CHAPTER 22 CASSY’S POV “GOOD MORNING PILIPINAS! I’m Emma ang host ng SHOWBIZ NGAYON. Alam kong excited na kayong makasama natin ang dalawa dahil obvious naman sa dami ng fans na dumalo para lang sa episode na ito. Kaya wag na nating patagalan pa! Let’s welcome our guest for this day—yung couple na kinaadikan ng lahat wala nang iba kundi ang CasYlan couple!” Halos mabingi ako nang marinig ang mga tilian at sigawan ng mga fans sa loob habang naglalakad kami ni Dylan papunta sa show. Ilang sandali lang ay biglang hinawakan ni Dylan ang kamay ko nang malapit na kaming umupo. “Cassy! Dylan! Waaa! Mahal ko kayo!” sigaw ng isang fan no’ng nakatayo na kami malapit sa sofa kaya mabilis kong ginala ang paningin ko at napangiti nang makita ko siya winawagayway ang banner habang nagsisisigaw. Hi