CHAPTER 15

2247 Words
THIRD PERSON POV Sa ilalim ng dutsa ay nakapikit na ninanamnam ni Elizabeth ang tubig na lumalabas mula roon habang dahan-dahang ikinakalat sa kanyang katawan ang body wash gamit ang loofah. Sa malawak na imahinasyon ni Elizabeth ay hindi loofah ang naglalakbay sa kanyang katawan kundi ang mga kamay ng lalaking kanyang pinapantasya gabi-gabi. Iniisip niya na ang madulas na sabong lumilinis sa kanyang katawan ay ang dila ng lalaking kanyang pinagnanasaan. Sa isipan ni Elizabeth ang mga tubig na pumapatak at dumadaloy sa kanyang katawan ay ang mga likidong nagmumula sa malaking alaga ng lalaking kanyang iniibig. Araw-araw ay ganito ang nangyayari sa loob ng shower area ng en suite bathroom ng kwarto ng mag-asawang Ryan at Elizabeth Almazan. Sinisimulan ni Elizabeth ang kanyang araw sa pagpapantasya sa lalaking bumubuhay ng init sa kanyang katawan at siya ring kanyang iniibig. Ang lalaking pumalit kay Ryan Almazan sa puso ng isang Elizabeth Guerrero Almazan ay walang kamalay-malay sa pagpapantasyang ginagawa rito ng babae. Elizabeth: I don't know how long I can be able to contain what I feel for you. You are such a forbidden fruit. Nakapikit na ibinulong iyon sa hangin ni Elizabeth na sinundan nang pagbulwak ng kanyang mga katas na dumaloy pababa sa kanyang mga hita. ---------- Nagulat si Mildred nang makita niya sa kanyang tabi sa balcony ng ikalawang palapag ng mansyon ng Familia Guerrero ang kanyang biyenang si Sebastian Guerrero. Agad na ngumiti si Mildred sa ama ng kanyang asawa. Ngunit si Sebastian Guerrero ay diretso lamang ang tingin sa malawak na hardin sa labas ng mansyon. Nakapamulsa ito at maya-maya ay pumikit at lumanghap ng sariwang hangin. Sebastian: Sadyang masarap ang mamuhay dito sa probinsya. Simple, tahimik, sariwa at preskong hangin. Hindi ba, Mildred? Ngumiti si Mildred sa sinabi ni Sebastian habang ang matandang lalaki ay nakatanaw pa rin sa hardin na punung-puno ng iba't ibang uri ng bulaklak at mga halaman. Makikita rin doon ang napakaraming matataas na hedges. Sebastian: Malayo sa magulo at maingay na mundo kung saan kayo nakatira rati nina Arthur at Stephanie. Sa puntong iyon ay nilingon na ni Sebastian si Mildred at ngitian ang manugang. Sebastian: That's why I'm glad Arthur came back here in San Christopher together with his family. You and Stephanie. Sandaling yumuko si Mildred at nang muli niyang iangat ang tingin kay Sebastian ay nakapaskil ang ngiti sa kanyang mga labi. Mildred: Ako po dapat ang magpasalamat sa inyo, Papa, dahil tinanggap niyo na po ako sa pamilyang ito. Umiwas ng tingin si Sebastian kay Mildred at muling itinuon ang mga mata sa labas ng mansyon. Sebastian: Nakaraan na iyon, Mildred. Ang anumang nangyari ilang taon na ang nakararaan ay kailangan nang ibaon sa limot. Habang nakatanaw si Sebastian sa malawak na hardin ay nakatuon naman ang mga mata ni Mildred sa likod ng biyenan at tuluyan nang nawala ang ngiti sa kanyang mga labi. ---------- Magkayakap sina Oscar at Amethyst habang hinihimas ng lalaki ang likod ng babae para patahanin ito mula sa pag-iyak. Habang ang pinsan ni Amethyst na si Eugenie ay naroon sa labas ng media room ng mansyon ng pamilya Guerrero at pinapanood ang magkayakap na Oscar at Amethyst sa malaking couch na nasa loob ng kwartong iyon. Humalukipkip at nagtaas ng isang kilay si Eugenie nang makitang humalik si Amethyst sa kanang pisngi ni