CHAPTER 11 CASSY’S POV MAHINAY na nilagyan ko ng ointment ang sugat niya sa pisngi dahil sa nangyari kanina. “A-Aray!” sigaw niya nang nilagay ko iyon. “Steady still kasi,” reklamo ko dahil lumalayo siya kapag malapit ko nang ilagay ang ointment. Kinalkal ko ang laman ng emergency kit ko ngunit wala akong mahanap na band aid kaya tumayo ako dahil naalala kong may band aid ako sa bag ko. “Wait, punta lang ako sa kuwarto,” paalam ko sa kaniya kaya nagmadali akong pumunta do’n para kunin ang band aid. Pagbalik ko ay nakita ko siyang ngumingiti sa akin. “Why are you smiling?” kunot-noo kong tanong sa kaniya. Marahan siyang tumawa, yung nakakatunaw na tawa ala-Sam Milby. Jusko! Yung puso ko! “You’re such a kind and warm person. Thank you, Miss Cassy,” ngiting tugon niya sa akin kaya b