[Chapter 4]
NAGKATINGINAN kaming lahat nang maka-recover kami. Isa-isa kaming tumayo at inayos ang aming mga kasuotan.
"Did you just hear what I hear?" tanong ni Harley habang inaayos ang kanyang damit.
"Isang babaeng humihingi ng tulong."
"Umiiyak."
"Nagmamakaawa."
Nagkatinginan muli kaming apat. Oo, kaming apat lang dahil hindi naman kumikibo si Khyzyr. Nakatingin lang siya sa amin. Iyong tingin na nabubuwisit.
"Who's that girl? Bakit natin biglaang narinig ang boses niya? Does she has something to say?" sunod-sunod na tanong ni Sonja.
Gustuhin man naming sagutin ang tanong niya ay hindi namin magawa. We are all clueless—confused.
"Hey, guys! Huwag n'yo na iyong isipin. Don't stress yourself. Let's go. Ituloy na lang natin ang plano nating mag-enjoy. I am sure that the King and Queen will give us what we want." Tama si Clifford. Mag-e-enjoy na lang kami instead of stressing ourselves.
"Clifford's right. We have to enjoy this night. Because tomorrow, as far as I know, we sill start training and harnessing our body and mind," Harley seconded.
"Pero ano ang gagawin natin doon?" Sonja asked.
"We can eat there, drink, and have fun. Sulitin na natin ang time. Plus we need to know each other more. Like, we need to share about ourselves, and our lives before we were summoned by the Talisman," Clifford answered.
"Tama si Clifford. Mas mainam kung magkakaroon tayo ng 'getting to know each other' moment," pagsang-ayon ko.
Lahat kami ay napatingin kay Khyzyr na kasalukuyang naka-krus ang kamay habang nakatingin sa malayo.
"How about you, Khy?" Marahas na napatingin sa akin si Khyzyr nang tawagin ko siyang Khy. Nabigla ako roon. Nakaramdam ako ng bahagyang takot.
"Do not call me Khy. Go, have fun, and never bother me." Tumayo siya at iniwan kaming tulala.
"Ang sungit!" Siniko ko si Harley nang sinadya niyang iparinig kay Khyzyr ang mga salitang 'yon.
"Oo nga, e. Ang sungit niya. Sayang ang guwapo pa naman sana," segunda naman ni Sonja.
Tama naman siya. Khyzyr is handasome. He has this messy dark red—close to black hair, soft-expressive eyes and a fair complexion. He's also tall, maybe nasa 5'6 to 5'8 ang height niya.
"How about me?" Napatawa kami nang makitang nagpapa-cute sa amin ni Clifford.
"Hmm, ikaw...you are a hunk with glasses. You are not introvert, so I find it cute. Because most of the nerds are introverted individuals," pahayag ni Sonja.
"Hindi naman ako nerd, e. Medyo malabo lang ang mata ko. Reading eyeglasses lang ito!" Ngumuso si Clifford kung kaya't na-tempt akong kurutin ang pisngi niya. Pero pinigilan ko. Hindi ko kasi alam kung ano ang magiging reaction niya. Ngayon ko pa lang kasi nararanasang makipag-usap sa mga tao na ang tingin sa akin ay kaibigan.
"Tara na nga. Sabay-sabay na tayong pumunta sa silid ng Hari at Reyna," pag-aaya ni Clifford pero kaagad ding napatigil. "Saan nga ang silid nila?"
Nagtawanan kami bago itinuro si Sonja.
"Fine, fine. I'll lead the way. Pasalamat talaga kayo at ayaw kong maiwang mag-isa rito."
Naunang naglakad si Sonja sa amin. Nagtawanan lang kami bago sumunod sa kanya.
Sandali akong natigilan. Isa-isa kong pinagmasdan ang mga kasama ko. Hindi ko maiwasang hindi mapaluha sa saya. Ito ang unang beses na malaya akong nakakatawa at nakikihalubilo sa ibang tao. Walang p*******t. Walang pagpapahiya.
"Oh, Sierra, bakit hindi ka gunagalaw diyan? Natatae ka, 'no?" biro ni Harley.
Umiling lang ako bago pasimpleng pinunasan ang luha ko. "Hindi, a. Hindi pa nga ako kumakain, e."
"Kaya nga halika na. Gutom na rin kasi ako." Hinila nila ako ni Clifford para mahabol namin si Sonja na mabilis na naglalakad.
Huminto kami sa harap ng isang napakalaking pinto. Kulay ginto ito at may mga nakaukit na disenyo.
