KABANATA 2

1139 Words
(Meeting an unfamiliar feeling) HALOS kararating pa lang niya sa bahay nang dumating si Karen. Hindi pa siya nakakaupo nang hilahin siya nito papasok sa sasakyang dala nito. “Karen, hindi pa ako nakapagpaalam kay Dad.” “Ipinaalam na kita kay Tito,” anito. “Pero, wala pa akong gamit. Kukuha muna ako sa silid ko.” “Ayos na lahat my dear friend. Pinahanda ko na kanina pa sa kasambahay ninyo.” “Hindi ba, kararating mo lang?” “Correction, kanina pa ako rito. May pinuntahan muna ako habang wala ka pa. Sige na, sumakay ka na. Pwede ka muna matulog habang nasa biyahe tayo. Alam ko naman na pagod ka mula sa pagtatrabaho.” Lagi talaga siyang sinosurpresa ng kaibigan niyang si Karen. Hindi niya alam kung paano nito nagagawang bigla na lang sumulpot upang tulungan siyang makapag-unwind. Nginitian ko lang ito saka unti-unting ipinikit ang mga mata ko. Totoong pagod na pagod siya kaya naman mabilis siyang nakatulog. Mahihinang yugyog sa balikat ang nagpagising sa kanya. Pakiramdam niya ay noon lang siya nakapagpahinga ng matagal. “We’re here,” mahinang sabi ni Karen. “Bilib na talaga ako sa iyo Fortney. Parang ngayon ka lang nakatulog ng matagal!” “Pasensiya na,” tanging nasabi niya sa kaibigan. “Okay lang iyan. Matagal ko namang alam na halos hindi ka na makatulog ng maayos dahil sa pagtatrabaho. Anyway, nandito tayo para magsaya, hindi ba? So, get your butt inside your room at susunduin kita doon kapag magsisimula na ang party.” “Baka makatulog na naman ako. Sobrang nakaka-relax pa naman dito.” “Okay lang na matulog ka ulit. Ako na ang bahala gumising sa iyo,” ani pa nito kasabay ng pagkindat sa kanya. “Pinauna ko na pala ang gamit mo para wala ka ng bitbitin except your bag.” Tumango ako. Lagi talagang handa ang kaibigan niyang ito. “Room 204 ka ha? Pupuntahan kita doon mamaya,” paalala pa ni Karen. “Okay,” tugon niya. Villaruel’s Hotel and Resort ang pinakapaborito niyang puntahan sa tuwing magbabakasyon sila noon ng Mom at Dad niya. Kadalasan ay every weekends sila pumupunta dahil walang pasok sa opisina ang Dad niya na dati ay isang mabait at mapagmahal na ama. Lagi itong nakangiti at hindi siya nito pinapagalitan kahit nagiging makulit siya. Buhay na buhay ang bawat araw na kasama niya ang mga magulang lalo na ang Dad niya na halos hindi humihiwalay sa Mom niya. Napakagandang pagmasdan ang dalawa na masayang-masaya dahil sa ipinapakitang pagmamahal sa isa’t isa. How she wish na hindi na sana natapos ang ganoon. Totoo nga talaga siguro ang kasabihang walang permanente sa mundo kung hindi ang pagbabago. Pasadong alas sais na pala. Halos isang oras na pala ang tinakbo ng biyahe namin at ganoon din siya katagal na nakatulog. Isang staff ang agad na lumapit sa kanya. “Hello Maam! May maitutulong po ba ako sa inyo?” tanong ng babaeng staff. “Nakapagpa-reserve na ang kaibigan ko sa room 204,” aniya. “Gusto ninyo po bang samahan ko kayo Maam?” “No, it’s okay. Alam ko naman kung saan ang room ko.” “Okay po, log-in na lang po muna kayo Maam para po ma-check ko kung maayos na po ang room ninyo,” nakangiting sabi pa ng babae. “Sure,” mabilis niyang sagot. “Okay na po pala ‘yung room ninyo. Pwede na po kayong pumunta doon.” “Thank you,” sabi ko. “Nasa bandang kaliwa po ang lift, Maam.” “Salamat.” Sumakay na siya ng lift without knowing kung anong floor ang room na pupuntahan niya. Akma niyang kukunin ang mobile phone niya sa bag nang biglang may humabol papasok ng lift. Nakatungo ito at bahagya pang tumagilid sa kanya. “Ahm, excuse me. Pwede akong magtanong?’’ Hindi ito sumagot. “Baka alam mo kung anong floor ang room 204,” aniya. “4th floor,” sagot nito na hindi man lang tumitingin sa kanya. Pipindutin na sana niya ang numerong four sa button nang mabilis na gawin ito ng lalaki. “Sa-salamat.” Tumango lang ito saka muling tumagilid. Ang weird ng lalaking ito. Napakatangkad nito at halatang bata pa. Sayang at hindi niya makita ang mukha nito. Kailan ba ako nagka-interes sa lalaki? Nang tumunog ang hudyat na bubukas na ang lift ay nauna pa itong lumabas sa kanya. Akala mo may karerang pupuntahan. Napangiti na lamang siya sa isiping iyon. Mabilis niyang nakita ang room niya at agad na bumukas ang pinto nang i-swipe niya ang card na ibinigay sa kanya ng staff sa front desk. Bumungad sa kanya ang napakalaking silid na may malaking kama malapit sa bintana. Puti ang kulay ng buong paligid kaya naman mas naging kaaya-aya sa paningin ang kalinisan ng kabuuan ng silid. Tinungo niya ang malaking cabinet upang tingnan kung nandoon ang gamit niyang ipinahatid ni Karen. Ngunit laking gulat niya ng walang makita na kahit na ano sa loob niyon. “Nasaan na ang gamit ko?” Bigla siyang napalingon dahil sa malalakas na katok mula sa pinto. “Nandito po sa labas ang ganit ninyo, Maam! Pasensiya na po dahil nailagay sa ibang silid.” Napaarko ang mga kilay ko nang marinig ang huling sinabi ng isang boses lalaki. Nagmadali siyang buksan ang pinto . “Sala –“ Inilibot niya ang tingin sa paligid subalit wala siyang makita kahit anino man lang ng lalaking kumatok at nagsalita kanina. “Sino kaya ang naghatid ng gamit ko?” takang tanong niya sa sarili. Ang weird talaga ng mga tao dito. Okay naman kanina ang mga staff sa front desk. Baka masyadong abala lang ang nagdala ng gamit ko kaya umalis din agad. Bumalik siya sa loob at naupo malapit sa bintana. Bahagya niyang binuksan iyon upan sumagap ng sariwa at malamig na hangin mula sa labas. Para yatang biglang sumigla ang katawan niya. Ang sarap sa feeling na sa kabila ng lamig na dala ng hangin ay may kasama itong kapayapaan na tumatagos sa kanyang puso at isipan. Tuluyang nawala ang bigat sa mga balikat niya matapos ang ilang taon na halos pagtatrabaho lang naging buhay niya. Isang himala talaga na pumayag ang Dad niya na umalis siya. Hindi kasi ganoon ang pagkakilala niya sa kanyang ama na walang tanging nais kung hindi ang unahin lagi ang Montemayor Financing Corporation kahit na mawalan siya ng oras para sa sarili niya. Kung pwede lang sana ibalik ang Mom niya. Siguro hindi siya aabot sa edad na thirty three na wala man lang boyfriend. Pero nangyari na ang mga di-inaasahan kaya wala siyang ibang magagawa kung hindi tanggapin iyon. At tanggap na niya ang katotohanang tatanda siyang dalaga na pinamamahalaan ang negosyo ng kanyang pamilya.
Free reading for new users
Scan code to download app
Facebookexpand_more
  • author-avatar
    Writer
  • chap_listContents
  • likeADD