JOMARI's POV
Padabog kong inihagis sa ibabaw ng aking kama ang aking cellphone matapos makausap ang aking girlfriend na si Pamela. As usual ay nagde-demand na naman itong magkita kaming dalawa.
Well, wala namang problema sa akin na magkita kaming dalawa ngayon. Noon nga ay ako pa ang madalas na nag-aaya rito na mag-date kaming dalawa sa bayan.
But, as I've said, that was before.
Marami na ang nagbago simula nang dumating sa aking buhay si Stephanie. Ang nag-iisang anak nina Tito Arthur at Tita Mildred.
Si Stephanie na ang aking iniibig ngayon and Pamela is just a front para hindi magduda ang mga tao sa totoong nature ng closeness namin ni Stephanie.
The first time I saw Stephanie's beauty outside of Lolo Sebastian's room's huge window, I was totally mesmerized. That pretty lady captivated my whole attention.
Napakaganda ni Stephanie.
For me, Stephanie is the most stunning woman I've ever laid my eyes on. Hindi ako magsasawang titigan ang kanyang mukha.
At nang unang beses na magkakilala kami ni Stephanie ay halos mautal ako sa kanyang harapan which never happened to me whenever I was in a presence of a woman.
Hindi ko alam pero pakiramdam ko ay namula ang aking magkabilang pisngi nang ngitian ako ni Stephanie sa kauna-unahang pagkakataon.
Stephanie: Hi, Jomari. I'm Stephanie. The daughter of Arthur and Mildred Guerrero.
Hindi ko namalayang nakalahad na pala ang kanang kamay ni Stephanie sa aking harapan habang ako ay nakatitig sa kanyang mukha na parang pinag-aaralan ang bawat parte niyon.
Ang mga mata ni Stephanie na kung tumitig sa akin ay parang ako na yata ang pinakagwapong nilalang sa buong mundo. Ang tungki ng kanyang maliit na ilong na parang kaysarap pisilin.
Ang mga pisngi ni Stephanie na parang inaakit akong kurut-kurutin iyon sa malambing na paraan.
At ang mga labi ni Stephanie.
Ang mga labing iyon.
Hindi ko alam pero parang biglang nag-init ang aking katawan habang tinititigan ang pinkish na mga labi ni Stephanie. Ang nakangiti niyang mga labi na parang tinatawag ang aking bibig para magpasakop dito.
Para akong pangangapusan ng hangin sa katawan dahil sa makamundong imahe na tumatakbo sa aking isipan. Kaming dalawa ni Stephanie, magkasalo sa isang maalab na pagtatagpo ng aming mga labi. Ang mga dila naming sumasayaw sa saliw ng musika na tanging ang mga katawan lamang ni Stephanie ang nakaririnig.
Ganoon na lamang ang aking pagpipigil na mapaungol nang ang imahe sa aking isipan ay mapalitan ng magkayakap na hubo't hubad na katawan namin ni Stephanie habang ipinapakain niya sa aking bibig ang kanyang dila.
Stephanie: Jomari?
Para akong binuhusan ng malamig na tubig nang marinig ang pag-untag na iyon sa akin ni Stephanie.
Kumurap-kurap ako sa harapan ni Stephanie habang pilit na pinapakalma ang aking nag-iinit na katawan dahil sa mga malalaswang eksenang tumatakbo sa aking isipan.
Parang gusto kong magpalamon sa lupa nang dahil sa kahihiyang aking nararamdaman nang mga sandaling iyon. Narito sa aking harapan ang isang babaeng gusto lamang makipagkilala sa akin ngunit ang aking isipan ay kung saan-saang kahalayan na napadpad.
Ginantihan ko ng isang nahihiyang ngiti ang iginawad na ngiti sa akin ni Stephanie at ginawa ko ang lahat ng aking makakaya para hindi manginig ang aking kamay habang nakikipagkamay ako sa kanya.
Jomari: I-I'm sorry. May iniisip lang ako. But nice meeting you, Stephanie.
Gusto kong batukan ang aking sarili dahil nautal pa ako sa pagsasalita sa harapan ni Stephanie.
Jomari: I'm so glad that we've already met.
