CHAPTER 21 CASSY’S POV AALIS NA sana ako nang bigla akong nagulat sa sigaw ni Nanay Tanya. Hindi ko naman masisisi siya dahil may sakit siya sa padinig. “Hija! Yung baon niyo ni Dylan, naiwan niyo!” aniya nang lumapit siya sa akin at inabot ang dalawang Tupperware na nakabalot sa supot. Pilit akong ngumiti sa kaniya nang tanggapin ko ang baon namin ni Dylan. I don’t usually bring baon sa work kasi kadalasan nagpupunta ako ng cafeteria or restaurant na malapit sa The Most pag lunch time. “Salamat po, Nay!” wika ko sa kaniya pagkuwan ay may biglang pumasok sa isip ko kaya muli akong nagsalita. “Labas tayo mamaya, Nay!” muli kong sabi sa kaniya. “Ha? Saan?" “Basta! Ako bahala sa’yo, Nay. Oh siya sige po, alis na ako,” paalam ko sa kaniya. “Mag-iingat kayo ni Dylan,” ngiting habilin