CHAPTER 10 CASSY’S POV “AH, excuse me lang ah? Kausapin ko lang kaibigan ko,” ani Charlene saka pinasok niya ako sa unit pagkuwan ay hinarap niya ako. Nakita ko ang pagdilat ng kaniyang mga mata sa gulat saka siya nagsalita. “Ano? Magkatabi kayo ng unit?” gulat na tanong ni Charlene sa akin. Lumunok ako ng laway dahil natatakot ako na baka pagalitan niya ako at sabihin na ang landi-landi kong tao. “Oo, Charlene. W-Wala na kasi kami mahanap na medyo malapit na condo unit sa akin. Fully booked na raw kasi kaya no’ng nag-move out na yung tenant sa tabi ko, kinuha ko na yung unit at baka maagaw pa ng iba,” salaysay ko sa kaniya. Hindi ko alam kung ano magiging reaksyon ko sa sunod na ginawa niya dahil tinawanan niya lang ako na may halong panggigigil. Pinisil niya braso ko at saka kili