CHAPTER 14

2521 Words
THIRD PERSON POV Dahan-dahang pumasok si Elizabeth sa loob ng opisina ng kanyang kapatid na si Theo habang abala ito sa pagtatrabaho. Nakangiti siyang lumakad patungo sa harap ng office table nito at umupo sa isa sa dalawang upuang naroon. Kumunot ang noo ni Theo nang tuluyang makuha ang atensyon nito ng kapatid na si Elizabeth. Hindi nito inaasahan ang pagbisitang iyon ng kapatid sa kanilang kompanya. Theo: So, whom do I owe this sudden company visit from my eldest sister? These past few months ay bihira ka na lamang bumisita rito sa company. Nakita ni Elizabeth na ngumiti ang kanyang kapatid sa kanya ngunit sandali lamang iyon at nababanaag pa rin niya ang lungkot sa mga mata ni Theo. Sigurado si Elizabeth na iniinda pa rin ng kanyang kapatid ang sakit na dulot ng pagpanaw ng asawa nitong si Helena mag-iisang buwan na ang nakararaan. At pabor iyon para kay Elizabeth dahil kung distracted ang kanyang kapatid ay maaari iyong makaapekto sa performance nito sa trabaho at may posibilidad na akuin muna ng kanyang asawang si Ryan ang responsibility ni Theo sa company bilang Chief Executive Officer. Elizabeth: I was bored so I decided to pay our company a visit. I'm sure our employees here are dying to see me again. You can't blame them, my dear brother. Nagkibit-balikat si Elizabeth sa harapan ni Theo. Elizabeth: I look exactly like our Mama Andromeda. Marahang tumawa si Elizabeth at maya-maya ay lumambong ang mukha nang muling maalala ang kanilang namayapang ina ni Theo na si Andromeda Guerrero. Napailing na lamang si Theo sa sinabi ni Elizabeth. Theo: Napuntahan mo na ba ang asawa mong si Ryan? If I'm not mistaken, he's at the factory right now. Kilala mo ang asawa mo. Very hands-on. Isa sa dahilan kung bakit biglaang bumisita sa food processing company ng kanilang pamilya si Elizabeth ay para malaman kung may mga kahina-hinalang ginagawa ang kanyang asawang si Ryan sa kanilang kompanya. Lately ay napapansin ni Elizabeth ang napapadalas na late na pag-uwi ni Ryan sa mansyon ng Familia Guerrero at hindi maganda ang kanyang pakiramdam roon. Lalo na kung madaling-araw na itong umuuwi. Hindi pa rin nawawala sa isipan ni Elizabeth ang mga nakita niyang kalmot sa likod ng kanyang asawa na sinabi nitong maaaring tumama lamang sa barbed wire. Para sa kanya ay nakakaduda ang rasong iyon. Maaaring hindi na mahal ni Elizabeth ang kanyang asawang si Ryan pero sa mata ng lahat ay asawa niya pa rin ito at kung may ginagawa mang kalokohan o kabalastugan ang kanyang mister ay paniguradong madadamay ang kanyang pangalan. At iyon ang hindi gustong mangyari ni Elizabeth. Ang marumihan ang kanyang iniingatang pangalan dahil lamang sa kanyang asawa. Elizabeth: Of course, as the Chief Operations Officer, dapat i-monitor ni Ryan ang day-to-day operations ng kompanya. Matamis na ngumiti si Elizabeth kay Theo. Elizabeth: Masipag ang asawa ko and I think he's fit for the Chief Executive Officer position. Napataas ang dalawang kilay ni Theo dahil sa sinabi ni Elizabeth at hindi na ito nakapagsalita pa nang tumayo na si Elizabeth mula sa kanyang kinauupuan at patawa-tawang naglakad patungo sa pintuan ng opisina ni Theo. Bago tuluyang lumabas ng opisina ni Theo ay lumingon pa si Elizabeth sa kanyang kapatid. Elizabeth: Kaya kung ako ikaw, Theo, lalo pa akong magsisipag. Nang tuluyan nang sumara ang pintuan ng opisina ni Theo ay biglang naningkit ang mga mata nito habang bumubulong sa hangin. Theo: So Ate Elizabeth hasn't given up on her dreams yet. Mala-demonyong ngumisi sa kawalan si Theo at muling bumulong sa hangin. Theo: We'll see about that. ---------- Nanginginig si Sebastian habang hawak niya sa kanyang kanang kamay ang botelyang iniabot sa kanya ng bunsong anak na si Charlotte. Ang maliit na bote ay naglalaman ng mga gamot para