh...naghahanda na po siya. Ang narinig ko po ay pag-alis ninyo, saka siya ihahatid. Naaawa nga po ako sa kanya pero kasalanan din po niya. Naging mapanghusga po siya sa inyo."
Napabuntonghininga ako.
"Hindi Naman talaga maiiwasang mahusgahan ako dahil kay Ivan that's why I can't totally blame her. Kung makakausap mo siya, pakisabi na lang na pasensya na kung iyon ang naging desisyon ko. Pero hindi ko kayang tumira sa iisang bahay kasama ang taong nanghusga sa akin."
"Sige po. Kung may pagkakataon po na makakausap ko siya, ipaparating ko po ang mensahe ninyo, Sir.."
Tumango na lang ako sa kanya. May lumabas na isa pang kasambahay at nang malingunan niyang nag-uusap kami ni Nene ay kaagad siyang lumapit sa amin.
"Good morning po, Sir Julian. Ako po si Linda. Kung may ipag-uutos po kayo ay sabihan n'yo lang po kami agad," saad niya.
"Yes. Sige po. Ahh, Nene, maaari mo ba akong samahan sa may pool area?" Kaagad na umaliwalas ang mukha ng kasambahay dahil sa kahilingan kong iyon.
"Sige po, Sir. Tara po," masigla niyang paanyaya sa akin. Naglakad kami nang magkasunod.
Alam kong sinabihan ako ni Ivan na umakyat agad pagkatapos kong Kumain ngunit ayoko munang magtungo sa silid na pinagsasaluhan namin. Sigurado akong Hindi pa siya tapos maligo at mag-ayos at ayoko namang naroon ako sa silid habang ginagawa niya iyon. Hindi pa rin ako kumportableng makasama siya sa iisang kuwarto kahit na sabihing magkatabi kaming natulog kagabi. I just hope na kapag umakyat na ako ay tapos na siya at bigyan niya rin ako ng privacy gaya ng ibinibigay ko ngayon sa kanya.
Pinasyalan namin ni Nene ang pool area. Maluwang din doon at nakakaengganyong lumangoy sa maluwang na pool. Pagkatapos ay dinala niya ako sa garden. Maganda rin doon at nakaka-relax. May mga mamahaling halaman na nakatanim doon na alam kong libo na rin ang halaga online. Pang-bilyonaryo talaga ang ganda ng bahay na binili ni Ivan. Sayang nga lamang at ngayon lang namin ito matitirahan dahil sigurado namang sa Russia kami mananatili once na ikasal na kami. His businesses are there at naroon din ang trabaho ko. I just hope he will let me continue working once we're married. Ayokong manatili sa bahay niya na nakatunganga lang maghapon. Nasanay na akong magtrabaho pagka-graduate na pagka-graduate ko. And my family is paying me according to my skills and position in our company. Actually, kaming magpipinsan ay pare-parwhomg sumabak agad sa business ng pamilya pagkatapos ng aming pag-aaral. No one is excused. Syempre maliban kay Lola Cles noong panahon na ang kambal na mga Lolo namin ang abala sa pagpapalago sa business ng pamilya.
Wait a minute. Bakit kung mag-isip ako ng tungkol sa hinaharap ay parang nakasisigurado na akong pakakasal ako kay Ivan? Hindi ba nga at nag-aalangan pa ako dahil nga sa mga issues na iniiwasan ko?
Gosh, whatever. Basta kung sakaling magpapakasal ako sa kanya, I'll still work. Sa company man namin o sa company niya. He wants my skills too, right? That's what he told Kuya Azyra. At naikuwento iyon sa akin ng pinsan ko.
"Sir Julian."
Napalingon ako sa tauhan ni Ivan na tumawag sa atensiyon ko.
"Yes?"
"Sir, Sir Ivan is already asking for you to go to your room. He's finished," imporma sa akin ng lalaki.
"Oh, thank you. Tara na sa loob, Nene," tawag ko sa kasambahay pagkatapos kong magpasalamat sa tauhan ni Ivan.
"Sige po, Sir Julian."
Bumalik na nga kami sa loob ng bahay or rather mansiyon at naghiwalay na kami dahil umakyat na ako sa hagdan habang si Nene ay dumiretso na sa kusina. Habang umaakyat ako ay naririyan na naman ang kaba sa puso ko. I know that kanina pa wala sa mood si Ivan dahil sa nangyari. I just hope na hindi siya mas lalong nawala sa mood dahil sa tagal kong sumunod sa kanya.
Yes, may takot ako kay Ivan. Though I haven't seen anything yet, I know what he's capable of. And as much as gusto ko siyang kontrahin sa lahat ng desisyon niya, I decided to let it go. I don't want to fight him. Matatalo niya ako. And who knows what he'll do to me. Malayo pa naman ako sa pamilya ko. Though nangako maman siya na Hindi niya gagawin ang kahit na ano kung hindi ko papayagan, still hindi ko pa rin alam kung tutuparin niya iyon. Well, I just hope he does. I can think of some ways to escape from him anyway. Mas alam ko ang pasikot-sikot ng Pilipinas.
Damn, of course, that's a joke. I just know our place here because of my grandparents. Sa Russia na ako ipinanganak at lumaki kaya halos pareho lang kami ni Ivan na estranghero sa bansang ito. But if it comes to escaping, I think mas makaka-survive ako dito sa Pilipinas dahil marunong akong mag-Tagalog hindi tulad niya. Papa's relatives are also here. Though I seldom see them, kilala naman nila ako. Tatanggapin naman nila ako kung magtatago ako sa kanila.
Well, plano lang maman iyong mga naisip ko. Sana lang ay hindi ako humantong sa pagtakas mula sa kanya.
Nang nasa harap na ako ng pintuan ng master's bedroom ay saka ako nag-alangang pumasok. Tumayo pa ako sa harap niyon ng ilang minuto bago ko itinaas ang kamay ko para kumatok. Pero bago ko pa magawa iyon ay bumukas na ang pinto. Iniluwa niyon si Ivan na seryosong nakatingin sa akin.
"You've made me wait, Julian."
Napalunok ako sa tonong ginamit niya.