CHAPTER 20 CASSY’S POV “THANK you, Miss Cassy. Hindi ko talaga alam ano gagawin ko para makumbinsi kita, mabuti na lang mabait ka,” nahihiyang pasalamat ni Marian sa akin pagkuwan ay inabot ko ang termination contract sa kanila. “So, I only have two days para ilipat ang mga gamit ko?” tanong ko sa kaniya saka tumango siya. “Yes po, Miss Cassy.” Napabuntong hininga ako nang tumayo ako para lisanin ang kuwarto. “Thank you so much again, Miss Cassy,” aniya nang inunat ang braso sa akin kaya hindi na ako nag-atubiling kamayan siya. “You’re welcome,” ngiting pilit kong tugon sa kaniya. “I have to go now,” dagdag kong wika saka umalis ng kuwarto. Habang naglalakad ako pabalik ng unit ay biglang lumalim ang iniisip ko dahil hindi ko alam kung anong planong gagawin ko para makalipat sina