Oscar. Nakita nitong nagulat si Oscar ngunit mas nagulat si Eugenie nang makitang si Oscar naman ang humalik kay Amethyst at sa mga labi pa ng babae. Inis na inis na ikinuyom ni Eugenie ang dalawang palad kahit noong nakaraan lamang ay pinagbigyan si Eugenie ni Oscar na amuyin ang malaking alaga nito mula sa labas ng suot nitong boxer briefs. Eugenie: Kailangang malamangan ko si Amethyst. I won't let her defeat me again. Gigil na gigil na bumulong sa hangin si Eugenie. Si Amethyst ay nanlaki ang mga mata nang maramdaman ang mga labi ni Oscar sa mga labi nito. Kahit dampi lamang ang halik na iginawad ni Oscar sa mga labi ng babae ay nakita pa rin niya sa mga mata nito ang pagkamangha. Si Amethyst ay parang gustong magbunyi kung hindi lamang ito nagluluksa pa rin sa pagpanaw ng ina nito dahil senyales ang paghalik na iyon ni Oscar dito na unti-unti nang nahuhulog sa patibong nito ang lalaki. Kaunti na lang. Maipaghihiganti na kita. Iyon ang tumatakbo sa isipan ni Amethyst habang matiim na nakatitig sa mga mata ni Oscar at hinahaplos ng mga daliri nito ang ibabang labi. ---------- Napaaray si Anastasia nang maramdaman ang mahigpit na pagkakahawak ni Ryan sa kanang siko nito. Anastasia: Ano ba, Ryan?! Nasasaktan ako! Malakas na binawi ni Anastasia mula sa pagkakahawak ni Ryan ang siko nito. Anastasia: Ano ba ang problema mo?! Naniningkit ang mga matang hinawakan ni Ryan ang panga ni Anastasia. Ryan: Itinatanong mo kung ano ang problema ko? Ha?! Ang mga mata ni Anastasia ay tinatapatan ang galit na nakikita nito sa mga mata ni Ryan. Ryan: Ikaw ang problema ko. Hindi mo ginagawa ng maayos ang trabaho mo. Madiin ang pagbanggit ni Ryan sa bawat salitang kanyang binitiwan. Mahigpit na hinawakan ng kanang kamay ni Anastasia ang kanang bisig ni Ryan at marahas na tinanggal nito ang kamay ng lalaki mula sa paghawak sa panga nito. Pagkatapos ay dinuro nito si Ryan. Anastasia: Hoy, Ryan! Tandaan mo! Ikaw ang may kailangan sa akin! Pagkatapos ng nangyari sa anak ko, aba! Binibigyan na nga kita ng pabor ay ako pa ang sinasaktan mo! Malakas na hinampas ni Anastasia ang malapad na dibdib ni Ryan. Anastasia: Minsan pa nga ay libre mo akong nagagalaw. Matiim na nagtitigan sina Ryan at Anastasia bago malalim na nagbuntung-hininga ang lalaki. Ryan: Okay, sige. Pagpasensyahan mo na ako. Pero intindihin mo naman ako, Anastasia. Ngayon ay nagsusumamo na ang mukha ni Ryan sa harapan ni Anastasia. Ryan: Frustrated lang ako dahil napapansin kong inuubos mo ang oras mo kay Oscar. Tandaan mo na hindi siya ang target nating dalawa. Hinawi ni Anastasia ang mahabang buhok nito sa naiiritang paraan. Ryan: Huwag mong kalimutan ang ginawa ng pamilya Guerrero sa mga mahal mo sa buhay. Lalong-lalo na sa--- Itinaas ni Anastasia ang kanang kamay nito para patigilin na sa pagsasalita si Ryan. Anastasia: Oo na, Ryan. Hindi ko naman nakakalimutan 'yon. Ang gusto ko lang naman ay hayaan mo akong dumiskarte. Hirap sa 'yo para kang walang tiwala, eh. Umiling-iling pa si Anastasia habang nakapamaywang sa harapan ni Ryan. Si Ryan ay parang nahahapong tumingala sa kisame ng kwarto ni Anastasia at napakamot sa kanyang noo. Ryan: Sige. Hahayaan kitang dumiskarte, gawin ang sa tingin mo ay tama para sa ating mga plano, pero siguraduhin mo lang na may mapapala tayo riyan sa mga pinaggagagawa mo. Lumapit si Ryan kay Anastasia at itinapat ang kanyang mukha rito. Ryan: Dahil oras na sumabit