[Chapter 2]
HINDI KO mapigilang hindi magtaka sa mga sinabi sa akin ni Throne. Nakayuko pa rin siya sa akin na para bang may hinihintay na sasabihin ko.
"Ano bang pinagsasasabi mo? Hindi ba ito ang langit? Anong Avellor?" Umupo ako para magka-lebel ang aming mukha.
Pero kaagad akong napaiwas ng tingin nang halos malunod ako sa kanyang asul na mga mata.
"If you won't mind, may I stand up?" Naroon pa rin ang kasungitan sa boses niya kahit na magalang ang pagkakatanong niya.
"Sige, tumayo ka na." Nang makatayo siya ay muli na naman niya akong pinagmasdan.
"May dumi ba ako sa mukha? Itnuro ko ang pisngi ko pagkatapos ay pasimple itong pinunasan.
Umismid lang siya bago lumapit sa akin.
Napaatras naman ako habang hinaharang ang aking kamay sa tapat niya. "Huwag kang lalapit sa akin!"
"Hoy sinabing huwag kang lalapit!" Napakunot ang noo niya bago niya akong tinignan ng masama.
"Go with me. You are not safe here anymore," malamig nitong saad bago humakbang palapit sa akin.
"Sinabing huwag kang lalapit!"
Nakita ko ang panlalaki ng kanyang mga mata. Mukhang hindi niya inaasahang sisigaw ako ng ganoon. Pero saglit lang iyon, kaagad siyang kumilos at bigla akong niyakap nang mahigpit.
Ako naman ngayon ang nanlaki ang mga mata. Napatingin ako sa kanyang mukha. Sobrang lapit namin. Ang labi niya, mukhang malambot.
Natigilan ako nang biglang bumaba ang tingin niya sa akin at minura ako.
"f**k! Bakit kasi ang tigas ng ulo mo!" Mabilis niya akong kinarga na parang sako. At doon, nakita ko ang isang nilalang na nadurog. Isang kalansay ng tao na may pakpak ng paniki. Unti-unti na itong nabubuong muli.
"Oh my! Nabubuo na naman ang halimaw!" Ilang beses na nagmura ang lalaki bago niya ako ibinaba.
Binalingan niya ang halimaw at nakita ko kung paano umilaw ang kanyang magkabilang kamay. Naglabas ito ng asul na usok at maya-maya ay nagliyab ito.
Nanlaki ang aking mga mata sa aking nasaksihan. Una ay isang kalansay na may pakpak ang nagpakita. Tapos ngayon ay isang lalaking guwapo na nagliliyab ang kamay?
Woah, don't tell na nasa isang magical world ako kung saan nag-e-exist ang mga mythical creature at mga elemental wielders? I mean iyong mga taong kayang gamitin ang elemento ng kalikasan?
Is this real? Sa libro ko lang ito nababasa. At minsan ko nang pinangarap na makapunta sa ganitong klaseng lugar! Dahil naisip ko kasi na ito ang magiging sagot para matakasan ko ang masalimuot kong buhay. Pero kung totoo ngang nasa ibang mundo ako—kahit na palagi akong inaapi sa mundo namin—babalik pa rin ako roon dahil doon ako nagmula at doon ako mawawala.
Napatingin ako kay Throne na ngayon ay mabilis ang bawat paggalaw habang nilalabanan ang halimaw na paulit-ulit na nabubuong muli.
"That's it!" Itinaas niya ang kanyang nagliliyab na kamay. Ang asul niyang apoy ay biglang tumigas hanggang sa maging espada ito. Woah!
Mataas siyang tumalon sa ere kasabay ng pagbuwelo niya. At kasabay ng kanyang paglapag sa sahig ay ang pagkawasak ng katawan ng halimaw. Nabalot ang mga ito ng kanyang apoy.
Tumalikod na siya at pumunta palapit sa akin. Kitang-kita ko kung paano nawala ang apoy sa kanyang mga kamay. Akala ko tapos na ang halimaw, ngunit nabigla ako nang makitang gumagalaw itong muli hanggang sa mabuo na naman ito.
Mabilis akong tumakbo. Nakita ko pa ang pagkagulat ni Throne nang tumakbo ako. Hinarangan ko ang halimaw nang nakapikit ang mga mata.
