CHAPTER 23 CASSY’S POV “MISS CASSY! Kain na tayo!” sigaw ni Nanay Tanya para sa breakfast ngunit hindi ako lumabas ng kuwarto dahil ayokong makita si Dylan. Ilang sandali lang ay biglang may kumatok sa pinto ko. “Hija, samahan mo ako kumain. ‘Wag kang mag-alala dahil wala na si Dylan dito umalis na,” muling wika ni Nanay Tanya kaya napadilat ako ng mata dahil sa sinabi niya. Paano niya nalaman na iniiwasan ko si Dylan? “Narinig ko sagutan niyo kagabi. Pero h’wag ka mag-alala, hindi ko narinig nang buo.” Mabilis kong binuksan ang pinto at hinarap ko siya. “Nanay Tanya,” aniko nang hagkan ko siya. “Ano bang nangyayari sa inyong dalawa?” bahagyang sigaw niya sa akin dahil nga may hearing disfunction siya. Humiwalay ako ng yakap sa kaniya at muling nagsalita. “Day off ko po