CHAPTER 9 CASSY’S POV TULALA akong nakaupo sa couch habang si Charlene naman ay naglagay ng tubig sa lamesa. “Uminom ka muna at baka sumabog pa ‘yang ulo mo dahil sa init,” ani Charlene saka tinabihan niya ako. “Ano ba naman kasi pumasok sa utak mo kung bakit nagpa-press conference ka?” tanong niya sa akin. “Eh anong magagawa ko? Si Miss Vivian na nag-set no’n. Sigurado akong galit na galit ang matandang iyon sa akin. Hindi ko nga sinasagot mga tawag niya eh.” Napatingin kami bigla sa cellphone ko at dahil sa incoming call ni Miss Vivian pagkuwan ay lumitaw sa screen ang sixteen missed calls nito. “Bakit ayaw mong sagutin ang tawag ng manager mo?” Humarap ako sa kaniya at naiiyak nang tingnan ko siya. “Sigurado akong pagagalitan ako ni Miss Vivian,” maluha-luha kong tugon sa kaniya