Chapter 3

2191 Words
[Chapter 3] MABILIS KAMING tumakbo palabas ng silid upang makita ang pinagmumulan ng atungal na iyon. Pagkatapos ay pumunta kami sa punong bulwagan ng palasyo. Nakita namin ang mga kawal na buong lakas na kinakalaban ang isang...dragon? Hindi ko mapigilang mamangha at matakot, at the same time. The dragon seems to be the most magical creature anyone would love to see, but now that I already saw it in person, I can really say that it is the scariest and most dangerous mythical creature anyone would avoid. Kasinlaki ito ng dalawang ten-wheelers truck. b****y red is its scales color. Sobrang pula ng mga mata nito at umuusok ang kanyang ilong sa bawat hinga niya. Umatungal itong muli kung kaya't natakpan ko ang aking tainga. Ibinuka nito ang kanyang pakpak at mabilis na lumipad paitaas. Nag-iwan ng malakas na hangin ang pagkampay ng pakpak nito dahilan para sandali kaming mawalan ng focus sa kanya. "We must do something!" rinig kong saad ng babaeng may kulay abong bestida. Nilapitan niya ang babaylan at muling sinabi ang mga salitang binitiwan niya. "Manatili lang kayo sa inyong kinatatayuan, o mas mabuting magsama-sama kayo. Hindi namin maaatim na makitang isa sa inyo ang tatangayin ng dragon na ito!" Mabilis na kumilos ang babaylan. Tinanggal niya ang kanyang suot na manto at bumungad sa amin ang suot niyang puti at gintong baluti. Mula sa kanyang kanang kamay ay nabuo ang isang mahabang setro na may dilaw na bato sa dulo. "Halika rito. Hindi dapat tayo maghiwa-hiwalay." Hinila ako ng babaeng may asul na bestida sa kinaroroonan ng tatlo. At doon, wala kaming nagawa kundi ang pagmasdan silang lahat na kalabanin ang dragon. "Damn." Napalingon ako sa nagmura at nakita ko si Throne na suot pa rin ang kanyang baluti habang unti-unting lumalabas ang asul na usok sa kanyang katawan. "Throne," tawag ko rito pero hindi siya lumingon. Nasa dragon lang ang kanyang atensyon. Nabaling ang atensyon ko nang maramdaman ko ang bahagyang pangangatog ng babaeng may kulay abong bestida. Kahit na hindi kami magkakilala, ramdam ko ang kabaitan niya kung kaya't hinawakan ko ang kanyang kamay. "Huwag kang matakot. Matatalo nila 'yan." Nginitian ko siya nang sa ganoon ay mabawasan nang kaonti ang kanyang takot. Hinigpitan niya ang hawak niya sa kamay ko bago ngumiti. "Salamat..." "Sierra, Sierra Trinidad ang pangalan ko." "Salamat, Sierra. Ako naman si Sonja Villamor." Nginitian ko lang siya bago ko muling itinuon ang atensyon ko sa dragon. Nakita ko ang ilang mga kawal na nahihirapan nang tumayo dahil sa mga pinsalang natamo nila. Ang ilan nga sa kanila ay nayupi ang suot na baluti. Dumako ang aking tingin sa babaylan na ngayon ay itinataas ang kanyang setro kasabay ng pagbanggit ng mga hindi ko maintindihan na salita. Unti-unting umilaw ang dilaw na bato ng kanyang setro kung kaya't nakuha niya ang atensyon ng dragon. Susugurin na sana siya nito nang biglang humarang si Throne. Pinagsakop niya ang kanyang dalawang kamay kasabay ng paglabas ng malakas na apoy sa kanyang katawan. Walang pagdadalawang isip niyang sinugod ang dragon. Gamit ang kanyang nagliliyab na kanang kamay ay sinuntok niya ang mukha nito dahilan para umatungal ito nang pagkalakas-lakas. Hindi pa roon natigil ang pag-atake ng lalaki. Gamit ang kaliwang kamay niya ay