ka, tandaan mong hindi kita sasamahan sa paglubog sa putikan. Tandaan mo 'yan, Anastasia. ---------- Agad na napalingon si Arthur sa kanyang likuran nang maramdaman ang pagdantay ng isang palad sa kanyang balikat. Hindi alam ni Arthur ang kanyang magiging reaksyon nang makitang nakangiting nakatunghay sa kanya si Louise. Umikot si Louise at umupo sa katapat na wicker garden chair ng inuupuan ni Arthur. Napatingin ang lalaki sa bitbit na romance novel ng babae. Medyo nailang pa si Arthur dahil halos hubo't hubad na ang lalaki at ang babaeng nasa cover ng libro. Louise: I told Stephanie that I'll let her borrow some of my books, Tito Arthur. Pero hindi po kami nagkakaroon ng chance na makapag-usap ulit dito sa mansyon dahil madalas po silang namamasyal ni Jomari. Tiningnan ni Arthur ang mga inilapag na libro ni Louise sa mesang nasa harapan nilang dalawa. Louise: Would you mind kung kayo na po ang magbibigay nito kay Stephanie, Tito Arthur? Muling napatingin si Arthur kay Louise at nakita niyang nakangiti ito sa kanya kaya ginantihan niya rin ang ngiti nito. Arthur: Okay, hija. Ako na ang magbibigay niyan kay Stephanie. I'm not sure if she would read them but we'll see. Nang inabot na ni Arthur ang mga libro sa ibabaw ng mesa ay eksaktong inabot din ni Louise ang mga iyon kaya naman nagkadikit ang mga kamay nina Arthur at Louise. Parang nahiya si Louise at agad na binawi ang mga kamay nito. Louise: I-I'm sorry, Tito Arthur. I-iaabot ko po sana sa inyo ang mga libro. Napangiti si Arthur sa nakikita niyang pamumula ng mga pisngi ni Louise. Arthur: I really don't mind, Louise. Nahihiyang tumingin si Louise kay Arthur at pagkatapos ay yumuko. Louise: Just like in romance novels. How the couples started their journeys. Napakunot ang noo ni Arthur dahil sa sinabing iyon ni Louise ngunit ipinagkibit na lamang niya ng mga balikat iyon. ---------- Bilang Chief Financial Officer ng food manufacturing company ng pamilya Guerrero ay abala nang mga oras na iyon si Charlotte Guerrero-Chavez sa pagsusuri ng accounting and financial reports ng company para sa buwang ito. Hindi katulad nina Theo Guerrero at Ryan Almazan na may executive position sa Guerrero Foods Incorporated at palaging pumapasok sa opisina, si Charlotte ay mas pinipili ang magtrabaho sa mansyon para mabantayan na rin ang kanyang amang si Sebastian Guerrero kung halimbawa mang may masamang mangyari sa kalusugan nito. Isa pa ay gusto rin ni Charlotte na siya ang maging punung-abala sa mga pang-araw-araw na pangangailangan sa loob ng mansyon. Nais niya na siya ang mag-monitor kung maayos na nagagawa ng mga tauhan sa mansyon ang mga trabaho ng mga ito. Habang abala sa kanyang trabaho ay bigla na lamang natigilan si Charlotte nang muli niyang marinig sa kanyang isipan ang mga katagang isinisigaw ng isang tinig ng boses mula sa nakaraan. "Charlotte! Tulungan mo ako, Charlotte! Hindi ako makalabas! Nasaan ka, Charlotte?" Halos manigas ang katawan ni Charlotte nang biglang lumitaw sa kanyang isipan ang mukha ng taong nagmamay-ari ng tinig ng boses na iyon. "Charlotte! Palayain mo ako rito, Charlotte! Parang awa mo na!" Mariing ipinikit ni Charlotte ang kanyang mga mata at malalim na nagbuntung-hininga. Maya-maya ay nakapikit na bumulong sa hangin si Charlotte. Charlotte: Lo lamento. Lo siento mucho. Sa nakapikit na mga mata ay tumulo ang mga luha ni Charlotte sa kanyang magkabilang pisngi habang