KABANATA 4

1655 Words
(Meeting Garette Alvarez) “THANK YOU GUYS for coming here,” pagsisimula niya. “Actually, I’m not expecting to have a party like this. Siguro sa tagal ko na ring nagtatrabaho sa opisina ay nakalimutan ko na ang mga ganitong klaseng event.” Nilinga niya ang kaibigan na katabi ng emcee sa bandang gilid niya. “Maraming salamat sa iyo, Karen. Alam kong sa maraming taon ng pagkakaibigan natin ay lagi kang nandiyan para sa akin.” Isang napakagandang ngiti naman ang itinugon ng kanyang kaibigan. “So guys, samahan ninyo ako i-celebrate ang aking kaarawan! Maraming salamat s sa inyong lahat!” nakangiti niyang sabi. “Visitors and guests, huwag na tayong magpatumpik-tumpik pa! Let’s get the party started!” malakas na sabi ng emcee. Isang masiglang awit ang pumailanlang matapos niyang sabihin iyon habang isa-isa lumalapit sa kanya ang mga kakilala at kaibigan upang batiin siya at mag-abot ng mga dalang regalo. Kung tutuusin ay hindi niya kailangan ang mga iyon. Sapat na ang makasama niya ang mga ito sa espesyal na araw ng kanyang buhay. “Happy birthday, Fortney!” bati sa kanya ng mga ito. “Thank you!” Hindi siya magkamayaw sa pagtugon sa mga ito. Hindi niya aakalaing pinaghandaan ng husto ni Karen ang ganoon ka engrande ang kanyang thirty third birthday. Sayang lang talaga at hindi niya nakasama si Ali na kanyang sekretarya. Kahit papaano ay ito ang nakasama niya sa ilang taon pagkakakulong sa trabaho. Nakunot ang noo niya nang may matanaw na isang babae papalapit sa kanya. “Ali?!” “Happy birthday, Maam Fortney!” bati nito sa kanya. “Thank you, Ali! Mabuti at pumunta ka,” sabi niya sabay yakap sa kararating lang. “Maam, hindi pwedeng wala ako sa espesyal na kaarawan mo. Minsan na nga lang poi to mangyari tapos palalampasin ko pa.” “Pero – “ “Huwag ka pong mag-alala Maam, hindi naman po ako magpapaumaga. May maghahatid naman po sa akin pauwi para makapasok po ako sa office bukas.” “Talaga? At sino naman ang maghahatid sa iyo?” nakakaloko niyang tiningnan ito. “Ang naghatid po sa akin dito. Hindi ko po alam ang pangalan pero driver po iyon ni Maam Karen.” “A, I see. Mag-enjoy ka ha?” “Sige po, Maam. Maghahanap po muna ako ng makakain. Naku, baka makalimutan ko po. Ang ganda-ganda po ninyo talaga ngayon, Maam Fortney! Kinabog ninyo ang mga beauty queen ng Miss Universe.” Mahina siyang natawa. “Asus, binola mo pa talaga ako.” “Maam, hindi po bola iyon!” nanlalaki ang mata na sagot ni Ali. “Hindi po ako marunong magsinungaling, Maam!” dagdag pa nito. “Sigurado akong makikilala mo rito ang lalaking nakatadhana sa iyo, Maam,” bahagyang pang tumili ito. “Well, malay natin,” pagsang-ayon niya. ”Thanks for the compliment, Ali.” “Basta ikaw, Maam. Sige po, tinatawag na po kayo ni Maam Karen.” Tumango siya. Si Karen ay nasa gawing kaliwa at kinakawayan siya. Dahan-dahan siyang naglakad papalapit sa direksiyon ni Karen nang mahagilap ng paningin niya ang lalaking hindi yata humihiwalay ang tingin sa kanya. Pakiwari niya ay kaya nitong lunukin ng buong-buo ang kanyang katawan niya dahil sa matatalim na titig nito. Sino kaya iyon? “Fortney! Come here!” Kumaway siya. Sa isang iglap lang ay nawala ang lalaki. Saan kaya iyon nagpunta? “Meet my friends, Fortney.” “Hello,” bati niya. “Hi Fortney, I’m Jess. Totoo nga pala ang sabi ni Karen. You are like a goddess,” ani ng isang lalaki. “Oh, I’m flattered. Thank you.” Inabot niya ang inilahad nitong kamay. “I’m Meena and this is Josh,” anang isang babae. “Nice to meet you guys,” aniya habang inaabot ang mga kamay nito. “Oo nga pala, Fortney. I need you to meet someone. Excuse us guys,” singit ni Karen. Hawak-hawak ni Karen ang kamay patungo sa isang madilim na bahagi. Kung hindi siya nagkakamali ay iyon ang bandang likuran ng mini stage. Wala naman siyang naaaninag ni isang tao na naroon. “Karen, bakit dito? Medyo madilim e,” aniya. “Medyo shy type kasi ang ipapakilala ko sa iyo. Huwag kang mag-alala, mabait naman iyong tao.” Nagsalubong ang mga kilay niya bagama’t naging panatag naman ang loob niya dahil sa sinabi ng kaibigan. Unusual, iyong ang tamang term. May takot ba sa maraming tao ang nais ipakilala sa kanya ni Karen? Napabuga siya ng hangin. Kailangan niya lang magtiwala sa kaibigan. Hinding-hindi siya nito gagawan na kahit na anong ikakasama ng loob niya, that is for sure. “Paano ko makikita ang sinasabi mong ipapakilala mo sa akin kung pati