Pinigil ko ang aking sariling pisilin ang malambot na palad ni Stephanie. Sakop na sakop ng aking malaking kanang palad ang kanyang kanang palad.
Habang nakikipagkamay ako kay Stephanie ay naamoy ko sa kanyang buhok ang shampoo na kanyang ginamit na humahalo sa mabangong pambabaeng pabango. Animo'y pinakakalma ng pinaghalong amoy na iyon at ng natural na amoy ni Stephanie ang lahat ng aking pandama.
Stephanie: Same here.
Naroon pa rin ang ngiti sa aking mga labi nang magbitiw ang aming mga palad ni Stephanie.
Ilang segundo kaming nagkatitigan ni Stephanie habang nakangiti lamang kami sa isa't isa. Parang lumulundag ang aking puso habang pinagmamasdan ang maamong mukha ni Stephanie.
Animo'y isa akong teenager na kinikilig dahil nakaharap ko sa kauna-unahang pagkakataon ang babaeng aking hinahangaan.
Kung tutuusin ay twenty-five years old na ako at para sa akin ay hindi na dapat ako nakararamdam ng ganito sa harapan ng isang babae. Ganitong kinakabahan at hindi sigurado sa aking gagawin.
Nawala lamang ang aking atensyon mula kay Stephanie nang marinig kong may humihikbi sa aking tabi. Agad akong kinabahan dahil baka may nangyari sa aking Lolo Sebastian.
Sinabi ni Dr. Rosentos sa amin na syncope lamang ang nangyari kay Lolo Sebastian kanina at hindi atake sa puso. Bahagya akong nakahinga ng maluwang nang marinig iyon dahil labis akong nag-alala nang makitang nawalan ng malay si Lolo Sebastian during my younger brother's birthday celebration.
Hindi namin inaasahang lahat ang pagdating ng isang babae sa birthday party ng aking kapatid kanina. Ang babaeng nagngangalang Anastasia.
And that Anastasia is claiming that her father is my Lolo Sebastian.
Malaking eskandalo para sa pamilya Guerrero ang nilikha ni Anastasia sa party kanina lalo pa nga at nagsipagdalo sa kaarawan ng aking kapatid ang halos lahat ng malalapit na kaibigan at kakilala ng pamilya. Naroon din ang ibang kilalang pamilya ng San Christopher at ang karamihan sa mga kasosyo sa negosyo ng pamilya Guerrero.
Naroon din ang press sa kaarawan ni Eugenie. Mabuti na lamang at nariyan ang aking Tita Charlotte to do some damage control.
Oh well. Sanay na sanay na ang aking Tita Charlotte when it comes to protecting the name, image, and reputation of the Guerrero clan. Minsan nga ay iniisip ko na ito ang kanang-kamay ni Lolo Sebastian maliban pa sa pagiging Chief Financial Officer ng Guerrero Foods Incorporated.
Kaya naman sigurado akong hindi lalabas sa media ang tungkol sa nangyaring gulo sa party kanina. Isang malaking eskandalo ang kakaharapin ng aming pamilya if people find out about Anastasia and her claim as one of Lolo Sebastian's children.
I don't want to judge my grandfather kahit mapatunayan pang totoo ngang anak ni Lolo Sebastian ang Anastasia na iyon. Nothing will change even if I find out Lolo has an illegitimate child.
Ayokong tumulad pa sa ibang miyembro ng pamilya Guerrero na hanggang ngayon ay ini-interrogate pa rin si Anastasia sa loob ng living room. Talagang big deal sa mga ito ang paglantad ni Anastasia bilang anak ni Lolo Sebastian.
Mas inuna pa ng iba kong kapamilya at kamag-anak ang makipagtalo kay Anastasia kaysa ang samahan si Lolo Sebastian sa loob ng kwarto nito matapos ang nangyaring pagkahimatay nito kanina.
To be fair, curious din naman ako tungkol kay Anastasia. But I don't think this is the right time para i-handle ang issue tungkol sa pagiging totoong anak o hindi nito ni Lolo Sebastian.
Kung hindi ako nagkakamali ay pamilyar sa akin ang mukha ni Anastasia. Parang nagkita na kami noon ngunit kung saan ay hindi ko maalala.
Ngunit aalamin ko iyon sa susunod.