paulit-ulit na humihingi ng kapatawaran. ---------- Animo'y tumatagos sa kaluluwa ni Edward ang mga tinging ipinupukol dito ni Theo. Theo: Just admit it. You killed my wife. Parang isang batong dumudurog sa puso ni Edward ang mga salitang ibinabato rito ni Theo. Edward: You don't have the right to accuse me, Theo. Minahal ko si Helena at kahit ngayon ay siya pa rin ang iniibig ko. Hinding-hindi ko siya magagawang saktan. Pinasadahan ng tingin ni Edward si Theo mula ulo hanggang paa at pagkatapos ay nag-iigting ang mga pangang tumitig sa mukha ni Theo. Edward: Hindi ako katulad mo na kahit kailan ay hindi siya minahal. Nanlaki ang mga mata ni Theo at halos dumugo ang kanyang palad sa diin ng kanyang pagkakakuyom doon. Theo: Just admit that you took her life para masolo ang perang ibinigay ko sa 'yo. Dahil kahit kailan ay hindi mo matatamasa ang magkaroon ng ganoong kalaki ng halaga ng pera because you are not--- Bago pa matapos ni Theo ang kanyang sasabihin ay hinaklit na ni Edward ang kwelyo ng kanyang suot na long-sleeved polo. Edward: Subukan mong ituloy ang sasabihin mo at baka hindi ka na sikatan ng araw. Puno ng pagbabantang tinitigan ni Edward si Theo at pagkatapos ay malakas siyang ibinalya sa kanyang malaking mesa sa loob ng kanyang opisina. Edward: Hindi ako magdadalawang-isip na tapusin ka, Theo Guerrero. Si Theo ay nanggigigil na tumitig kay Edward habang palabas ito ng kanyang opisina. ---------- Nakasandal sa dibdib ni Jomari si Stephanie habang pinagmamasdan nilang dalawa ang paglubog ng araw mula sa talampas na siyang saksi ng ilang beses na pag-iisa ng mga labi nina Jomari at Stephanie. Jomari: Mas naa-appreciate ko na ang masilayan ang takipsilim sa tuwing kasama kita. Masuyong ibinulong ni Jomari ang mga salitang iyon sa kanang tainga ni Stephanie habang nakapalibot ang kanyang mga bisig sa baywang ng babae. Masayang ngumiti si Stephanie habang nakatanaw sa araw na unti-unti nang nagtatago sa ilalim ng dagat. Jomari: Sana dumating na ang panahon na ang maganda mo nang mukha ang aking mabubungaran sa aking tabi sa tuwing gigising sa umaga. Humigpit ang pagyakap ni Jomari kay Stephanie mula sa likuran nito habang ang babae ay ipinikit ang mga mata nito habang hinahayaang dumampi sa mga pisngi nito ang hanging nagmumula sa dagat. Jomari: At sa aking pagtulog, nais kong ang nakangiti mong mukha ang aking huling makikita bago ko ipikit ang aking mga mata. Ipinikit ni Jomari ang kanyang mga mata nang idampi niya ang kanyang mga labi sa kanang pisngi ni Stephanie. Jomari: Sa ating sariling mundo, lahat ay tama. Sa mundong ating bubuuin, walang mali at tanging ako at ikaw lamang. Napahikbi si Stephanie sa sinabing iyon ni Jomari at namalayan na lamang nitong namamasa ang mga mata nito. Jomari: Sa mundo kung saan tayo mamumuhay ng masaya, walang manghuhusga sa ating dalawa. Malaya nating maipararamdam kung gaano natin kamahal ang isa't isa. Matapos sabihin ni Jomari ang mga katagang iyon ay sinalubong ni Stephanie ang kanyang mga labi at kasabay ng tuluyang paglubog ng araw ay ang muling pagsasalo nina Jomari at Stephanie sa maalab na pag-iisa ng kanilang mga labi kung saan ang langit, ang dagat, ang talampas, at mga puno at mga ligaw na halaman ang tanging mga saksi. ---------- to be continued...
Free reading for new users
Scan code to download app
Facebookexpand_more
  • author-avatar
    Writer
  • chap_listContents
  • likeADD