ang dinadaanan natin ay hindi ko makita?” “Relax, Fortney. Trust me.” “Okay,” sagot niya. Ilang hakbang pa ang ginawa namin bago ito tumigil. “We’re here.”May kung anong hinawakan ito saka hinila. Agad na lumiwanag ang paligid. Isang nakatalikod na lalaki ang nakita ko sa may isang mesang punung-puno ng mga pagkain. Sa gitna niyon ay may ilang bote ng wine at alak. “Fortney, gusto kong ipakilala sa iyo ang manager ng Villaruel’s Hotel and Resort, Garette Alvarez.” Sa hubog pa lang ng likuran nito ay mukhang nahuhulaan na niya kung sino iyon. Pamilyar ito sa kanya except sa pangalan nito. “Siya rin ang tumulong sa akin sa gown na suot mo?” Designer rin ba ito? “What do you mean tumulong sa iyo?” tanong niya. “Are you familiar with Calix Villaruel?” “Yeah.” “His wife, Ayva is the famous fashion designer.” “She made this gown?” Tumango-tango si Karen. “Oh, my God! Kaya pala ang ganda!” “You deserve it.” Palapit na si Garette sa amin samantalang unti-unti yata siyang nawawalan ng tamang paghinga. “Hi, Garette,” bati ni Karen. “I would like you to meet the birthday celebrant, Fortney Montemayor.” “Hello, birthday girl,” anito at nang lingunin niya ay nakangiti ito sa kanya. It’s him! “I’m Garette Alvarez.” Wala na ang nanunuot nitong mga titig. Tila ang bait-bait nito. Porma na nakikipagkilala sa kanya. Iyon pa rin ang suot nito na nakita niya kanina ngunit sa tindig nito ay halos mapatingala siya. Matangkad pala talaga ito. Ilang segundo niya na yatang pinagmamasdan ang kabuuan ng mukha nito nang makaramdam siya ng kurot sa tagiliran. “Fortney, nakikipagkamay si Garette sa iyo,” nakangiting sabi ni Karen. “Pasensiya ka na, Garette. Alam mo naman ang kaibigan kong ito ay hindi na nga talaga sanay sa mga gathering na katulad nito kaya pati pakikipagkilala ay nakalimutan na yata.” Mahinag tumawa ang lalaki. Pakiramdam niya ay isang musika iyon sa kanyang pandinig. Dinaig pa yata ang isang babae sa sobrang hinhin nito sa pagtawa. Sunud-sunod na tumikhim si Karen. “A, hi. I’m Fortney.” “I know,” mabilis nitong sagot saka ito na mismo ang umabot sa kamay ko. “Y-you know?” “Fortney, ipinakilala na kita kaya alam na niya ang pangalan mo.” “Sorry.” “You don’t have to say sorry. It’s okay.” Nakangiti pa rin ito. At dahil amy kasingkitan ang mga mata ay nanliit ang mga iyon. Napakatayog ng ilong nitong halatang hindi basta-basta ang lahing pinanggalingan. “Karen, nasabi mo na ba sa kanya?” “O, oo nga pala. Fortney, you can stay here for a month kung gusto mo at libre iyon bilang regalo ni Garette. I know this place reminds of your Mom kaya naman after your birthday, you can still stay here.” “But I have works to do, Karen. Naisin ko man – “ “Alam na ni Tito. Sinabi ko na sa kanya.” “What?” “Ako ang bahala sa iyo, my best friend. Minsan lang ito kaya grab mo lang, okay?” Nilingon nito si Garette. “Anyway, maiwan ko na muna kayo. Ako na muna ang bahala sa mga bisita ni Fortney.” “Karen – “ “Just stay here. Babalikan kita rito, hmmn?” sagot ni Karen saka siya hinagkan sa pisngi. “Maiwan ko na kayo.” “You don’t have to worry, Fortney. You’re safe here. Tara maupo tayo.” Hindi pa rin pala nito binibitiwan ang kamay niya. “A-ang kamay ko,” aniya. “Ooppps, sorry. Pasensiya na hindi ko napigilan.” Tila nabingi siya sa sinabi ng lalaki. “What did you just say?” “I mean let’s celebrate your birthday. Matagal na rin hindi ko ipinagdiriwang ang kaarawan ko.” Humila ito ng isang upuan. “Maupo ka.” “You mean, hindi mo rin nase-celebrate ang birthday mo?” “Yeah.” “Kailan baa ng birthday mo?” “Today.” “Ngayon?” namimilog ang mga mata na tanong niya. Tumango ito. ”We have the same birthday. Happy birthday to us!” anito saka nilagyan ng laman ang wine glass. “Siguro naman ay hindi mo ako tatanggihan na maging date ka ngayon. May magagalit ba kung sakali?” “Wa-wala naman.” “Kung ganoon ay okay lang sa iyo?” “May choice pa ba ako?” Nakita niya kung paano nakagat ni Garette ang ibabang labi nito saka ngumiti. “So, let’s cheers to our special day.” Inabot nito ang wine glass sa kanya na agad naman niyang tinanggap. “Happy birthday to us,” aniya kasunod ng paglagok ng wine. It’s not really bad. May kung anong pumukaw sa damdamin niya nang makita niyang kinindatan siya ng lalaki habang umiinom.
Free reading for new users
Scan code to download app
Facebookexpand_more
  • author-avatar
    Writer
  • chap_listContents
  • likeADD