sa pampakalma. Dahan-dahang napaupo si Sebastian sa high back executive chair na nasa likuran ng malaking table sa loob ng home library ng pamilya Guerrero. Sebastian: U-umiinom pa rin si Louise ng gamot para sa pampakalma? Agad na lumapit si Charlotte sa tabi ng ama nito para subukang pakalmahin si Sebastian. Charlotte: I really am not sure, Papa. But I saw these antidepressants inside Louise's medicine cabinet. I don't know kung napansin na niyang wala na sa loob ng kanyang medicine cabinet ang mga gamot na 'yan. May kaba sa mga mata ni Sebastian nang umangat ang kanyang tingin sa anak na si Charlotte na ngayon ay nakatayo sa kanyang tabi. Sebastian: It's not a good thing if your daughter is still taking these antidepressants, Charlotte. That's bad news for the both of us. Halos pandilatan ng mga mata ni Sebastian ang anak na si Charlotte. Charlotte: I know, Papa. That's why I took it. Inilahad ni Charlotte ang kanang kamay sa botelyang inilapag ni Sebastian sa ibabaw ng malaking office table. Charlotte: I'm going to talk to Louise. I really just got busy these past few weeks dahil na rin sa pag-aayos ng lahat para kay Helena. Nang marinig ang pangalan ng pumanaw na manugang ay biglang natigilan si Sebastian ngunit agad din namang nakabawi. Sebastian: Take care of this, Charlotte. Ang nakaraan ay kailangan nang ibaon sa limot. May pagbabanta sa mga mata ni Sebastian nang muling tingnan si Charlotte na naging dahilan para iiwas nito ang mga mata sa ama. ---------- Umiinom ng orange juice sina Anastasia at Mildred habang nagkukwentuhan sa balcony ng ikalawang palapag ng mansyon ng Familia Guerrero. Ibinibida ni Anastasia kay Mildred ang mga lalaking kanyang nakarelasyon noon na ikinatatawa nito. Mildred: Talaga? Ginawa niyo 'yon sa tabi ng puno? Napapahampas pa si Anastasia sa kanang braso ni Mildred dahil siya mismo ay natatawa sa kanyang mga naging karanasan kasama ang iba't ibang lalaki. Anastasia: Hindi lang 'yan, Mildred. May naka-one-night-stand din ako dati. Nakati--- Nawala ang ngiti sa mga labi ni Mildred nang biglang huminto sa pagsasalita si Anastasia. Ibinaling ni Anastasia ang kanyang paningin sa malawak na hardin na kitang-kita mula sa malaking balcony ng mansyon. Iniwas niya ang kanyang mga mata kay Mildred dahil hindi siya sigurado kung anong klase ng emosyon ang maaari nitong mabasa mula roon. Parang gustong pagalitan ni Anastasia ang kanyang sarili dahil sa kanyang kadaldalan. Kung hindi niya agad napahinto ang sarili mula sa pagsasalita ay baka alam na ni Mildred ngayon ang isa sa kanyang mga sikreto. ---------- Napaigtad si Oscar nang maramdaman ang mapangahas na dila ni Eugenie na naglandas sa kanyang kanang tainga. Naroon silang dalawa sa loob ng kanyang kotse ngayon habang nakaparada ang sasakyan sa isang liblib na lugar sa kanilang bayan. Nang akmang kakagatin na ni Eugenie ang kanang tainga ni Oscar ay agad niya iyong inilayo mula rito at mapanuksong tinitigan ang anak ng kanyang hipag na si Elizabeth. Eugenie: Why do you always have to do that? Tinatakam mo ako. Napangisi si Oscar nang mahimigan ang gigil sa tinig ng boses ni Eugenie. Bago pumanaw ang bilas ni Oscar na si Helena ay nagkaroon ng pagkakataon si Eugenie na maakit siya ng personal sa loob ng home gym sa mansyon ng pamilya Guerrero. Inakit siya nito sa pamamagitan ng paghuhubad sa kanyang harapan at paggiling habang jockstrap lamang ang bumabalot sa katawan nito. Aaminin ni Oscar na nabuhayan ang kanyang malaking alaga sa ginawang iyon ni Eugenie ngunit kahit gustung-gusto nang warakin ni Oscar ang butas ni Eugenie nang mga sandaling iyon ay nagpigil pa rin siya dahil oras na ibigay niya rito ang gusto nitong makamit mula sa kanya ay paniguradong titigil na rin ito mula sa pang-aakit sa kanya. At iyon ang hindi gustong mangyari ni