Naalimpungatan ako dahil sa paghaplos ng kamay sa kanang pisngi ko. Nang magmulat ako ng mga mata, nagkasalubong ang mga tingin namin ni Ivan.
"Wake up, sleepyhead. It's already 8:30 in the evening," masuyo niyang saad habang nasa pisngi ko pa rin ang kamay niya. Tumango at saka sinubukang bumangon. Kaagad na humawak sa magkabilang mga braso ko ang mga kamay niya upang alalayan akong makaupo.
"Why didn't you wake me up earlier? Kumain ka na ba?" tanong ko. Tumayo na siya mula sa pagkakaupo sa gilid ko kanina. He gave me enough space to leave the bed.
"I was waiting for you. Now that we're living together, I can't afford to lose the chance of having my meals with you," sagot niya sa mga katanungan ko.
Naglakad ako patungo sa banyo at ramdam kong nakasunod pa rin siya sa akin.
"I'll just have a quick wash then let's go down to have dinner. Huwag mo na akong sundan sa loob." Sinabi ko iyon dahil tila may balak pa siyang sumunod sa akin. Napailing na lang ako nang marinig ko ang mahina niyang pagtawa na alam kong dahil sa pinatutungkulan ng huling sinabi ko.
Pagkatapos kong magbanyo ay nagsepilyo ako. May mga bagong toothbrushes doon at ilang packs ng toothpaste. Mabilis talagang kumilos ang mga tauhan ni Ivan. Kabibili lang niya nitong bahay ay may mga bagong kagamitan na bukod pa ang mga pang personal na gamit na rin.
Nadatnan ko siyang nakaupo sa kama at naghihintay sa akin ngunit agad siyang tumayo nang nakitang handa na akong bumaba.
Magkasunod kaming lumabas sa kuwarto at bumaba papunta sa unang palapag ng bahay.
"One of the men who arrived earlier is a chef. I asked him to prepare your favorite Filipino meals."
Napatigil ako sa paghakbang pababa sa grand staircase at napalingon sa kanya.
"You know my favorite Filipino dishes?" Napapantastikuhan kong tanong.
"I've asked your sister."
I rolled my eyes bago ko ipinagpatuloy ang paghakbang pababa. Of course, kanino pa ba niya malalaman kung Hindi sa madaldal kong Ate. And I'm sure it's Jessica.
"Thanks," simple kong sabi sa kanya.
"Just tell me what you want to eat and I'll make sure I'll have it prepared."
Hindi ko na sinagot ang sinabi niyang iyon. I'm quite sure na habang magkasama kami ay pauulanan niya ako ng pagpapa-impress niya. Matalino si Ivan. Alam kong tuso rin siya. Not because he got my grandmother's blessing ay nakasisiguro na siyang magpapakasal kami talaga. I still have the last words to his proposal. Ako pa rin ang masusunod and my family knows that.
Hinayaan ko siyang ipaghila ako ng upuan at alalayan sa pag-upo. Handa na ang mesa at ang mga kasambahay ay nasa usang bahagi ng dining area at naghihintay sa anumang iuutos namin. I unconsciously smiled because the tangy and sour smell of sinugang na baboy filled the area. My smile widened even more when I saw a large bowl on the dining table.
Nang iabot ni Ivan sa akin ang bandehado ng kanin ay kaagad akong sumandok at naglagay sa plato ko.
"It's been so long since I ate rice and sinigang," wala sa loob na saad ko.
"And why is that?" maagap naman niyang tanong. "Don't you cook this at your house?"
"We don't have time to tell our cook the dishes that we want served," kaswal kong kuwento. "My cousins and I are all busy working kaya kung ano ang nakahain at iyon na lang ang kinakain namin. Besides, nasanay na kaming Russian dishes ang kinakain. We only have rice once in a blue moon since..."
Nawala ang ngiti ko dahil naalala ko si Sachi. It's been so long since I last saw him. Siya ang mahilig sa rice noong nakatira pa siya sa amin sa Russia kaya iyon ang lagi naming kinakain. Pero simula nang umuwi siya sa kanila sa Japan ay nabawasan na nang nabawasan ang mga pagkakataon na kumakain kami na may kanin sa hapag.
"Since when?"
Napasulyap ako kay Ivan ngunit bumaba Ang mga mata ko sa plato niyang may laman na umuusok na kanina. He was busy filling his bowl with sinigang soup.
"Since our cousin's ex left Russia," pagkatapos ko sa sinasabi ko kanina.
"So your cousin's ex used to live with you there? Who among your cousins?"
"It's Azyra's ex. Yeah, Sachi lived with us because he went to the same university we all went to."