Hinintay kong atakihin ako nito pero ilang segundo na ang lumilipas ay hindi ko man lang naramdaman 'ni kalabit niya. Pagkamulat ko ay wala na akong nakitang halimaw.
"Nasaan na?" Nilingon ko si Throne at hinintay siya na magpaliwanag. Pero wala akong nakuhang explanation.
"Paano siya nawala? Paano mo siya napatay? Hindi ba nabubuo siyang muli?"
Umiling lang siya bago muling lumapit sa akin. Seryoso niya akong pinagmasdan. "Ikaw na nga ang napiling baging haligi ng Avellor."
"Teka, kanina pa 'yang Haligi at Avellor na iyan, ha. Puwede bang ipaliwanag mo sa akin, ha?" Nameywang ako sa kanyang harapan. Pero mukhang wala siyang balak na magpaliwanag.
Yumuko siya bigla kaya nagulat ako. Bakit ba palagi siyang yumuyuko?
"Mahal na Haligi, sumama po kayo sa akin pabalik sa palasyo. Hindi na ligtas ang lugar na ito para sa 'yo." Nang mag-angat siya ng tingin ay napansin kong sandaling kumislap ang kanyang bughaw na mga mata.
Kasunod no'n ay ang paglabas ng bughaw na apoy sa kanyang katawan hanggang sa maipon ito sa kanyang likod at kinalaunan ay naging isang pares ng nagliliyab na pakpak. Amazing!
"Teka, bakit hindi na safe?"
Sumama ang tingin niya sa akin. "The less you know, the safer you would be."
"Just tell me why!"
"Any moment from now, susugod ang tauhan ni Volrus dito at sinisigurado kong hindi sila magpapakita ng awa sa 'yo."
"Hindi ako naniniwala!"
"Huwag nang matigas ang ulo. Come with me. I'll bring you to the palace. We will keep you safe there!" Mabilis siyang lumapit sa akin at kinarga ako.
Hindi pa man ako nakakapalag ay mabilis siyang tumalon at isinama ako.
"AHHHHHHH!" Napayakap ako sa kanya sa sobrang takot. Ito rin ang naramdaman ko nang mahulog ako sa banging iyon.
Ilang sandali pa ay nawala na ang puwersang hinihila kami pababa. Iminulat ko ang aking mga mata at nakita kong lumilipad na kami kapantay ang mga ulap.
"Nasaan ba talaga ako?"
"Nasa Avellor ka. Nasa ibang dimension ang mundong ito."
"Kung totoo nga 'yan, bakit ako napunta rito?" Hindi na niya nasagot ang tanong ko nang sunod-sunod na pinaulanan kami ng mga palaso.
Pinilit ko talagang tignan kung saan iyon nanggaling. At nanlaki ang aking mga mata nang makitang sa isang barkong lumilipad sa ere! Huwat?!
"I told you." Mas lalong bumilis ang kanyang paglipad, dahilan para mapapikit ako dahil sobrang sakit sa mata ng hangin.
"Bakit?"
Nakahinga ako nang maluwag nang tuluyan na kaming nakalayo sa mga humahabol sa amin.
"Stop asking me. Someone will tell you everything you must know when we get back to the palace."
Hindi na ako muling nagtanong pa at hinayaan ko na lang siyanh dalhin ako sa sinasabi niyang palasyo.
Unti-unti nang bumagal ang kanyang paglipad. At nang mahawi ang ulap ay nagulat ako nang makita ang isang napakagandang lugar. Para itong paraiso. Sa gitna ng mga kabahayan ay naroon nakatayo ang isang palasyong may kabuuang kulay ng puti at ginto. Kumikinang ito sa tuwing nahahalikan ng liwanag na mula sa araw.
"Welcome to the Palace of Avellor." Dahan-dahan kaming bumaba sa harap mismo ng palasyo.
Kaagad na yumuko ang mga nagbabantay doon na nakasuot ng kulay puti at gintong baluti habang may hawak na mga espada.
"Maligayang pagdating sa Avellor, Mahal na Haligi," sabay-sabay na pagbati ng mga ito.
"Let's go." Hinila ako ni Throne papasok. At kung nagandahan na ako sa labas ay mas nagandahan ako nang tuluyan na akong makapasok.