Oscar. Nag-e-enjoy pa si Oscar sa atensyong ipinupukol sa kanya ni Eugenie at ng pinsan nitong si Amethyst kaya naman hanggang maaari ay patatagalin pa niya ang pagpapatakam sa magpinsan. Hanggang hindi pa tuluyang bumabalik kay Oscar ang buong atensyon ng kanyang asawang si Charlotte ay gagamitin muna niya sina Amethyst at Eugenie para mapunan ang kanyang nararamdamang pangungulila sa butihing asawa. Oscar: As I've said earlier, blindfold first and then smell. Hindi pa pwedeng tikman ang masarap na pagkain, Eugenie. At dahil sumuway ka, humanda ka sa iyong parusa. Sa halip na kabahan sa parusang matatanggap mula kay Oscar ay para pang nagningning ang mga mata ni Eugenie. Eugenie: Then punish me with a capital letter "P". ---------- Napansin ni Amethyst na bukas ang pintuan ng home gym kaya naman nilapitan niya iyon para isara. Akmang isasara na niya ang pinto nang mapansin niyang may tao sa loob ng kwartong iyon. Umigting ang mga panga ni Amethyst nang makita ang pinsang si Edward na nakaupo sa weight training bench habang umiinom ito ng tubig mula sa hawak nitong water bottle. Halatang pagod na pagod ito mula sa ginawang pagwo-workout dahil sa punung-puno ng pawis ang mukha at katawan nito. Kapansin-pansin ang pagiging mapag-isa ni Edward nitong mga nakalipas na linggo mula nang pumanaw ang ina ni Amethyst na si Helena at may ideya siya kung bakit gusto ni Edward ang palaging mapag-isa. Para kay Amethyst ay guilt ang dahilan ng palaging pag-iisa ni Edward. Puno ng gigil na bumulong si Amethyst sa hangin. Amethyst: You deserve to feel that guilt, you bastard. Matapos uminom ng tubig mula sa water bottle ay pinunasan ni Edward ang pawisan nitong katawan gamit ang pinaghubarang sando. Maya-maya ay naramdaman ni Edward na parang may mga matang nakatingin dito. Wala sa loob na napatingin ang lalaki sa nakabukas na pintuan ng home gym at doon ay nakita nito ang pinsang si Amethyst na naging dahilan para tumiim-bagang ito. Agad na tumalikod si Amethyst nang makitang nakatingin si Edward sa kanya at nagpupuyos ang loob na lumakad patungo sa ikalawang palapag ng mansyon. Amethyst: You're the one who should've died and not my Mom, Edward. ---------- Marahang tumitipa sa mga tiklado ng grand piano na nasa loob ng malawak na sala si Arthur nang bigla niyang maramdaman ang isang presensya sa kanyang likuran. Agad siyang tumigil sa pagtipa para lingunin ang taong nasa kanyang likuran. Napangiti si Arthur nang makita ang adopted daughter ng kanyang kapatid na si Charlotte. Arthur: O, Louise, ikaw pala. Muntik na akong kabahan. Nang tumawa si Arthur ay ngumiti lamang si Louise. Louise: A classical piano piece. A favorite of mine. Napakunot ang noo ni Arthur dahil sa sinabi ni Louise at pinanood ang pag-upo nito sa kanyang tabi sa mahabang piano stool na nasa harapan ng grand piano. Louise: Iyong tinutugtog mo kanina, Tito Arthur. Malakas na tumawa si Arthur nang ma-realize kung ano ang tinutukoy ni Louise. Nang muling magsalita sina Arthur at Louise ay nagkasabay pa sila. Arthur & Louise: La Candeur. Dahil sa nangyari ay muli na namang tumawa si Arthur habang si Louise ay namula ang mukha at nahihiyang ngumiti sa kanya. Louise: I-I want to hear it again. Muling napakunot ang noo ni Arthur dahil sa sinabi ni Louise. Nang tumingin si Louise sa grand piano ay doon napagtanto ni Arthur ang gustong ipahiwatig ng babae. Gusto nitong muling marinig ang classical piano piece na "La Candeur". Nahihiyang yumuko si Louise habang namumula ang mukha nito at para kay Arthur ay nakakaaliw iyong makita mula sa babaeng nasa edad na dalawampu't isa. Ngumiti muna si Arthur sa nakayukong si Louise bago sinimulan ang pagtipa sa mga tiklado ng grand piano para muling iparinig dito ang paborito nitong classical piano piece. Maya-maya lamang ay nakangiti na si Louise