Parang gustong maantig ng aking puso nang makitang nakayakap si Lolo Sebastian kay Tito Arthur. Alam kong naghihirap ang kalooban ni Lolo ngayon dahil sa biglaang pagsulpot ni Anastasia sa buhay naming lahat ngunit dahil sa pagbabalik ng panganay na anak ni Lolo Sebastian dito sa mansyon ng Familia Guerrero ay paniguradong gumaan kahit papaano ang kalooban ng aking abuelo.
Nakita kong hindi yumakap pabalik sa ama nito si Tito Arthur. Ngunit nakapikit ang mga mata nito habang tinatanggap ang yakap mula sa aking Lolo Sebastian.
Napangiti ako dahil sa aking nasasaksihang eksena at pakiramdam ko ay nag-iinit ang bawat sulok ng aking mga mata. Ipinikit-pikit ko ang aking dalawang mata para pigilan ang tuluyang pamamasa niyon.
Tiningnan ko ang babaeng nakatayo sa likuran ni Tito Arthur. Ang ina ni Stephanie, si Tita Mildred.
Ngayon ay alam ko na kung kanino namana ni Stephanie ang kanyang kagandahan. Walang iba kundi mula sa kanyang ina.
Napansin kong iniwas ni Tita Mildred ang tingin nito mula sa ginagawang pagyakap ni Lolo Sebastian kay Tito Arthur at nakatuon ang mga mata nito sa malaking bintana ng kwarto ni Lolo.
Sebastian: Maraming, maraming salamat sa iyong pagbabalik sa tunay mong tahanan, anak. Welcome back to Familia Guerrero mansion, Arthur.
Mula sa aking kinatatayuan ay kitang-kita ko ang pamamasa ng mga mata ni Lolo Sebastian.
Nang matapos ang pagyakap ng aking abuelo kay Tito Arthur ay agad na nilingon ni Tito si Tita Mildred at inabot ang kanang kamay ni Tita para palapitin sa tabi nito.
Arthur: Naninibago pa rin ako, Papa. Pero subukan po nating bawiin ang mga taong nawala sa atin. Kasama ang aking pamilya.
Ngumiti si Lolo Sebastian kay Tita Mildred at ganoon din naman ang babae.
Sebastian: Thank you for loving my son, Mildred.
Nagulat pa ako nang magkusa si Lolo Sebastian na yakapin ang asawa ni Tito Arthur. Base sa aking nakitang reaksyon sa mukha ni Tita Mildred ay alam kong maging ito ay nagulat sa pagyakap na iyon dito ni Lolo.
Marahil ay dahil sa mga nangyari noon ay hindi na inaasahan pa ni Tita Mildred na makatatanggap ito ng warm welcome mula sa aking Lolo Sebastian.
Yumakap pabalik kay Lolo Sebastian si Tita Mildred habang ako naman ay nilingon ni Tito Arthur at tinanguan. Nakangiti akong tumango pabalik kay Tito Arthur.
Nang lingunin ko si Stephanie sa aking tabi ay nakita kong nakangiti siya sa eksenang nasasaksihan niya sa kanyang harapan. Ang pagyayakapan nina Lolo Sebastian at Tita Mildred.
Ngayong hindi nakatingin sa aking direksyon si Stephanie ay malaya kong napagtutuunan ng pansin ang kanyang suot na salamin. Kahit na may suot siyang eyeglasses ay hindi nabawasan niyon ang kanyang kagandahan bagkus ay mas na-emphasize pa ng salaming iyon ang kanyang mapungay na mga mata.
Nang bumaba ang aking tingin sa kaliwang panga ni Stephanie ay para akong natutuksong paglandasin ang aking kanang daliri sa linyang nililikha ng kanyang panga at paabutin ang dulo ng aking daliri hanggang sa kanyang makinis na leeg.
Muli kong naramdaman ang pag-iinit ng aking sistema dahil sa kaisipang iyon at nang bumaling ang aking mga mata sa kaliwang tainga ni Stephanie ay napalunok na lamang ako ng laway nang ma-imagine na ikinukulong ko sa aking mga labi ang taingang iyon ni Stephanie.