Puti at ginto pa rin ang kabuuan ng kulay ng palasyo. Marmol ang sahig na pinatungan ng pulang carpet. Habang ang mga ilaw naman sa paligid ay naglalabas ng gintong liwanag.
Grabe, hindi ako makapaniwalang napunta ako sa ganitong klaseng mundo.
Pero sandali lang. Totoo ba talaga ang lahat ng ito?
Kinurot ko ang aking sarili upang makasigurado, baka kasi nananaginip lang ako. Pero nang maramdaman kong masakit, napatango na lang ako. Totoo nga. Napaawang ang aking bibig nang makita ko sa aking harapan ang isang literal na hari at reyna nakasuot ng gintong damit.
"Maligayang pagdating, ika-limang haligi." Lumapit sa akin ang Reyna bago bahagyang yumuko sa akin.
"Sandali lang po, hindi ko po alam kung paano ako napunta rito. Maaari ba ninyong ipaliwanag sa akin?" Ngumiti lamang ang hari na nag-uumapaw sa kakisigan at kaguwapuhan.
"Throne, ihatid mo sila sa silid kung saan naghihintay ang apat pang haligi," utos ng Hari sa lalaking nasa tabi ko.
Yumuko ito bilang paggalang. "Masusunod po, Mahal na Hari."
Tinignan niya ako na parang sinasabihang sumunod ako sa kanya. Kaya no'ng nagsimula na siyang maglakad ay sinundan ko siya. Nakalimutan ko tuloy magpaalam sa Hari't Reyna. Well, hindi naman kasi ako sanay.
Tumigil kami sa tapat ng isang napakalaking pinto na kulay puti at ginto. Nilingon ako ni Throne bago niya ito binuksan. "If you will enter this door, you will find the answers you are looking for."
"Salamat."
Pagkatapak ko sa loob ay kaagad na isinarado ni Throne ng pinto. Nilingon ko ang aking likuran ngunit hindi siya sumunod. Huminga ako nang malalim bago nagpatuloy sa paglalakad hanggang sa makarating ako sa isa pang pinto na ang kulay at puti. Pagkabukas ko rito ay bumungad sa akin ang isang malawak na silid.
Iginala ko ang aking mga mata at nakit ko ang limang taong nakaupo sa dalawang magkaharap na puting sofa na kulay ginto ang disenyo. May nakita akong tatlong babae: ang isa ay nakasuot ng mahabang lilang manto, habang ang dalawang babae ay may magkaparehong maalon na itim na buhok. Dumako naman ang tingin ko sa dalawang lalaki, may isang nakasalamin, at iyong isa naman ay nakasimangot at mukhang mainitin ang ulo.
"You are the fifth pillar, right?" Napatingin ako nang marinig ko ang babaeng nakasuot ng kulay abong bestida na sumasayad sa sahig.
Hindi ko alam kung ano ang isasagot ko kung kaya't tumango na lang ako.
"Dahil kompleto na kayong lima, sisimulan ko na ang aking pagpapaliwanag." Tumayo ang babaeng nakasuot ng lilang manto at pumwesto sa gitna. "Umupo ka sa tabi nila, Ika-limang Haligi." Itinuro niya ang kanyang inupuan kanina.
Tumango lang ako bago umupo sa tabi ng babaeng nakasuot ng bughaw na bestida na kagaya ng sa akin ang disenyo.
"Una sa lahat, magpapakilala muna ako. Ako si Zaia Philo, ang babaylan ng Avellor. Marahil ang iba sa inyo ay hindi na nagtataka kung bakit sila naririto dahil matagal nang ipinaliwanag sa inyo ang dahilan." Tumingin siya sa akin bago ngumiti. "May mga Haligi kasing matagal nang dumating dito sa Avellor, at may ngayon pa lang."
"Just get to the point." Napatingin kaming lahat sa lalaking katabi ng nakasalamin. He's mean. Paano niya nagagawang magsungit sa isang maganda at mabait na babaeng nasa harapan namin ngayon?
Hilaw na napangiti ang babaylan bago itinuloy ang kanyang sinasabi. "Kaya kayo narito sa aming mundo ay para tulungan kaming magapi ang nilalang na nagbabalak na sakupin at sirain ang Avellor nang sa ganoon ay siya na ang maghari."