habang nakatingin kay Arthur na nagpi-play ng grand piano. ---------- Napaliyad sa ibabaw ng matigas na hubo't hubad na katawan ni Ryan ang babae nang bigla na lamang niyang pisilin ng madiin ang malamang pang-upo ng babaeng kaulayaw niya ngayong gabi. Nang biglang bumangon si Ryan mula sa pagkakahiga sa ibabaw ng kama ng babae ay nagulat pa ito ngunit nagawa pa rin nilang dalawa ni Ryan na hindi lumabas mula sa loob ng hiyas ng babae ang malaking alaga ni Ryan. Hayok na hayok na sinabasib ng halik ni Ryan ang mga labi ng babaeng nakakandong sa kanyang mga hita habang tuloy-tuloy ang pagsalakay ng kanyang mahabang alaga sa loob ng basang-basang yungib ng babae. Napahalinghing ang babae nang biglang hatakin ng bibig ni Ryan ang ibabang labi nito at kagatin. Ngunit nawala agad ang sakit nang muling sakupin ng bibig ni Ryan ang bibig ng babae at paulanan ng maraming laway ang loob ng bibig nito. Tuloy-tuloy ang pagsugod ng matabang alaga ni Ryan sa loob ng yungib ng babae hanggang sa biglang tumayo si Ryan sa itaas ng kama habang buhat niya sa kanyang dalawang bisig ang mga binti ng babae at ibaon niya ng pagkadiin-diin ang kanyang alaga sa kaloob-looban ng hiyas ng babae. Ikinulong ni Ryan sa loob ng kanyang bibig ang mga ungol at murang namumutawi sa bibig ng babae. Sunud-sunod na pagbuga ng hangin ang ginawa ni Ryan sa mismong mukha ng babae tanda ng kapaguran dahil sa ginawa nilang pagtatalik ng babae. ---------- Nagulat si Stephanie nang isang bisig ang pumalibot sa baywang nito at isang kamay naman ang tumakip sa bibig nito at pagkatapos ay hinatak ang babae ng taong nagmamay-ari ng bisig at ng kamay na iyon patungo sa madilim na bahagi ng hardin ng Familia Guerrero. Dahil sa amoy ng pabango na nalalanghap ni Stephanie ay may ideya na ito kung sino ang taong nasa likuran nito. At nang marinig ni Stephanie ang bulong na iyon sa kanang tainga nito ay hindi na ito nagkamali ng hinala. Si Jomari ang humatak kay Stephanie patungo sa madilim na bahagi ng malawak na hardin. Jomari: Ssshhh. Don't be scared, my love. Naramdaman ni Stephanie ang tungki ng ilong ni Jomari na naglalandas sa batok nito. Jomari: You don't know what you're doing to me, my love. I missed you so much. Habang bumubulong si Jomari ay nahihimigan ni Stephanie sa tinig ng boses ng lalaki ang pangungulila. Jomari: It's been days, my love. Biglang may kung anong init na lumukob sa buong sistema ni Stephanie nang maramdaman ang mga labi ni Jomari na dumidikit sa batok nito. Stephanie: Jomari. Hindi napigilan ni Stephanie ang mapaungol ng mahina. Dahil sa narinig na mahinang pag-ungol ni Stephanie ay bigla na lamang kumislot ang alaga ni Jomari sa loob ng kanyang suot na boxer briefs at kahit nakasuot ng maong pants si Jomari ay hindi maitatago niyon ang bukol na nagsisimula nang umumbok sa pundilyo ng kanyang pantalon. Nang maglandas ang dila ni Jomari sa batok ni Stephanie ay napaliyad ito ngunit dahil nakapalibot sa baywang ng babae ang kanang bisig ni Jomari kaya madali niyang nahatak si Stephanie padiin sa kanyang katawan. Ganoon na lamang ang pagpipigil ni Jomari sa sarili na angkinin ang babaeng nasa kanyang harapan nang lumapat ang malamang likuran ni Stephanie sa kanyang maumbok na harapan. Jomari: Nababaliw na ako sa 'yo, my love. Help me control myself. Ibinubulong iyon ni Jomari habang taas-babang naglalandas sa batok ni Stephanie ang kanyang mga labi. Jomari: Please, my love. Pigilan mo ako. Hindi na mapigilan ni Jomari ang kanyang nararamdamang init para kay Stephanie at kung hindi siya pipigilan nito ay paniguradong may mangyayari sa kanilang dalawa na maaari nilang pagsisihan sa huli. ---------- to be continued...
Free reading for new users
Scan code to download app
Facebookexpand_more
  • author-avatar
    Writer
  • chap_listContents
  • likeADD