KABANATA 3

1079 Words
(A melting look from a stranger) ISANG red evening gown ang pinadala sa kanya ni Karen pagsapit ng alas siyete ng gabi. Mayroon itong lace design sa itaas na bahagi na tanging tumatakip sa itaas na bahagi ng kanyang katawan. Elegente ngunit kitang-kita ang hubog ng katawan niya dahil sa saktong sukat nito. Tipong nakalaan lamang ito para sa kanya. Ang mahabang slit nito sa kaliwang bahagi ang nagpalitaw sa mahahaba at mapuputi niyang mga hita at kahit na sino ay mapapatingin doon. Kung ilang beses niyang pinagmasdan ang sarili sa harap ng salamin. Dinaig pa niya ang isang debutante sa uri ng kanyang suot. “Wow! Sabi ko na bagay na bagay sa iyo ang gown na iyan eh!” bilog na bilog ang mga mata na sabi ni Karen. Nakapasok na pala ito ng room niya ng hindi niya namamalayan. “Paanong – “ “I have a spare card,” mabilis na sagot nito. “Gusto kong ako ang unang makakita na suot mo ang gown na ito!” Sinipat-sipat nito ang kabuuan niya mula sa kanyang harapan hanggang sa likuran. “Hindi nga ako nagkamali sa sukat mo.” “Paano mo naman nahulaan ang sukat ko?” “Secret,” sagot nito. “Ready ka na ba?” “Hindi ba nakakailang ang suot kong ito?” “Bakit ka naman maiilang? It really looks good on you! Tiyak na pagkakaguluhan ka ng mga kalalakihan mamaya,” anito. “Parang ayaw ko ng lumabas,” aniya. Matagal na rin na hindi siya nakaka-attend sa mga ganoong party pati ang magsuot ng magagarang gown ay matagal na rin niyang hindi nararanasan. “Ano ka baguhan? Wala man lang bang pa-party sa Montemayor Financing Corporation at parang feeling first time mo ngayon?” Hindi siya agad nakasagot. “You should change your lifestyle my dear friend. Paano ka makakabingwit ng lalaking mapapangasawa mo kung mag-aala manang ka?” “Karen, I don’t have time. Alam mo naman ang sitwasyon ko, hindi ba?” “Kaya nga dapat mo ng baguhin ang sitwasyong kinasasadlakan mo.” Ang huling sinabi nito ay nais lamang ipabatid sa kanya ang pagiging miserable ng buhay niya ng dahil lang walang kapaguramg pagtatrabaho. “Anyway, huwag na muna nating pag-usapan ang tungkol sa bagay na iyan. We should enjoy your night. Birthday mo ngayon and you are entitled to be happy. Kapag tinawag kita mamaya, kailangan mo lang magbigay ng maiksing speech.” “Bakit may ganoon pa? Akala ko ba ay simpleng celebration lang.” “Ano ka ba naman Fortney? Para ka namang nagdadalaga niyan eh,” sabi nito kasabay ng paghawak sa isa niyang kamay. “Don’t worry, I’m here. Hindi kita pababayaan. I only wanted you to be happy today. Kahit ngayon lang,” mahabang sabi ni Karen. Tuluyan na siyang napangiti. Kung mayroon mang tao na gusto lamang siyang sumaya, si Karen na iyon. Ang nag-iisa niyang kaibigan na hindi siya iniwan sa kahit na anong oras. Marahil tama nga ito. Minsan lang naman mangyari ang ganoon bakit pa niya sasayangin? “Sige, payag na ako.” “Great. So, tayo na?” tanong ni Karen at hindi ako nag-atubiling tumango. Nauna itong humakbang plaabas ng room niya kaya naman muli niyang napagmasdan ang sarili sa salamin bago sumunod sa kaibigan. NAKAAGAPAY lagi si Karen sa kanya nang makalabas sila ng lift. Sa fifteenth floor gaganapin ang party at kakailanganin niya yata ng pangpakalma dahil sa mabilis na t***k ng puso niya. “Dito ka lang muna, okay?” “Teka, saan ka pupunta?” Bigla akong naalarma. “Pupunta lang ako sa harapan para bigyan ng go-signal ang emcee. Ako ang sasalubong sa iyo papunta sa unahan, okay?” Wala na akong nagawa nang umalis na si Karen. Naiwan siya sa madilim na bahaging iyon habang malaya niyang napagmamasdan ang maraming tao. Gusto na niyang kabahan at tila nais na lang lumisan doon. Unti-unti na ring nanginginig ang tuhod niya lalo pa at isang five inches na high heels ang suot niya. “Good evening everyone! The long wait is over. We will finally meet the birthday celebrant and the only daughter of the owner of MFC. Let’s welcome, Miss Fortney Montemayor!” masiglang anunsiyo ng emcee. Ang maliwanag na ilaw ay tumuon kay Karen na unti-unting naglalakad papunta sa direksiyon niya. Lahat ng mga tao ay nakatingin lamang kay Karen na kyuryusong nag-aabang sa kung sinuman ang pupuntahan nito. Dumako ang tingin sa kanya ng mga bisita nang bumaling ang liwanag sa kinatatayuan niya. Isang malakas na palakpakan ang sunod niyang narinig kasabay ng maluwang na pagkakangiti ni Karen sa kanya. “Let’s go, queen of the night,” mahinang bulong ni Karen sa kanya. Ikinawit niya ang kamay sa braso ng kanyang kaibigan habang dahan-dahang naglalakad papunta sa maliit na stage kung saan nakatayo ang emcee na nagpakilala sa kanya. Walang pagsidlan ang sayang nararamdaman niya dahil karamihan sa mga bisita ay mga dati niyang kaeskwela at mga dating kaibigan. Naroon din ang ilang pinsan niya na matagal na niyang hindi nakikita. Ganoon pala ang feeling na i-celebrate ang isang espesyal na araw kasama ng mga taong malapit sa kanyang buhay. Para siyang idinuduyan sa alapaap. Totoong nadadagdagan na ang edad niya kaya naman marapat lang na i-enjoy niya ang buhay niya. Iyon na lamang ang regalong maibibigay niya sa kanyang sarili. Saktong ilang hakbang na lang ay nasa stage na siya nang mapansin ang isang pamilyar na lalaki. Hindi niya lang maalala kung saan niya nakita ito. Nakangiti itong nakatingin diretso sa kanyang mga mata habang sumisimsim sa hawak nitong wine glass. Singkit ang mga mata nito, matangos ang ilong, manipis ang mala-puso nitong labi at mahaba ang buhok nitong hanggang balikat. Parang iyon ang lalaking nakasabay niya sa lift. Ilang kababaihan ang nasa paligid nito na tila ba sinasamba ang lalaki. Bigla siyang nainis sa uri ng paninitig nito sa kanya. Kulang na lang ay hubaran siya doon dahil sa paniningkit ng mga mata nito. “Are you okay?” mahinang tanong ni Karen. “Ah, oo naman.” “Hinihintay na nila ang sasabihin mo,“ ani pa nito. Pinilit niyang balewalain ang damdaming umalipin sa kanya dahil sa lalaking tumatagos ang tingin sa kanya at nagsimula ng humakbang paakyat ng stage. Gabi niya iyon at hindi niya hahayaang masira ang pinaghandaan ni Karen dahil sa isang lalaking weird na iyon.
Free reading for new users
Scan code to download app
Facebookexpand_more
  • author-avatar
    Writer
  • chap_listContents
  • likeADD