hinawakan niya ang tainga ng dragon at bumwelo paitaas. Nang nasa himpapawid na siya ay itinaas niya ang kanyang dalawang kamay at mabilis na bumuo ng bola ng asul na apoy. Buong puwersa niya itong ibinato sa ulo ng dragon. Umatungal sa sakit ang nilalang at mas lalo itong nagwala. Naging malikot ang buntot nito na nasagi pa ang ilang mga kawal. Muli kong tinignan ang babaylan at nakitang naglalabas ng dilaw na usok ang kanyang setro. Ang mga usok na iyon ay naglalabas naman ng mga hibla ng kidlat. Itinutok niya ito sa dragon. "Maling sumugod ka rito, halimaw!" Kasabay ng kanyang pagsigaw ay ang pagbulusok ng malakas na kidlat mula sa setro papunta sa dragon. Ngunit ang akala kong matatamaan ang dragon ay hindi nangyari nang bigla itong bumuga ng asul na apoy na sinalubong ang kapangyarihan ng babaylan. Kaya pala hindi gaanong gumagamit ng kapangyarihan si Throne. Iyon pala ang dahilan. Nakita kong pumunta sa aming gawi si Throne. Hingal na hingal ito at tumatagaktak ang pawis sa kanyang buong mukha. "Help us. Hindi ako makakalaban ngayon dahil pareho kami ng elementong ginagamit ng dragon." "Wala na bang ibang may kapangyarihan? I mean iyong puwedeng kumalaban sa kanya maliban sa amin?" tanong ko dahil duda ako sa kakayahan namin. 'Ni hindi ko pa nga alam kung paano ito palabasin, e. "Wala na. Tanging ako lang at ang babaylan ang mayroong kapangyarihan. Marami sana noon kaso sumama na sila sa hukbo ni Volrus." "Anong ibig mong sabihin?" tanong ko sa kanya. "Anim kaming mga biniyayaan ng kapangyarihan ng Talisman. Ngunit ang apat ay sumama na kay Volrus." Napansin kong hindi gusto ni Throne na pag-usapan ang bagay na iyon kaya hindi na ako nagtanong pa. "I'll fight that monster." Lahat kami ay napatingin sa lalaking masungit. "Are you sure, Fourth Pillar?" tanong ni Throne. "Stop calling me Fourth Pillar. Call me Khyzyr, Khyzyr Devera," giit nito. Ang choosy ng lalaking 'to! "Okay, Khyzyr. Aren't you aware that the element you are capable of wielding will have no effect on that dragon?" Hindi na pinansin ni Khyzyr si Throne. Mabilis siyang pumunta sa kinaroroonan ng babaylan na kasalukuyan pa ring nakikipag-tagisan ng lakas laban sa dragon. "Baka mapahamak siya!" nag-aalalang pahayag ng babaeng naka-asul na bestida. "He will be safe, Harley. Don't worry," paninigurado ni Sonja. So Harley pala ang pangalan niya. "Yes he will be. As fas as I know, he already awakened the element of fire and was able to control it, and can even do tricks using it," pagpapaalam ng lalaking nakasalamin. "I am Clifford. Clifford Montenegro," pagpapakilala nito nang mapansing nakatingin ako sa kanya. Ngumiti lang ako bago ibinaling ang aking tingin kay Khyzyr na ngayon ay nakatayo lang habang pinagmamasdan ang dragon na kinakalaban si Zaia. Tinanggal ng lalaki ang suot niyang manto kasabay ng paglabas ng pulang apoy sa kanyang mga kamay. Sumayaw ito sa ere at umikot sa kanyang katawan. Napaawang ang aking bibig dahil sa paghanga sa kanya. Ang bilis naman niyang natuto! Ako rin, parang gusto ko nang matutunang gamitin ang kapangyarihan ko para makatulong na ako. Malungkot akong napangiti. Hanggang dito ay wala pa rin pala akong silbi. "Sierra, look at Khyzyr. He's manipulating the movement of his fire," saad ni Sonja kasabay ng pagturo niya kay Khyzyr na ngayon ay