CHAPTER 24 Cassy's POV MULI akong pumasok sa clinic dahil hindi nga ako nakapang-disguise. Pagpasok ko ay kaagad kong kinuha ang facemask ko at sunglass pagkuwan ay lumabas para habulin si Dylan ngunit bigo ko na siyang nahanap. "Sayang naman hindi niya makikita si Nanay Tanya na may hearing aid na," malungkot kong wika sa sarili kaya pumasok muli ako sa clinic. "Ano po hinahanap mo sa labas, Miss Cassy?" tanong ng staff sa akin pagbalik ko. "Ha? Ah! Kasi yung order ko," palusot kobg wika sa kaniya at di kalunan ay biglang narinig ko ang pamiliar na boses lalaki. "Delivery po para sa pinakamandang babae dito," wika niya kaya napalingon ako at ngiting nanlaki ang mata ko nang makita ang dala niyang tatlong box ng bibingka. Lumapit ako sa kaniya para kunin iyon. "Wow! Salamat po kuya