CHAPTER 5

2629 Words
THIRD PERSON POV Puno ng pasasalamat ang mukha ni Elizabeth habang inihahatid sa labas ng main entrance door ng mansyon ng pamilya Guerrero ang kanilang family doctor na si Philbert Rosentos. Elizabeth: Maraming, maraming salamat, Doctor Rosentos. We were so worried nang makitang himatayin si Papa kanina. Matagal na mula nang huli siyang himatayin. Thank goodness at hindi rahil sa atake ng puso. Ikinulong ni Elizabeth sa kanyang dalawang palad ang kaliwang kamay ni Philbert. Elizabeth: Thank you so much for always taking good care of my Papa's health condition, Doctor Rosentos. Ngumiti si Philbert kay Elizabeth at tumango. Philbert: Mabuti na lang din at birthday ng iyong bunsong anak kaya narito ako sa mansyon ninyo ngayon. Hayaan ninyo na munang magpahinga si Sebastian. Binawi ni Philbert ang kaliwang kamay nito mula sa pagkakakulong ng mga palad ni Elizabeth at tinapik ang kanang balikat ng babae. Philbert: Please make sure na walang anumang bagay ang maaaring maging dahilan para manikip ang dibdib ng inyong Papa, Elizabeth. Tumatanda na siya. Hindi rin makabubuti sa kanyang kalusugan kung mai-stress siya. Marahang binawi ni Philbert ang kaliwang kamay nito na nakapatong sa kanang balikat ni Elizabeth. Marahang tumango si Elizabeth kay Philbert. Philbert: Kahit pa sabihing hindi rahil sa atake ng puso ang nangyaring pagkahimatay ni Sebastian kanina ay mas makabubuti pa ring mag-ingat tayo. Baka next time ay hindi na syncope ang mangyari sa kanya? Huwag naman sana. Muling tumango si Elizabeth. Elizabeth: Sisiguraduhin ko ring paaalisin ko ang taong naging dahilan kung bakit bumilis ang pintig ng puso ni Papa kanina, Doctor Rosentos. Malalim na nagbuntung-hininga si Philbert at pagkatapos ay umiling. Philbert: Siguro ay aalis na ako, Elizabeth. Malalim na rin ang gabi. Happy birthday muli sa iyong anak na si Eugenie. Nakangiting tumango si Elizabeth kay Philbert. Elizabeth: Thank you once again, Doctor Rosentos. Mag-iingat kayo. Tumango si Philbert at pagkatapos ay tumalikod na at naglakad patungo sa kotse nito. Inihatid ng tanaw ni Elizabeth si Philbert hanggang makasakay ang doktor sa loob ng kotse nito. Wala na sa driveway ng malawak na bakuran ng pamilya Guerrero ang sasakyan ni Philbert nang lingunin ni Elizabeth ang mga kasambahay na naglilinis sa lugar kung saan idinaos ang nineteenth birthday ng kanyang anak na si Eugenie. Nakita ni Elizabeth ang bunsong kapatid na si Charlotte na kinakausap ang press at may iniaabot na sobre sa mga ito. Chini-check din ni Charlotte ang mga camera na dala ng press. Tulad nang nakagawian ni Charlotte ay binabayaran nito ngayon ang press para huwag maglabas ng anumang balita o anumang larawan tungkol sa nangyaring kaguluhan kanina. Typical Charlotte Guerrero-Chavez. Kumikilos agad ito para hindi masira ang imahe, reputasyon, at pangalan ng Familia Guerrero. Kanina bago mag-alisan ang mga bisita ng bunsong anak ni Elizabeth para sa kaarawan nito ay isa-isang ch-in-eck ni Charlotte ang phone ng mga bisita para malaman kung kinuhanan ng mga ito ang panggugulo ng babaeng nagngangalang Anastasia isang oras na ang nakararaan. Tumanggi ang ilan sa mga bisita ngunit sa huli ay napahinuhod din naman ang mga ito rahil siniguro ni Charlotte na ang mga mismong bisita ang hahawak sa kani-kanilang mga phone habang ginagawa ang pagchi-check. Katulong ni Charlotte sa pagchi-check ng mga phone ng mga bisita ang anak nitong si Louise at ang mga pamangkin nitong sina Amethyst at Edward. Ang ibang mga lalaking bisita ay sinamantala ang pagkakataon para mapalapit sa maganda at seksing si Amethyst. Siniguradong makakasilip sa malalim na pagitan ng dalawang nagbubungguang mga papaya ni Amethyst. Ang ilang mga kababaihan ay hindi pinalagpas ang pagkakataong mapadikit sa gwapo at makisig na si Edward. Ang ibang mga babae ay sinasadya pang idikit ang kanilang mga pakwan sa malaking muscles ni Edward sa braso. Ang ibang mga bisita ay napalulunok ng kanilang mga laway sa tuwing sila ay gagawaran ni Louise ng mga titig na parang tumatagos sa kanilang mga kaluluwa. Malalim na nagbuntung-hininga si Elizabeth at umiling. Pumasok siya sa loob ng malaking kabahayan para harapin ang babaeng nagdulot ng gulo sa kaarawan ng kanyang anak. Ang lakas ng loob ng babaeng nagngangalang Anastasia para guluhin ang kaarawan ni Eugenie. Walang ideya ang Anastasia na iyon kung gaano kalaking pera ang inilabas ni Elizabeth para lamang sa kaarawan na iyon ni Eugenie at pagkatapos ay sisirain lamang nito. Hindi ito maaaring palagpasin ni Elizabeth. Pumasok sa loob ng malawak na living room ng mansyon ng pamilya Guerrero si Elizabeth. Inihanda ang sarili para awayin ang babaeng nagngangalang Anastasia. Naroon sa loob ng living room ang asawa ni Elizabeth na si Ryan at ang kanilang mga anak na sina Edward at Eugenie. Naroon din ang kanyang kapatid na si Theo at ang hipag na si Helena. Nakita rin ni Elizabeth ang bayaw na si Oscar sa loob ng living room na iyon. Mukhang bored na bored ito. Naroon din ang mga pamangkin ni Elizabeth na sina Amethyst at Louise. Ang lahat ng mga pares ng mga matang naroon sa loob ng living room na iyon ay nakatutok sa babaeng nagpakilalang Anastasia at sinabi nitong anak ito sa labas ng ama ni Elizabeth na si Sebastian. Nakaupo si Anastasia sa gitna ng malaking couch nang biglang pasugod na lumakad si Elizabeth patungo rito at duruin ang babae. Elizabeth: How dare you to ruin my child's birthday party?! Who the hell do you think you are, huh?! Nanlilisik ang mga mata ni Elizabeth na tumitig kay Anastasia. Si Anastasia ay nakangising tumingala kay Elizabeth at tinabig ang kanyang daliri na nakaduro rito. Malakas na napasinghap si Elizabeth kasabay nang panlalaki ng kanyang mga mata rahil sa ginawa ni Anastasia. Anastasia: Unang-una, hindi ko alam na birthday ng 'yong anak ngayon. Pangalawa, sinabi ko na kanina. Kapatid ninyo ako sa labas. Anak ni Sebastian Guerrero sa babaeng nakilala niya sa club. Okay na ba? Napaatras si Elizabeth dahil hindi niya inaasahan na itong si Anastasia pa ang parang magmamalaki sa kanila pagkatapos nitong manggulo sa kaarawan ng kanyang anak. Hindi man lang mabakasan ng pagsisisi ni Elizabeth ang mukha ni Anastasia. Biglang umalingawngaw sa loob ng living room ang matinis na tili ni Eugenie. Naiinis na tumili ito habang nakatunghay kay Anastasia. Eugenie: At least say sorry or act like you're being sorry sa panggugulo mo sa party! Napahiya ako sa mismong kaarawan ko! Argh! Isang malakas na naiinis na tili na naman ang pinakawalan ni Eugenie. Agad na nilapitan ni Elizabeth ang bunsong anak. Elizabeth: Calm down, Eugenie. Don't worry. Mas pagagandahin pa ni Mommy ang birthday celebration mo next year. We'll invite celebrities para mag-perform sa birthday mo. Hindi napansin ni Elizabeth ang pagtaas ng isang kilay ni Helena. Bumulong pa sa hangin si Helena. Helena: As if. Narinig ni Edward ang pagbulong ni Helena kaya pasimple itong ngumiti sa tita nito. Kumindat pa si Edward kay Helena nang magkasalubong ang kanilang mga mata. Automatic na namasa ang hiyas ni Helena pagkakita sa malanding kindat na iginawad ni Edward dito. Umismid si Anastasia at humalukipkip. Anastasia: Bakit ako magso-sorry? Eh, wala naman akong kasalanan. Hindi ko nga alam na may party, 'di ba? Muling nanlaki ang mga mata ni Elizabeth at akmang muling susugurin si Anastasia nang pigilan siya ng kanyang asawang si Ryan sa kanyang kaliwang bisig. Bumulong si Ryan kay Elizabeth. Ryan: Huwag mo nang patulan. Can't you see? She's trying to provoke all of us here. Masama ang tingin ni Elizabeth kay Ryan habang binabawi niya ang kanyang kaliwang bisig mula sa pagkakahawak nito. Maya-maya ay nagsalita si Amethyst na nakapamaywang pa sa harapan ni Anastasia. Amethyst: Are you really a Guerrero? I mean, look at you, you look cheap. Pinasadahan pa ng tingin ni Amethyst ang kabuuan ni Anastasia. Amethyst: Wala ka pang ka-class-class. Imagine, you were making a scene habang nagsisisigaw ka sa party at hinahabol ng guards. That's not how a Guerrero should act and behave in front of a lot of people. You're such a disgrace if you really are a Guerrero. Napataas ang dalawang kilay ni Anastasia rahil sa sinabi ni Amethyst at hinagod din ng tingin ang kabuuan nito. Anastasia: Wow. Hiyang-hiya naman ako sa suot mong halos kita na ang kaloob-looban mo. Akala ko nga hooker ka. Napabuka ng malaki ang bibig ni Amethyst dahil sa gulat sa ginamit na salita ni Anastasia. Si Edward ay hindi napigilan ang mapatawa ng mahina rahil sa nakikitang anyo ng pinsang si Amethyst nang mga oras na iyon. Napapailing na lang si Edward sa kaipokritahan ni Amethyst. She's trying to think, to speak, and to act like a liberated woman, ngunit kapag may taong mas liberated pa rito sa harapan nito ay biglang nawawala ang liberated persona nito. Sa puntong iyon ay nagpanting ang dalawang tainga ni Helena at ito naman ang pasugod na naglakad patungo kay Anastasia. Helena: How dare you to talk to my daughter like that?! Ang kapal ng mukha mong babae ka! Akmang sasampalin ni Helena si Anastasia nang pigilan ni Edward ang kanang bisig nito. Edward: Tita, calm down. Don't do anything that you might regret later. Napatingin si Helena sa kamay ni Edward na nakahawak sa kanang bisig nito. Tumingin si Helena sa mukha ni Edward at nakita sa mga mata ng lalaki ang pag-aalala. Biglang lumambot ang anyo ng mukha ni Helena. Nang makitang kumalma na si Helena ay binitiwan na ni Edward ang kanang bisig ng babae. Ilang sandali pa ay narinig ni Helena na nagsalita ang asawang si Theo. Theo: Edward is right, hon. Don't waste your energy on person like her. Isang nakamamatay na tingin ang ipinukol ni Theo kay Anastasia. Theo: You should be thankful na nandiyan sa labas ang press kaya pinapasok ka namin dito sa loob ng mansyon. We don't need someone like you to ruin our reputation. Tinaasan lang ng kilay ni Anastasia si Theo. Theo: Ngayon ay ipahahatid kita sa isang hotel sa bayan. You'll stay there hanggang hindi pa napatutunayang anak ka ng Papa. You don't expect us to believe whatever you say, do you? Doon na napatayo si Anastasia mula sa pagkakaupo sa malaking couch. Anastasia: Hindi ninyo ako mapapaalis sa mansyon na ito. May karapatan ako rito. Pero kung ipipilit ninyo ang gusto ninyo, eh, 'di sige, gawin ninyo. Pero huwag ninyo akong pipigilan kung magpa-interview ako sa press at sabihin ang baho ng pamilyang ito. Sunud-sunod na napasinghap sina Elizabeth, Theo, Helena, Amethyst, at Eugenie. Si Ryan ay sinusubukang pakalmahin si Elizabeth, samantalang si Edward ay nakatitig kay Helena at binabantayan ang maaaring gawin nito rahil ayaw nitong may gawin ang babae na maaaring pagsisihan nito. Ang mag-amang Oscar at Louise ay nakamasid lamang sa isang tabi. Isa-isang tinitigan ni Anastasia ang mga taong naroon sa loob ng living room nang biglang magsalita si Louise. Louise: I think mas magandang palipasin muna natin ang gabing ito. Emotions are running high right now, so I guess magpahinga muna tayong lahat at bukas na natin pag-usapan ang tungkol dito kung saan kasama na rin natin si Lolo Sebastian. Isang masamang tingin ang ipinukol ni Elizabeth kay Louise. Elizabeth: It's easy for you to say that dahil wala namang dugong Guerrero na nananalaytay sa--- Hindi na natapos ni Elizabeth ang kanyang sasabihin dahil biglang umalingawngaw ang malakas na tinig ng boses ni Oscar sa loob ng living room. Oscar: Don't you go there, Elizabeth! Louise is a Guerrero! She's my wife's daughter! Isang nakakainsultong ngiti ang sumilay sa mga labi ni Elizabeth. Elizabeth: Yeah, Oscar. Whatever. Matalim na tinitigan ni Oscar si Elizabeth ngunit si Louise ay kalmado lamang. Tila hindi inalintana ni Louise ang pasaring ni Elizabeth dito. Maya-maya ay muling naiinis na tumili si Eugenie. Eugenie: I can't take the presence of this woman anymore! I'm going to my room! Pagkatapos sabihin iyon ay nagmamadaling umakyat sa grand staircase ng mansyon si Eugenie. Isang malagkit na titig ang ipinukol ni Oscar sa maumbok na pang-upo ni Eugenie na bumabakat sa suot nitong masikip na pantalon. Amethyst: Aakyat na rin ako. Nakakapagod ang araw na ito. Sunod na umakyat ng grand staircase si Amethyst. Isang malagkit na titig din ang ipinukol ni Oscar sa malamang pang-upo ni Amethyst na humulma sa suot nitong sexy dress. Wala sa loob na napadila si Oscar sa ibabang labi nito. ---------- Nakaalis na ang mga inimbitahang press para sa kaarawan ni Eugenie nang may mapansin si Charlotte na isang kotseng tumigil sa malawak na driveway ng Familia Guerrero. Nang bumaba ang driver ng kotseng iyon ay nanlaki ang mga mata ni Charlotte. Ang panganay na kapatid ni Charlotte na si Arthur ang bumaba mula sa sasakyan. Ang kapatid ni Charlotte na matagal nilang hindi nakasama sa lumipas na maraming taon. Si Arthur Guerrero ay nagbalik na sa mansyon ng Familia Guerrero. Charlotte: Kuya Arthur. Nangingilid ang mga luha sa mga mata ni Charlotte nang patakbong salubungin si Arthur at mahigpit na yakapin ito. Charlotte: Kuya. Yumakap pabalik si Arthur kay Charlotte at hinaplos ang buhok ng bunsong kapatid. Arthur: Kapatid ko. Ang aking bunsong kapatid. Nang bumitiw mula sa pagkakayakap kay Arthur si Charlotte ay saka niya napansin ang hipag na si Mildred sa tabi ni Arthur. Tipid na ngumiti si Charlotte kay Mildred. Charlotte: Hello, Mildred. Alanganing ngumiting pabalik si Mildred kay Charlotte. Mildred: Magandang gabi, Charlotte. Tiningnan ni Charlotte ang nakangiting babae sa tabi ni Mildred. Nakaalalay ang mga kamay ni Mildred sa kaliwang bisig ng babaeng nakangiti kay Charlotte. Nakasuot ng salamin ang babae. Arthur: Charlotte, she's my daughter. Stephanie Guerrero. She's legally blind. Agad na napalingon si Charlotte kay Arthur na parang nagtatanong ang kanyang mga mata. Marahang tumango si Arthur at maya-maya ay ngumiti. Arthur: So, where's the birthday celebrant? And where's Papa? Lumamlam ang mga mata ni Arthur nang mabanggit ang ama. Biglang nag-alangan si Charlotte kung sasabihin ba kay Arthur ang nangyari sa kanilang ama kanina. Arthur: Charlotte? Para pang nagulat si Charlotte nang marinig ang tinig ng boses ng kanyang Kuya Arthur. Charlotte: Ku-Kuya, hi-hinimatay si Papa kanina. Biglang nanlaki ang mga mata ni Arthur pagkatapos marinig ang sinabi ni Charlotte. Arthur: Oh, god. ---------- Dahan-dahang iminulat ni Sebastian ang kanyang mga mata. Nakahiga si Sebastian sa kanyang kama sa loob ng master's bedroom. Iginala niya ang kanyang paningin sa buong kwarto. Nakita ni Sebastian ang apong si Jomari na nakamasid sa labas ng malaking bintana ng kanyang kwarto. Mukhang may sinisipat ito sa labas. Sebastian: Jomari, apo, ano ang ginagawa mo riyan sa tabi ng bintana? Tila hindi narinig ni Jomari ang sinabi ng Lolo Sebastian nito rahil tutok na tutok ito sa kung anong tinititigan sa labas ng malaking bintana. Mukhang hindi rin namalayan ni Jomari na gising na si Sebastian na kanina pa nitong binabantayan simula nang himatayin ang matanda. ---------- Parang nabighani si Jomari sa ganda ng babaeng sinisipat niya ngayon sa labas ng malaking bintana ng kwarto ng kanyang Lolo Sebastian. Habang hinihintay ni Jomari na magising ang kanyang Lolo Sebastian mula sa pagpapahinga nito ay nakarinig siya ng humintong sasakyan sa malawak na driveway ng pamilya Guerrero. Tumayo si Jomari mula sa kinauupuan para silipin sa malaking bintana kung sino ang dumating. Nakita ni Jomari na mahigpit na niyakap ng kanyang Tita Charlotte ang lalaking bumaba mula sa kotse. Kumunot ang noo ni Jomari pero nagkakaroon na siya ng hinala kung sino ang lalaki rahil kamukhang-kamukha ng kanyang Lolo Sebastian ang lalaki noong kabataan nito. Sunod na bumaba mula sa loob ng sasakyan ang dalawang babae. Agad na naagaw ang atensyon ni Jomari ng babaeng nakasuot ng salamin. Namangha si Jomari sa kagandahan ng babae lalo na nang ngumiti ito sa kanyang Tita Charlotte. Sa isip ni Jomari ay ito na yata ang pinakamagandang babaeng nasilayan niya sa kanyang buhay. Isa lang ang nasa isip ni Jomari nang mga sandaling iyon. Ang makilala ni Jomari ang magandang babae. ---------- to be continued...
Free reading for new users
Scan code to download app
Facebookexpand_more
  • author-avatar
    Writer
  • chap_listContents
  • likeADD