tumatakbo palapit sa dragon. Hindi pa rin nawawala ang pulang apoy na umiikot sa kanyang katawan. At sa bawat hakbang na ginagawa niya ay mas lalo itong lumalakas. "Lumalakas nang lumalakas ang kanyang apoy!" wala sa sariling naibulalas ko. "He's not just using magic, Sierra. He's using science, too. Since the air contains oxygen, and oxygen is one of the main components of fire. Kaya siya tumatakbo nang mabilis ay para lumaki ang apoy na ginagawa niya. He's producing a great amount of fire without exhausting his body." Tumango-tango lang ako sa mga sinabi ni Sonja. Matalino rin pala itong si Khyzyr. "Paano mo nalaman lahat ng 'yan, Sonja?" tanong ko nang hindi man lang tumitingin sa kanya. Nakapokus kasi ang mga mata ko sa gagawin ni Khyzyr. "Since I arrived next to Khyzyr, nagkaroon ako ng time para magtanong-tanong. Unlike him na mas pinagtuunan ng pansin ang paggising ng kanyang kapangyarihan. Napag-alaman ko rin na may limitasyon tayo sa paggamit ng mga kapangyarihan natin. The more we use it, the more it will consume our energy. Kaya hindi ko pa pinag-aaralang gisingin ang kapangyarihan ko ay dahil sa gusto ko pang ihanda ang sarili ko—ang katawan ko." "Nauna pala kayo rito. Sino ang sumunod sa inyo?" "Kayong tatlo. You arrived a week after our arrival. Sabay-sabay kayo. Pero hindi nga lang sabay-sabay na dumating sa palasyo. Sinundo pa kasi kayo isa-isa ni Throne sa mga tower ninyo." "Tower?" "Yes. The place where you found yourself lying. At first, it looks like a palace, iyon din ang naisip ko. But Zaia told me that it was the tower where we will go someday and summon our power and guardians and unite it in the sky to form a magical being that will destroy the monster that Volrus will summon." Mabuti na lang at maraming alam itong si Sonja. Hindi na ako magtatanong pa. Nakita ko kung paano inipon ni Khyzyr ang kanyang apoy sa kanyang dalawang kamay. Tumalon siya sa ere at sabay na inihagis ito. I thought it would just be a simple pair of fireballs, pero hindi. Sumabog ito at naglabas ng malilit ngunit matutulis na fire spikes na bumaon sa pagitan ng kaliskis ng dragon kung nasaan ang balat nito. Umatungal ang dragon sa sakit, dahilan para mawala ang pokus nito sa babaylan. Sinamantala ito ni Zaia. Itinaas niya ang kanyang setro kasabay ng pagtama ng kidlat mula sa kalangitan sa nagwawalang dragon. Sandaling nanghina ang halimaw. Sinamantala ito ng mga kawal at dali-daling kumilos upang hulihin ito. Gamit ang mga kadena at bakal na lambat, nagawa nilang mapigilan ang dragon. Doon na gumalaw si Throne. Mula sa kanyang kaliwang kamay ay namuo ang espadang yari sa asul na apoy. Singbilis ng kisapmata niyang pinadaan ang talim ng espada sa leeg ng dragon kung saan wala itong kaliskis. Mabilis na bumulwak ang dugo nito. Hindi na nakaatungal pa ang dragon nang muli itong gilitan ni Throne. Matapos niyang gawin iyon ay tumalikod siya at hinarap kami. Tila naligo siya ng dugo, pero wala siyang pakialam. Naglakad lang siya hanggang sa makarating siya sa kinaroroonan namin. "That monster is nothing compared to the monster that Volrus will summon. That's why, starting tomorrow, we will start awakening your powers, and then right after that, we will journey to the temples of your guardians." Pinahid niya ang kanyang mukha bago kami isa-isang