"Excuse me po, bakit pa po kami ang hinihingan ninyo ng tulong? E, nariyan naman kayo na halatang mas may kakayahang gawin iyon." Napatango ako sa sinabi ng lalaking nakasalamin.
"Kung puwede lang sana. Kaso hindi. Ang talisman mismo ang pumili sa inyo. At isa sa mga dahilan kung bakit niya kayo pinili ay dahil sa wala pang bahid ng takot kay Volrus ang inyong mga puso. At isa pa,ang bawat isa sa inyo ay may mabuting kalooban na handang tulungan ang lahat ng nangangailangan."
Napatawa ako sa sinabi niya. Ako? Handang tumulong sa mga nangangailangan? E, sarili ko nga hindi ko matulungan, ang iba pa ba?
"Teka lang, bakit ninyo kami tinatawag na haligi?" tanong ko kung kaya't napatingin sa akin ang lalaking masungit. Narinig ko pa nga siyang tinawag akong 'stupid'.
Hindi ko na lang siya pinansin. Mas kailangan kong malaman kung ano ang purpose ng pagkapunta namin dito at kung paano kami makakabalik.
"Kayo kasi ang magsisilbing pundasyon ng kahariang ito. You will be the pillars of hope, safety, and salvation. You are here to protect us from Volrus. To stop him from conquering, and bringing chaos and darkness to this land."
"So how are we going to return home?" tanong ng babaeng may asul na bestida.
"If you will succeed in stopping Volrus, eradicate fear, hatred, and horror in the whole land of Avellor, bring back the old Avellor—vibrant, happy, and peaceful, you can return to your world. Ang mismong Talisman ang magbabalik sa inyo."
Lahat kami ay napatango maliban sa masungit na lalaki. Nanatili lang siyang nakatingin sa sahig na para bang wala siyang pakialam sa aming pinag-uusapan.
"Sandali lang, isa bang bagay ang Talisman?
Ngumiti ang babaylan bago umiling. "She is the Goddess that guards our land."
"Goddess? Kung siya ang Diyosa ninyo, bakit hindi na lang siya ang prumotekta sa inyo?" tanong ng lalaking nakasuot ng salamin.
"Kung puwede lang sana. Our Goddess was captured by Volrus. Ikinulong siya nito sa kanyang palasyo. The Goddess can not escape from that palace for it was made by the gathered fear, hatred, and agony of the Avellorians. And those emotions weakens the power of our Dear Goddess, Talisman."
"Paano siya nagawang ikulong ni Volrus?" tanong ko.
"I told you already. It was the negative emotions of the Avellorians that weakened the Goddess. That's why she summoned you all. With her remaining power, she summoned the five pillars that will wield the primary elements and summon the guardians that will kill the monster that Volrus will summon if he's done gathering all the negative emotions he need."
Tumango na lang ako kahit na wala naman talaga akong naiintindihan. Magtatanong na sana akong muli nang may mauna na sa akin.
"And what's with our dresses?" Inangat ng babaeng nakasuot ng asul na bestida ang laylayan ng kanyang suot at ipinakita ito.
Unang tinignan ng babaylan ang babaeng may kulay abong bestida. "That will indicate the element you are capable of wielding. For you, first pillar, that gray dress means that you are the Wielder of Air."
Sunod niyang itinuro ang babaeng may asul na bestida. "That blue dress means that you're the Wielder of Water."
Itinuro naman niya ako. "That white dress means you are the Wielder of Light." So kaya pala ako nakaputi dahil wielder of light ako? Teka ano ba ang kaya kong gawin?
Pagkatapos ay itinuro niya ang suot na kulay berdeng manto ng lalaking nakasalamin. "You are the Wielder of Earth. And you..." Itinuro niya ang lalaking nakasimangot.
"I am the Wielder of Fire," pagpapatuloy niya. Nakakainis talaga ang lalaking ito!
"Paano po namin magagawang gamitin ang aming mga kapangyarihan? May mga gagabay po ba sa amin?" Hindi na nagawang sagutin ng babaylan ang aking tanong nang makarinig kami nang malakas na atungal mula sa labas ng palasyo.
Ano 'yon?!
###