KABANATA 38

1627 Words

(Controlling emotions) LITERAL NA NANIGAS SI Garette sa pagkakatayo sa pinto. Isang diyosa ang kasalukuyang naliligo sa loob ng banyo niya at alam niyang wala iyon ni isang saplot sa katawan. Ang kurtinang nagsisilbing pantakip ay balewala dahil kitang-kita niya ang hulma ng maganda nitong katawan. Sunud-sunod siyang napamura sa isip. Tuluyan ng nag-init ang buo niyang katawang habang walang kakurap-kurap ang dalawa niyang mata sa direksiyong iyon. Halos wala na siyang laway na malunok dahil tila naubos na ang lahat. Hindi pa rin nawawala ang matinding epekto nito sa kanya. Lalo pa yatang nadagdagan sa labis na pagpipigil niya sa sarili. Gusto niyang pagalitan ang sarili sa literal na paninilip niyang ginagawa sa dalaga ngunit walang lakas ang mga paa niya na kumilos upang umalis doon.

Free reading for new users
Scan code to download app
Facebookexpand_more
  • author-avatar
    Writer
  • chap_listContents
  • likeADD