CHAPTER 7 CASSY’S POV NAGLAKAD kami ni Dylan palayo ng restaurant at napahinto kami pagdating namin sa kotse ko pagkuwan hinarap ko siya. “Sandali. Paano mo nalaman na may nangyayari sa labas?” tanong ko sa kaniya. “Narinig ko sinabi ng waitress kanina no’ng pumasok siya sa dining room kaya mabilis akong lumabas,” tugon niya sa akin. “At saan mo naman nahanap ‘tong singsing na to?” pinakita ko sa kaniya singsing ko sa daliri kasi hindi ako makapaniwalang may dala siyang diamond ring. Nang marinig niya tanong ko ay bigla siyang natawa kaya napakunot-noo ako no’ng ginawa niya iyon. “H’wag kang mag-alala peke ‘yan. Binili ko lang ‘yan sa kanto kanina dahil naisip kong mag-propose sa’yo kanina pagkatapos natin kumain. Naisip ko kasi na kailangan natin ng wedding ring para hindi tayo map