"Katukin n'yo na!" pagtutulak ko sa kanila.
"Anong kami? Ikaw na, Sierra!" giit naman ni Sonja.
Nagtulakan pa kami pero napatigil din nang biglang bumukas ang pinto at iniluwa nito ang reyna na nakasuot ng puting nightdress na gawa sa silk. Hindi ko maiwasang hindi mapahanga sa angkin niyang ganda.
"Ma-ma-magandang gabi po, Mahal na Reyna!" Napatingin kami kay Clifford na kasalukuyang pulang-pula habang nakatingin sa reyna.
Naiintindihan ko siya. Sobrang hot kasi ng reyna. Sa suot niyang nightdress ay mas lalong nadepina ang bawat kurbang mayroon siya. Litaw na litaw din ang malusog niyang hinaharap. Kapag pumunta siguro ito sa mundo ng mga tao, magiging isa siyang sikat na modelo.
"Magandang gabi rin sa iyo, Clifford. What brought you here, dear Pillars?"
Hindi kami kaagad nakasagot nang makita namin ang hari na naglalakad palapit sa amin. Nakasuot lang siya ng gintong roba, dahilan para makita namin ang matikas at matipuno niyang pangangatawan.
"Anong maipaglilingkod namin sa inyo?" Mas namula ako nang marinig ko ang baritonong boses ng hari.
"We are here to ask something. We want to have fun before we will take things seriously. Siguro hindi n'yo naman ipagkakait sa amin 'yon, 'di ba?" Nabigla kami nang dire-diretsong ihayag ni Sonja ang gusto namin.
Grabe, parang hindi man lang siya nakaramdam ng hiya or pagkaasiwa sa presensya ng Hari at Reyna.
"Oh sure, no worries. Can you tell me the details, lady?" tanong ng Hari kay Sonja.
"We would like to go to the garden of this palace. And I am hoping that you will prepare food and wine for us, if it's okay with you. We also want to have some quality time with each other, it means we would like to go there without any knights. Is that okay?" Napanganga ako sa kung paano makipag-usap si Sonja sa hari. Grabe siya. Saan niya nahugot ang lakas ng loob niya?
"If that's what you want, we will prepare everything. But we can't let you go there alone. I will call Throne and Zaia to accompany you."
"Okay lang po. Sige, salamat. Aalis na kami. Paumanhin sa istorbo."
Tumango lang ang hari at reyna bago tinawag ang isa sa mga kawal na nakabantay sa kanila. "Tell them to prepare everything. I know you have heard what the pillars want."
Tumango lang ang kawal bago mabilis na umalis upang gawin ang ipinag-uutos ng hari.
"Aalis na po kami," pagpapaalam ko at mabilis na hinili si Sonja na sinapian ata ng kaluluwa ng isang namatay na matapang na reyna.
Sumunod naman sa amin sina Harley at Clifford.
"Ano ka ba Sonja, bakit gano'n ka kung makipag-usap sa hari at reyna?" tanong ko nang makalayo na kami.
"Sierra, we have the rights to talk to them like that. We are their heroes. We will save their land. And I think we deserve to be treated the way we wanted to be. We are like fragments of their Goddess. We are the Talisman's summon."
"Sonja has a point, Sierra," segunda ni Harley.
"Tama. Ngayon ko lang din naisip. Kumbaga dapat tratuhin nila tayo nang maayos dahil hiniram lang tayo ng kanilang diyosa upang iligtas ang mundo nila," pag-sang-ayon naman ni Clifford.
"Since sinabi n'yo na dapat tratuhin nila tayo nang mabuti, can we make a request na gawan nila tayo ng damit na kung saan komportable tayo? Because to be honest, I am having a bad time carrying this dress!" reklamo ko na ikinatawa nilang tatlo.
"Do not worry, Sierra. The queen already told the tailors to make us comfty clothes. Maybe it will arrive tomorrow."
"Grabe ka talaga, Sonja!" puri ko sa kanya at umiiling-iling pa.
"Tara na nga sa garden!" hinila na niya kaming dalawa ni Harley at sumunod naman sa amin si Clifford.
"Wow!" naibulalas ko nang makarating kami sa isang magandang hardin.
The whole place was shouting nature. From the colorful flowers that were arranged according to their colors and kinds, to the non-flowering plants, and to the magical fireflies that produces different colors of lights, and to the glowing mushrooms that emits neon lights—perfect.
At the center of the garden was a big tree filled with fireflies. Sa baba nito ay nakalatag ang malaking puting carpet na kung saan ipinatong ang mga pagkain at alak.