"Your family allowed that?" curious niyang tanong. Lihim akong napangiti dahil napakasosyal ni Ivan na humigop ng sabaw. Natawa ako nang tuluyan nang ngumiwi siya dahil sa asim ng sabaw ng sinigang na nahigop niya.
"This is quite sour-y," natatawa rin niyang saad. "Whoo!"
"Well, it would taste better if you eat it with rice." Ako naman ang humigop at tulad niya ay halos mapangiwi rin ako. But it's flavor is really good.
"It's flavorful," ngiti ko sa kanya.
"How about my question? Did your grandparents allow Azyra's girlfriend to live with your family while they're in a relationship?"
"First, Sachi is a guy. Second, they weren't in a relationship yet when he started living with us. Third, our family loves Sachi. He's like a family so we cannot bear to see him live away from us. Besides, it was quite dangerous for him to live without my family's protection."
Nang makita ko ang pagkunot Ng noon ni Ivan ay napilitan akong magkuwento upang mas maintindihan niya ang sitwasyon noon.
"Sachi is the heir of the biggest mafia group ni Japan."
Napatango-tango si Ivan sa sinabi ko.
Natahimik na kami dahil naging abala na ako sa pagkain. Bukod sa sinigang ay mayroon ding pork barbecue, menudo, and some pork dishes na hindi ko na alam ang pangalan. Habang abala sa pagnguya ay palihim ko siyang pinapanuod. I know that all those dishes are foreign to him kaya naiintindihan ko kung may pangingimi siyang kainin ang mga ito.
"Tomorrow, just ask the chef to prepare what you usually eat and I won't mind. I'm not choosy when it comes to food."
"These Filipino food are all good, Julian. It's just my first time eating them," waring pagpapaliwanag niya.
Sa unang pagkakataon ay nginitian ko siya ng natural at totoo kong ngiti.
"You do not need to please or impress me everytime, Ivan. I wouldn't be at ease if you always do that," kunwari ay pagbabanta ko sa kanya.
"Fine," sabi niya pagkatapos bumuntonghininga na senyales ng pagsuko niya.
"And you don't need to buy me a car. I can always buy one for myself. I have savings."
Nawala ang ngiti niya at saka siya seryosong tumingin sa akin.
"Julian, when it comes to that, let me buy it for you. I know you have savings. That's the money you worked hard for and I don't want you to waste it to something you can't take back home."
"And how about you? If you'll buy another car aside from yours, it's also a waste of your money."
"I can always ask my men to sell it when we go back to Russia. I have friend here who would help me."
"But..."
"Please, Julian, just let me buy it, okay? Let's just say, it's my gift to you for allowing me to meet your family and for staying here with me."
Dahil napakaseryoso ng tingin na ibinabato niya sa akin ay napaiwas na lang ako ng tingin sa kanya. Lihim akong napailing dahil napakamahal naman ng pasasalamat niya. Isang kotse na ang kapalit ng pagpayag kong sumama siya sa akin. Kunsabagay, itong bahay nga na isang bilyon na ang halaga ay balewala ang presyo sa kanya, iyong kotse pa kaya.
"This house is yours, too."
"What?!" Gulantang na gulantang kong tanong. Sa akin ang isang bilyong piso na mansiyong ito?!
"Ivan..." puno ng pagrereklamo kong panimula ngunit hindi na niya ako hinayaang magpatuloy.
"It's a gift. Besides, when we get married, all I have will be yours. What's mine are yours but what's yours are yours, Julian."
"Ivan, I don't need your money... I don't want your wealth," may galit at pagkakainsulto akong nararamdaman dahil sa inihayag niyang iyon.
"Julian..."
Iniwas ko ang kamay kong tangka niyang hawakan kaya napabuntonghininga siya.
"People will talk. They will surely say that I just married you because of your wealth especially if you'll hand me all you have offered."
"Will what they say important to you, Julian?"
Natameme ako sa tanong niyang iyon. Deep inside I know that marrying him would really put me to limelight. Gaya ng sinabi ng kapatid ko, Ivan is quite a celebrity. He's the most sought after billionaire bachelor in Russia. Plus the fact that he's related to Alexei. It would surely paint me as a golddigger. Plus our marriage would also be controversial because with both men.
Nang muli niyang abutin ang kamay ko ay hindi ko na iyon nahila pabalik. He's gripping it and it's a miracle that I don't feel any pain. He intently looked at me and I had goosebumps all over the place when he said these words which are full of promises... or rather threats.
"I promise you that no one will dare antagonize you once you marry me, Julian. No one will dare look down on you or even dare think badly of you. Because if ever there will be one, I will make sure he won't see the sun rise ever again."
Wala akong nagawa kundi ang mapalunok na lang sa sinabi niyang iyon.