KABANATA 40

1080 Words

(Her scent) PINAGMASDAN NI GARETTE si Fortney na humahakbang paakyat ng ikatlong palapag. Halos hindi niya nanguya ng maayos ang kinakain sa hapag kainan habang kaharap ang dalaga. May nagpipigil sa kanya na magbukas muli ng usapin na ikagugulat ng dalaga dahil nakita niya kung paano ito nahintakutan nang mabanggit niya ang tungkol sa pag-aasawa. Totoo naman na kahit sinong lalaki ang mapagmasdan lang ito ay tiyak na isa ng kayamanang maituturing sa balat ng lupa. Nagiging tuliro ang isip niya sa tuwing katabi niya si Fortney. Napupuno ang buong sistema niya kapag malapit ito sa kanya. Baliw na yatang maituturing ang ganoon. Mabuti na lang talaga at walang ibang tao na maaaring makakita ng nakikita niya sa dalaga dahil baka mapaaway siya at makapatay pa siya. Ayaw niyang may ibang mat

Free reading for new users
Scan code to download app
Facebookexpand_more
  • author-avatar
    Writer
  • chap_listContents
  • likeADD