CHAPTER 8 CASSY’S POV “Ready na po, Miss Taleon,” ani ng isang staff kaya umakyat na ako at humarap sa mga media. Hindi pa ako nakapagsalita ay biglang bumungad sa akin ang mga kumikinang na camera. Ngumiti ako at inangat ang kamay senyales para huminto sila. “Uhm...welcome sa pagdating niyo,” ngiting wika ko sa kanila saka muling nagsalita. “Alam ko marami sa inyo ay naguguluhan o nagtataka kung bakit bigla na lang umusbong ang gano’ng isyu. I am here to clarify things. And yes, totoong nagpakasal ako." Narinig ko ang paghigit ng hininga at gulat na reaksyon nila dahil sa sinabi ko. Nakita ko ang biglang pagtaas ng kamay ng isang reporter kaya kaagad akong tumango at nilahad ang kamay. “Question po, Miss Taleon. Kailangan po kayo nagpakasal?” Ngumiti ako at inisip ang mga sasabihi