Naroon na rin sina Throne at Zaia. They are not wearing armors anymore. Throne is now wearing a simple blue royal suit paired with white pants and black boots; while Zaia is wearing a purple royal dress.
"Join us!" Itinaas ni Zaia ang kopitang may lamang kulay asul na likido.
Ngumiti ako bago ko sila sinamahan. Nasa likuran ko ang tatlo na nakangiti rin habang humahanap ng puwesto.
"Tamang-tama, kanina pa ako gutom!" Dali-daling binanatan ni Harley ang malaking inihaw na ibon na pinalibutan ng lemon at pinritong patatas.
"Ako rin, kakain na ako!" bibong saad ni Clifford at sinabayan si Harley.
Kami naman ni Sonja ay nakatuon ang atensyon sa isang tinapay na may palamang karne. Parang napuno ang aking bibig ng laway. Kusang inabot ng aking kamay ang tinapay na iyon. At nang tuluyan ko itong makagat, napapikit ako sa sarap.
Matapos naming kumain ay nagkaroon kami ng kaonting kuwentuhan habang umiinom ng alak na gawa sa asul na ubas.
"My name is Harley Riego, I am nineteen years old. I am a first year college student. Isa akong aktibong miyembro ng campus journalism. I have a perfect family—supportive parents and two loving brothers."
Muli naming inikot ang bote matapos magpakilala ni Harley. Nakatuon ang mata ko sa umiikot na bote hanggang sa tumapat ito kay Throne. Ako na lang at siya ang hindi pa nakakapagpakilala.
"Throne Morphin. Twenty one."
Napanganga kami sa sobrang haba ng sinabi niya! Grabe. Iyon lang?
Ako pala at si Sonja ang pinakabata sa aming anim ngayon. Clifford Montenegro is twenty, Zaia Philo is twenty, Harley is nineteen, and Throne is twenty one.
"Iyon lang ang sasabihin mo, KUYA Throne?" Napatawa kami nang in-emphasize ni Sonja ang 'Kuya'.
"Tss. Stop calling me Kuya."
"Magkuwento ka pa kasi, KUYA!"
"Tss. Fine. I am Throne Morphin. Existing in this world for more than twenty one years. I grow up with no one by my side. Namulat akong gumagawa ng masama para lang mabuhay. At the age of ten, kinupkop ako ng isang pamilyang mangangalakal, pero akala ko ay aalagaan nila ako, pero hindi. They tried to sell me as a slave, but they did not succeed. Talisman helped me. She gave me power and sent me to the palace to become the leader of the knights. And because of that, I promised to protect the palace and the land of Avellor at all cost, even if it will take my own life."
Sandaling katahimikan ang namayani sa aming lahat. Hanggang sa binasag ito ng mabagal na palakpak ni Clifford at Harley.
"Iba ka, Throne! Lodi!" Sumaludo pa si Clifford matapos kay Throne pagkatapos ay pumalakpak. Ganoon din ang ginawa ni Harley. Mga baliw talaga itong mga ito!
"Now it's your turn, Sierra!" sabik na saad ni Zaia kung kaya't sa akin nakatuon ang atensyon nilang lahat.
Ngumiti bago bago huminga nang malalim. "Hindi gaanong masaya ang buhay ko, kaya baka ma-bored lang kayo. Pero heto na...ang pangalan ko ay Sierra Trinidad, eighteen. Naulila sa murang edad. Tiyo ko ang nagpalaki sa akin ngunit tumakas ako sa puder niya dahil tinangka niya akong gahasain noong akoy labindalawang taong gulang. Namuhay akong mag-isa sa loob ng anim na taon. Namuhay akong inaapi, pinagtatawanan, at pinagsasalitaan nang masama ng mga kaklase ko. I thought my life is a mess, that I was cursed. I never thought that I could smile and laugh with someone who treats me as a friend. Pero mali ako. Seeing you all made me realize that I was wrong. So thank you. Thank you for letting me feel given importance and loved even though wala pang isang araw tayong nagkikita." Pinahid ko ang mga luhang umagos sa aking mga mata.
"Ang drama mo!" naluluhang saad ni Sonja bago ako inakbayan. "Hindi ka naman mahirap kaibiganin, e. Thankful nga ako sa 'yo kanina dahil hinawakan mo ang kamay ko noong nanginginig ako sa takot."
"Tigil na nga ang drama, guys! Let's have fun, hoooo!" Tumayo si Clifford at nagsayaw kahit wala namang tugtog.
Nagtawanan kaming lahat maliban kay Throne at kay Khyzyr. