THIRD PERSON POV
Nasa loob ng kanyang malaking library si Sebastian at pinanonood mula sa malaking bintana ng kwartong iyon ng malaking bahay ang ginagawang pagmamando sa mga tao ng anak na si Elizabeth sa malawak na hardin na pamilya para sa nineteenth birthday ng bunsong anak nitong si Eugenie.
Isa-isa nang nagdadatingan ang mga bisita para sa kaarawan ng apo ni Sebastian na si Eugenie. Pamilya ng mga kaibigan at kaklase nito, mga malalapit na kaibigan ng mga magulang nitong sina Ryan at Elizabeth, mga empleyado ng negosyo ng pamilya Guerrero, mga ilang taong inimbitahan ng mga tito at tita ni Eugenie, at maging ng mga kapatid at mga pinsan nito.
Maging ang press ay hindi kinalimutang imbitahan ni Elizabeth.
Unti-unti nang napupuno ng mga bisita ang malawak na hardin ng Familia Guerrero.
Iniistima ng anak ni Sebastian na si Elizabeth at mister nitong si Ryan ang mga taong nagsisidatingan. Ang iba ay may dala-dalang regalo para kay Eugenie at ang iba ay halatang makikipaghuntahan lamang at makikibalita sa mga bagay-bagay.
Mula pa kanina ay nasa tabi na ni Elizabeth ang event organizer na si Alexis Ricafrente. Aligaga si Elizabeth at lagi itong sinusubukang pakalmahin ni Alexis.
Si Ryan ay nasa tabi lang din ni Elizabeth ngunit sa tuwing nagpapaalam si Alexis kay Elizabeth at sasabihin nitong may aasikasuhin lamang na may kinalaman sa party ay bigla ring nawawala sa tabi ni Elizabeth ang asawa nitong si Ryan.
Sa tuwing umaalis si Ryan sa tabi ni Elizabeth ay sinusundan ito ng tanaw ni Sebastian hanggang sa hindi na niya ito maabot ng tingin. Bigla rin naman itong babalik na inaayos pa ang sarili. At lagi nitong kasunod na bumabalik sa tabi ni Elizabeth ang event organizer na si Alexis.
Napapansin ni Sebastian na sa tuwing hindi nakatingin si Elizabeth ay parang nagkakatinginan pa sina Ryan at Alexis.
Sigurado si Sebastian na may ginagawang kalokohan ang kanyang manugang na si Ryan.
Dati pa man ay hindi na gusto ni Sebastian si Ryan para sa kanyang anak na si Elizabeth. Ngunit anak si Ryan ng isa sa mga kliyente ni Sebastian sa negosyo kaya hindi naging madali para sa kanya na tutulan ang relasyon nito sa kanyang anak.
Magaling bumasa ng tao si Sebastian at sigurado siyang maraming itinatagong baho ang kanyang manugang na si Ryan.
Gustong balaan ni Sebastian ang anak na si Elizabeth tungkol sa pagiging babaero ni Ryan na rati pa naman niyang nababalitaan bago pa man ikasal ang dalawa ngunit hanggang ngayon ay wala siyang makitang patunay na nambababae ito.
Magaling magtago ng dumi ang manugang ni Sebastian.
Ang asawa ni Elizabeth na si Ryan ang dahilan kung bakit hindi ibinigay ni Sebastian sa pangalawang anak na si Elizabeth ang responsibilidad sa kanilang negosyo na iniwan ng kanyang panganay na anak na si Arthur nang makipagtanan ito sa kasintahang si Mildred na asawa na nito ngayon.
Bagkus ay ibinigay ni Sebastian sa pangatlong anak na si Theo ang malaking responsibilidad na iniwan ni Arthur na naging dahilan para makaramdam ng hinanakit si Elizabeth kay Sebastian.
Alam ni Sebastian na magaling si Ryan sa pagmamanipula ng mga tao at kung sakaling ibigay niya kay Elizabeth ang malaking responsibilidad sa negosyo ay baka mauwi sa wala ang lahat ng kanyang mga ipinundar sa loob ng maraming taon kung nandiyan si Ryan para manipulahin ang kanyang anak na si Elizabeth.
Isa pa sa mga iniisip ni Sebastian ngayon ay ang anak na si Arthur.
Makalipas ang maraming taon mula nang lisanin ni Arthur ang mansyon ng Familia Guerrero at makipagtanan kay Mildred ay sinubukang kontakin ni Sebastian ang panganay na anak.
Sa muling pag-uusap nina Sebastian at Arthur ay inimbitahan niya ang anak at ang pamilya nito na pumunta sa nineteenth birthday party ng apong si Eugenie at pinababalik na rin niya ito kasama ang pamilya nito sa mansyon ng Familia Guerrero.
At ngayong araw malalaman kung babalik ang panganay na anak ni Sebastian sa malaking bahay ng Familia Guerrero o hindi.
Naputol ang pagmumuni-muni ni Sebastian nang marinig na may kumakatok sa pintuan ng library.
Lumingon si Sebastian sa direksyon ng pinto at nakitang sumungaw roon ang bunsong anak na si Charlotte.
Ngumiti muna si Charlotte sa ama nitong si Sebastian bago niluwangan ang pagkakabukas ng pinto at pumasok sa loob ng library. Marahan nitong isinara ang pinto.
Charlotte: Hindi ka pa ba bababa, Papa? Marami na ang naghahanap sa iyo sa mga bisita. Mukhang mas marami pang naghahanap sa iyo kaysa kay Eugenie.
Marahang tumawa si Charlotte at kinuha mula sa kamay ng ama ang kopita ng alak at inilapag sa ibabaw ng wooden table.
Charlotte: Hindi pa nagsisimula ang party pero nagpapakalasing ka na.
Muling tumawa ng mahina si Charlotte at ngumiti naman si Sebastian.
Sebastian: Well, you're here to take care of me.
Umakbay si Sebastian sa anak na si Charlotte.
Charlotte: Naku, Papa, ah. Masyado na kayong nag-e-enjoy sa aking pag-aalaga sa inyo. Baka nakakalimutan po ninyo na may pamilya rin ako?
Sabay na tumawa ang mag-amang Sebastian at Charlotte.
Sebastian: Naku, hija. Malaki ang aking pasasalamat na lagi kang nariyan para hindi tuluyang masira ang pamilyang ito. Lagi kang nakaalalay sa lahat kaya naman, Charlotte, maraming, maraming salamat.
Bigla namang nangilid ang mga luha sa mga mata ni Charlotte.
Charlotte: Pinapaluha mo naman ako, Papa. Remember that I'm not the birthday celebrant.
Tumawa ng marahan si Sebastian.
Nakaakbay pa rin si Sebastian kay Charlotte hanggang sa makalabas silang dalawa mula sa loob ng library. Nagulat pa sila nang makitang lumabas mula sa kwarto ni Edward si Helena.
Sebastian: O, Helena. Anong ginawa mo sa loob ng kwarto ni Edward?
Namula si Helena pero pinilit na ikalma ang sarili.
Helena: Uhm, I was looking for Amethyst, Papa. Nagbaka-sakali lang ako na baka nasa loob siya ng kwarto ng kanyang pinsang si Edward.
Kumunot ang noo ni Sebastian nang ilang sandali ngunit maya-maya ay tumango rin.
Sebastian: Parang hindi mo naman kilala si Amethyst, Helena. Bigla-bigla na lang nawawala at bigla-bigla ring sumusulpot ang anak mong iyon.
Tumawa pa si Sebastian matapos sabihin iyon na pilit namang sinabayan ni Helena.
Helena: You had a point there, Papa. O siya, I'll go downstairs. Baka nasa ibaba lang ang aking anak?
Tumango si Sebastian kay Helena at ngumiti naman si Charlotte sa hipag bago nila pinanood ang pagbaba ni Helena sa grand staircase ng malaking bahay.
Nang mawala sa paningin ni Sebastian ang manugang na si Helena ay bigla niyang nilingon ang anak na si Charlotte.
Sebastian: Had you noticed Helena's face? Mukha siyang kinakabahan.
Ngumiti lang si Charlotte at nagkibit-balikat.
Charlotte: Oh, well. At least she didn't stutter. Don't think too much of it, Papa. Let's go.
Inalalayan ni Charlotte sa pagbaba ng grand staircase si Sebastian.
Pagbaba nila ng grand staircase ay nakasalubong nila si Theo. Pinagpapawisan ito.
Sebastian: Is there something wrong, Theo?
Parang bigla namang natauhan si Theo at mabilis na umiling sa harapan nina Sebastian at Charlotte.
Theo: No-nothing, Papa. Mag-magbibihis lang ako sa itaas. Ma-malapit nang magsimula ang party.
Kunot ang noong pinagmasdan ni Sebastian ang anak na si Theo habang nagmamadali itong umakyat ng grand staircase.
Si Charlotte ay may ibang iniisip. Hindi iyon ang unang beses na nakita nito ang kapatid na si Theo na parang kinakabahan.
Nang palabas na ng malaking main entrance door sina Sebastian at Charlotte ay may napansin si Charlotte na isang babae na palabas ng backdoor ng malaking bahay. Kumunot ang noo nito.
Sebastian: Charlotte?
Biglang nagulat si Charlotte nang marinig ang tinig ng boses ni Sebastian.
Pagkalingon ni Charlotte kay Sebastian ay nakita nitong nakakunot ang noo ng ama.
Charlotte: No-nothing, Papa. I-I just thought I saw someone over there.
Inginuso ni Charlotte ang direksyon ng backdoor.
Tumawa si Sebastian at umiling.
Sebastian: Hindi mo na ako kailangang alalayan, Charlotte. Sige na. Hanapin mo na sina Oscar at Louise. Take this opportunity to have fun with your own family.
Nag-pout si Charlotte kay Sebastian.
Charlotte: You're a family, Papa. Come on.
Malakas na tumawa si Sebastian.
Sebastian: I know, hija. But you know what I mean.
Ngumiti si Charlotte at tumango kay Sebastian.
Charlotte: Okay, Papa. If you need anything, you know where to find me.
Ngumiti si Sebastian at nauna nang lumabas ng main entrance door.
Pagkasara ng main entrance door ay muling nilingon ni Charlotte ang backdoor. Bumuntung-hininga ito at umiling.
----------
Nagkasabay na bumaba ng grand staircase ang magkapatid na Jomari at Edward.
Jomari: Woah! Looking good, big brother!
Pinuri ni Jomari ang kapatid sa suot nitong three-piece suit.
Ngumisi si Edward sa kapatid at nag-flex pa ng kaliwang braso.
Edward: Cause I had a good workout earlier.
Tumaas-baba pa ang mga kilay ni Edward sa kapatid na si Jomari.
Umasim ang mukha ni Jomari.
Jomari: Ewww, bro! That's too much information. Your brother doesn't need to know that.
Tumawa lang si Edward at maya-maya ay nakasalubong nila sa ibaba ng grand staircase ang pinsan nilang si Amethyst.
Edward: What the heck, Amethyst? Balak mo bang agawan ng atensyon ang aming kapatid sa sarili niyang party?
Nakatitig sina Jomari at Edward sa suot na dress ni Amethyst na halos lumabas na ang kaluluwa nito.
Jomari: Does Tita Helena approve of this, Amethyst? I'm sorry but we're not letting you to wear that dress in front of many people. Bigyan mo naman ng kahihiyan ang pamilya natin.
Tumaas lang ang kilay ni Amethyst kina Jomari at Edward.
Amethyst: Let me remind you that I can wear anything I want, cousins. Mind your own ugly business.
Biglang dinuro ni Amethyst si Jomari.
Amethyst: You, Jomari, should look for your girlfriend and protect her from all costs cause I'm pretty sure Tita Elizabeth doesn't approve of her presence here tonight.
Sunod namang dinuro ni Amethyst si Edward.
Amethyst: While you, Edward, should start worrying how to keep that small Edward in your pants seeing that all of your exes are included in the guests list.
Umirap pa si Amethyst kina Jomari at Edward bago nag-hair flip at naglakad na palabas ng main entrance door.
Napailing na lamang si Jomari habang si Edward naman ay kumuyom ang mga palad.
Natatawang nilingon ni Jomari si Edward at tiningnan ang harapan ng suot na pantalon ng kapatid.
Jomari: Did Amethyst say little Edward?
Nang tingnan ni Jomari ang mukha ni Edward ay namumula ito at halos umusok ang ilong.
Edward: Shut up!
Nagulat si Jomari sa pagsigaw ni Edward at natatawang humakbang palayo rito at naglakad palabas ng main entrance door.
Bumulong si Edward sa hangin na halatang inis na inis pa rin.
Edward: Well, your Mom has a different opinion, Amethyst.
Maya-maya ay biglang ngumisi si Edward nang maalala ang ginawa ng ina ni Amethyst na si Helena sa loob ng kwarto nito kanina.
----------
So far ay masaya naman ang mga bisita sa nineteenth birthday party ni Eugenie. Kahit naman ang kanyang buong pamilya ay masaya rin.
Masaya rin naman sana si Eugenie kung hindi niya lang nakikitang pilit na inaagaw ng kanyang pinsang si Amethyst ang atensyon mula sa kanya.
Halos maglaway ang lahat ng mga lalaking bisita sa ayos ni Amethyst ngayong gabi. Halos wala na itong tinakpan sa suot nitong dress.
At natatabunan ng inis ni Eugenie kay Amethyst ang dapat sana ay magandang mood niya ngayon.
Nabigla si Eugenie nang may maramdaman siyang presensya sa kanyang likuran. Nang lingunin niya iyon ay nagulat siya nang makita ang asawa ng kanyang Tita Charlotte, si Oscar.
Oscar: Having fun?
Pabulong lang na sinabi iyon ni Oscar sa kaliwang tainga ni Eugenie.
Biglang nawala ang lahat ng inis sa sistema ni Eugenie nang maramdaman ang mainit na hininga ni Oscar na humaplos sa kanyang tainga.
Eugenie: Wh-what's your gift for me, Tito Oscar?
Narinig ni Eugenie na malalim na tumawa si Oscar.
Oscar: You have to earn it, Eugenie.
Pagkatapos sabihin iyon ay mabilis na hinampas ni Oscar ang kaliwang pisngi ng pang-upo ni Eugenie bago nito iniwan ang birthday celebrant.
Malakas na napatili si Eugenie. Mabilis na gumala ang kanyang paningin sa buong paligid. Mabuti na lamang at walang nakatingin sa direksyon kung saan siya nakatayo ngayon.
Iyon ang unang beses na ginawa ni Oscar ang bagay na iyon kay Eugenie at para sa kanya ay iyon na ang regalo ni Oscar para sa kanya.
"Having fun?"
Nanlaki ang mga mata ni Eugenie nang malingunan ang pinsang si Louise.
Kinabahan si Eugenie. Iniisip kung nakita ba ni Louise ang ama nitong si Oscar na hinampas ang kanyang pang-upo.
Hindi sumagot si Eugenie.
Louise: This party is full of fun, Eugenie.
Matiim na tumitig si Louise kay Eugenie.
Louise: But you know what they say, kapag masyadong masaya, mabilis ding napapalitan ng lungkot. And parties always have surprises.
Parang kinabahan si Eugenie sa sinabing iyon ni Louise, kahit na nga ba sanay na sila sa kung anu-anong mga sinasabi nito.
Eugenie: Alam mo, you're so weir---
Hindi na natapos ni Eugenie ang sasabihin dahil biglang naagaw ang kanilang atensyon ng babaeng nagsisisigaw at tumatakbo palapit sa lugar kung saan idinaraos ang kanyang party.
Ang babae ay hinahabol ng mga security guard ng mansyon ng Familia Guerrero.
Babae: Iharap ninyo sa akin si Sebastian Guerrero!
Nahawakan na sa magkabilang braso ng mga security guard ang babae ngunit nagpupumiglas ito.
Babae: Bitiwan ninyo ako! Nandito ako para sa aking amang si Sebastian Guerrero! Ako si Anastasia, ang anak niya sa labas!
Maririnig ang sunud-sunod na pagsinghap at pagbubulungan ng mga bisita. Makikita rin ang pag-flash ng mga camera mula sa inimbitahang press ng ina ni Eugenie na si Elizabeth.
Nakatutok ang lahat ng mga mata ng mga taong naroon sa babaeng nagpakilalang Anastasia.
Napatingin si Eugenie sa direksyon ng kanyang Lolo Sebastian at nagulat siya nang bigla na lang itong himatayin.
Eugenie: Lolo!
----------
Nagmamadaling tumawag si Jomari sa pinakamalapit na hospital. Nag-aalala siya para sa kanyang Lolo Sebastian.
Muling tumingin si Jomari sa babaeng nanggulo sa party ng kanyang kapatid.
Parang pamilyar kay Jomari ang mukha ng babaeng nagpakilalang Anastasia.
Sino nga ba si Anastasia?
Bakit sinasabi nitong anak ito sa labas ng Lolo Sebastian ni Jomari?
Sa pagdating ni Anastasia, ano ang mangyayari sa buhay ni Jomari at ng lahat ng miyembro ng Familia Guerrero?
----------
to be continued...