tinignan sa mata. "The earlier you summon the magical being that will stop Volrus the better. You summon it early, your chance of returning home safe and alive is bigger." Matapos niyang sabihin 'yon ay iniwan na niya kaming lima. Nagkatinginan lang kami nila Sonja, Harley, at Clifford. Narito kami ngayon sa isang malaking silid kung saan sama-sama kaming lima. Hindi mo rin naman mararamdamang masikip ang silid na ito. At hindi rin naman kami mawawalan ng privacy dahil may sari-sarili naman kaming higaan na puwede na ring gawing kwarto dahil sa napakakapal na gintong telang nakapalibot dito. Napatingin ako sa aking kasuotan sa harap ng malaking salamin. Isa itong mahabang puting bestida. Malinis kong inilugay ang aking tuwid na itim na buhok na hanggang baywang. Tumabi sa akin si Sonja na nakasuot ng parehong bestida sa akin, kaso kulay abo lang ang sa kanya. "They say that right after we awaken our power, the color of our hair will change." "Talaga? Kung gano'n nga, bakit hindi nagbago ang buhok ni Khyzyr?" tanong ko habang sinusuklay ang buhok ko. "Anong hindi? Be more observant, Sierra. Matagal nang nagbago ang buhok niya. It was black like us, but if you will look at it carefully, you'll observe that it's dark red. Maybe hindi mo lang napansin kanina dahil madilim." "Hindi ko lang talaga siya bet na pansinin. Ang sungit kasi niya. Daig pa ang may dalaw na nagme-menopause." Napatawa na lang si Sonja sa sinabi ko bago sinuklay ang kanyang maalong buhok na hanggang balikat. Maya-maya ay tumabi sa amin si Harley. Nakasuot naman siya ng mahabang bestida ngunit hapit sa kanyang katawan. May hiwa ito sa bandang legs niya dahilan para ma-expose ang maputi makinis niyang hita't binti. "Ano bang magandang gawin ngayon?" tanong nito bago kami inakbayan ni Sonja. This girl is really friendly. Oo, masasabi ko talaga dahil nginingitian niya lahat at tinatrato nang pantay. At ang tingin niya talaga sa amin ay tropa na niya kahit na wala pang isang araw kaming nagkakasama. "Wala akong alam, e. Magbasa na lang kaya tayo ng libro?" suhestyon ni Sonja at kapwa kami napangiwi ni Harley. "Hindi naman masaya 'yon, e!" tutol ko at sumang-ayon si Harley. "Anong hindi? Masaya kaya 'yon. Nag-enjoy ka na, natuto ka pa," giit ni Sonja. "How about sa garden tayo mamaya? Humingi lang tayo ng permission sa Hari at Reyna. I am sure papayagan nila tayo. At hindi lang tayo papayagan no'n, bibigyan pa tayo nang maraming pagkain! We are their saviour, after all." Napalingon kami ni Harley kay Clifford na nakaupo sa sofa na nasa likuran namin. Kanina pa pala nakikinig ang damuhong ito sa amin. Tsismoso rin 'to, e. Nagkatinginan kami ni Harley at ngumiti. "Sige!" sabay naming sagot. Ngayon lang ako na-excite ng ganito. I never thought that having someone who will treat you as a friend would be this good. This is my first time. And I love it. Lalapit na sana kami kay Clifford nang sabay-sabay kaming mawalan ng lakas. Bumagsak kami sa sahig at napahawak sa aming mga ulo. Napangiwi ako nang marinig ko sa aking isipan ang isang hindi pamilyar na boses ng babae. Nagmamakaawa. Humahagulhol. Humihingi ng tulong. Sino ang babaeng 'yon?! ###
Free reading for new users
Scan code to download app
Facebookexpand_more
  • author-avatar
    Writer
  • chap_listContents
  • likeADD