CHAPTER 25 3rd Person POV "We couldn't find Sir Dylan here in our country, Chairman," ani ng secretary ni Steve Almodovar. Napahawak sa baba ang ama ni Dylan dahil nilibot na nila ang buong America para hanapin ang nawawala niyang anak. Nakipagtulungan na rin siya sa mga FBI at mga private detectives sa operation ngunit bigo nilang mahanap iyon. Nagmadaling tumakbo ang isang private detective papasok ng opisina ni Steve. "Sir! We found the trace and we know where Sir Dylan right now!" Napadilat ng mata si Steve nang marinig iyon kaya napatayo siya sa kaniyang swiveling chair at hinarap ang private detective. "Malaki ang binabayad ko sa'yo, Henry. So, tell me now where he is!" galit na tonong wika niya sa private detective. Nanginginig sa takot si Henry nang marinig niya ang sigaw