Agad kong ipinilig ang aking ulo dahil hindi ko alam kung paano pang pipigilin ang pag-iinit ng aking katawan kung hindi ko ihihinto ang pagpapantasya kay Stephanie.
Arthur: Stephanie, come here. Say hi to your Lolo Sebastian.
Bahagya pa akong nagulat nang marinig ang tinig ng boses ni Tito Arthur.
Kinabahan ako dahil baka nakita ng ama ni Stephanie kung paano kong tinitigan ang anak nito na may halong pagnanasa. Nakahinga ako ng maluwang nang makita ang ngiti sa mga labi ni Tito Arthur habang hinihintay na lumapit si Stephanie rito.
Hindi ko napigilan ang pagsilay ng isang masayang ngiti sa aking mga labi habang pinagmamasdan si Stephanie at ang aming abuelo na magkayakap.
May pakiramdam akong magiging kasundo ni Lolo Sebastian si Stephanie. At malakas din ang aking pakiramdam na magiging malapit ang aking loob sa kanya.
Sebastian: So I guess you and Jomari had already introduced yourselves to each other.
Nakangiting tumango si Stephanie kay Lolo Sebastian habang ang kanyang kanang braso at bisig ay nakayakap pa rin kay Lolo.
Sebastian: I'm sure, hija, magugustuhan mo rito sa San Christopher. My apo, Jomari, will give you a tour in this town. Right, hijo?
Nakangiting lumingon sa akin si Lolo Sebastian at bago ko sinagot ang tanong nito ay tiningnan ko muna si Stephanie.
Ganoon na lamang ang aking pagpipigil na mapasinghap nang makitang nakangiti sa akin si Stephanie at sa pagngiti niyang iyon sa akin ay nakikisabay ang kanyang mga magagandang mata. Isang kaaya-ayang tanawin na siguradong tatatak sa aking puso't isipan.
Pakiramdam ko ay hindi na nawawala ang ngiti sa aking mga labi nang gabing iyon. At nang lumingon ako kay Lolo Sebastian ay masaya akong tumango.
Jomari: The pleasure is all mine, Lolo. I would love to take Stephanie to all of the breathtaking sceneries here in San Christopher.
Nang lingunin ko sina Tito Arthur at Tita Mildred ay pareho silang nakangiti sa akin.
Arthur: Thank you, Jomari.
Isang ngiting may kasamang pagtango ang aking itinugon kay Tito Arthur.
Jomari: I'll take care of Stephanie, Tito Arthur.
At bago ako nakatulog nang gabing iyon ay ilang scenario na ang pumasok sa aking isipan na kaming dalawa lamang ni Stephanie ang mga bida at sa bawat eksenang umuukilkil sa aking isipan ay nakapagbibigay ng saya sa aking puso.
Ngayon ngang nakilala ko na nang lubusan si Stephanie dahil sa madalas naming pamamasyal ay mas lumalim pa ang aking nararamdaman para sa kanya.
Alam kong hindi lamang ako simpleng humahanga kay Stephanie. At paniguradong hindi lamang pagnanasa ang aking nararamdaman para sa kanya. Alam kong iniibig ko na siya.
At iyon ang pilit kong ipinapadama kay Stephanie nitong mga nakalipas na linggo.
At nakasisiguro akong may damdamin din para sa akin si Stephanie. Base sa kung paano siyang tumugon sa aking mga iginagawad na malalim na halik sa kanya at sa kung paano siyang humalinghing sa tuwing inihahaplos ko ang aking mga kamay sa kanyang katawan ay alam ko sa aking sarili na ako ang bumubuhay sa init ng kanyang katawan at ang nagpapatibok ng kanyang puso.
Mahal ako ni Stephanie.
Nararamdaman iyon ng aking puso.
At ganoon din ako sa babaeng aking iniibig.
Ngunit paniguradong marami ang tututol oras na isapubliko namin ni Stephanie ang aming magiging relasyon.
Hindi pa man kami opisyal na magkarelasyon ni Stephanie ay sigurado akong doon din ang patungo naming dalawa.
Ngunit kailangan naming maghanda ni Stephanie sa kakaharapin naming mga unos. At ang unos na iyon ay ang mismo naming pamilya.
Ang Familia Guerrero.
----------
to be continued...