(The invitation)
KANINA pa sumasakit ang ulo ni Fortney dahil sa dami ng nakatambak na dokumentong tinapos niyang basahin at pirmahan. Ilang taon na rin naman niyang ginagawa iyon kaya naman kahit papaano ay sanay na siya. Simula nang siya na ang naging President ng kompanya ng kanyang ama ay halos opisina at bahay na lang ang naging buhay niya. Siya na marahil ang nag-iisang Presidente ng isang kompanya na hindi masaya sa pagkakaluklok sa posisyong iyon.
Simula’t sapul ay hindi niya pinangarap na hawakan ang business ng ama na pinakamahalaga sa buhay nito. Kahit siya ang anak ay mas pabor pa sa Dad niya na laging i-priority ang mga usaping business kahit pa madalas ay wala na siyang oras sa sarili. Minsan pa nga ay hiniling na lang niyang magkasakit upang magkaroon siya ng dahilan na lumiban sa pagpasok sa opisina. Ngunit kapag nakikita naman niya ang Mommy niyang nakangiti noon sa kanya ay nawawala na agad ang pagod niya. Ito lang ang nag-iisang tao sa buong mundo na may pakialam sa kanya. Kaya naman labis-labis ang pagtangis niya ng mawala na ito dahil sa sakit na cancer.
Ilang beses rin niyang hinikayat na magpa-opera ang Mommy niya subalit hindi ito pumayag. Lagi nitong sinasabi na tanggap na nito ang kapalaran na mamatay. Gabi-gabi niyang iniyakan iyon dahil pakiramdam niya hindi niya makakayanan ang mga araw na haharapin kung wala rin ang Mommy niya na tanging naging dahilan niya sa pag-uwi sa malaking bahay nila.
“Ali,” tawag niya sa sekretarya niya.
“Maam?” agad na sagot nito kasabay ng pagtayo mula sa upuan.
“Mayroon ba tayong gamot sa sakit ng ulo?” tanong niya habang hinihilot ang noo.
“Maam, bili na lang po ako sa labas para sigurado. Sumasakit na naman ba ang ulo ninyo Maam?”
“Oo eh,” sagot niya.
“Maam, magpahinga naman po kayo. Baka magkasakit kayo niyan,” sabi ni Ali.
“Hindi ka na nasanay sa akin. Lagi naman akong ganito.”
“Maam pwede po ba akong mag-suggest?”
Napalingon siya sa sekretarya niyang nag-aabang ng sasabihin niya.
“Ano naman ang suggestion mo?”
“Bakit hindi po kayo mag-boyfriend? Para po may mag-aalaga sa inyo? Matagal na rin po kayo na trabaho at bahay lang ang ginagalawan ninyong mundo. Masarap kaya ang may kasama na gigising sa umaga at matutulog sa gabi.”
“Tingin mo may magkakagusto pa sa akin?” tanong niya.
“Bakit naman wala Maam? Ang ganda-ganda ninyo kaya!”
“Nambola ka pa, Ali.”
“Seryoso ako Maam. Kahit na hindi kayo masyadong palaayos, ang ganda ninyo pa rin tingnan.”
“Sino naman ang magkakagusto sa akin? Sa tanda kong ito? Napag-iwanan na ako ng panahon,” aniya.
“Hindi naman kayo matanda, Maam? Ilang taon na po ba kayo? Nasa early thirties lang naman po kayo, hindi ba?”
“Thirty three na ako ngayon.”
“Maam? Birthday mo ngayon?” nanlaki ang mga mata nito.
“Yeah,” matabang niyang sagot. Wala ng bago roon. Matagal na niyang kinalimutang i-celebrate ang sarili niyang kaarawan.
Binibilang niya na lang ang taon na lumilipas para kwentahin ang edad niya.
“Happy birthday Maam Fortney! Pasensiya na po dahil hindi ko nalaman agad. Nakapaghanda sana ako ng kahit simpleng regalo.”
“Okay lang, Ali. Huwag kang mag-alala, matagal na akong sanay. Thank you na lang ha?”
“Maam, thirty three lang po pala kayo eh. Hindi naman po kayo matanda. At saka bakit hindi po muna kayo nagpahinga o kaya ay namasyal ngayon?”
“I have no time for that, Ali. I need to work and work for all by my life. And to answer your first question, hindi nga ako mukhang matanda pero nahuhuli na ako. Ang daming kong kaibigan na may sarili ng pamilya. Pila-pila na nga yata ang mga inaanak ko.”
“Makakahabol ka rin, Maam. Promise,” confident na sabi ni Ali.
“Ikaw talaga, binobola mo pa ako. Bibilhan mo pa ba ako ng gamot sa sakit ng ulo?”
“Ay, oo nga pala! Sige Maam, bili muna ako.” Nagmamadaling lumabas na ito.
Mariin niyang ipinikit ang mga mata. Gustuhin man niyang pasayahin ang sarili upang pansamantalang kalimutan ang lahat ng pagod sa pagtatrabaho ay hindi niya magawa. Hindi nga yata alam ng Daddy niya ang nararamdaman niya sa araw-araw na humaharap siya sa mga nakatambak na papel sa mesa niya sa opisina.
Napamulat siya ng mga mata nang tumunog ang mobile phone niya na nasa ibabaw ng mesa. Si Karen tumatawag.
“Hello Karen?”
“Girl, buti naman sinagot mo! Akala ko wala ka na rin time sa pagsagot ng tawag!”
“Ano ba ang atin?”
“Happy birthday, girl! Nandito ako ngayon sa Villaruel’s Hotel and Resort. Pumunta ka dito ngayon, i-celebrate natin ang birthday mo! Treat ko lahat as my gift for you.”
“I have work – “
“Girl, hindi ka magiging masaya sa pagtatrabaho. I will call Tito Lucio, hindi naman ako mahihindian ‘nun!”
“Karen – “
“Fortney, I am helping you to unwind. Saka birthday mo naman. I will call you later,” anito saka nawala na sa linya.
“Maam! Ito na po ang gamot! Kuha lang po ng tubig.”
“Ano na naman ba, Karen?”
“Guess what? Pumayag si Tito! Susunduin kita mamaya. You need to bring a gown. Huwag na pala! Ako na ang bahala sa lahat para hindi ka na mamoroblema pa! I’ll see you later!”
Lalo yatang sumakit ang ulo niya. Kahit kailan talaga bigla-bigla na lang sumusulpot at kung saan saan na naman siya dadalhin. Ang labis niyang ipinagtataka ay hindi ito matanggihan ng Daddy niya. Marahil malakas talaga ang convincing power nito dahil ang Daddy niyang napaka-istrikto ay napapayag nito.
“Maam, inumin ninyo na po muna ang gamot. Pasensiya na at natagalan lang po.”
“Ayos lang. Ikaw na muna ang bahala dito ha? Baka hindi ako makapasok bukas, Si Karen kasi inimbita akong pumunta sa Villaruel’s Hotel and Resort.”
“Wow! Talaga, Maam!”
“Alam na ni Dad, kaya huwag kang mag-alala. Hindi iyon magwawala kahit pa pumunta iyon dito na wala ako.”
“Maganda doon Maam! Mag-enjoy ka lang kasi minsan lang naman ang ganoong event. Siguradong mare-refresh kayo ng bongga!”
“Sana nga, Ali. Hayaan mo, pipilitin kong mag-enjoy. Salamat at pasensiya na rin dahil hindi kita maisama.”
“Ayos lang, Maam. Sapat na sa akin na malamang magkakaroon kayo ng time para sa sarili ninyo.”
“Salamat Ali, salamat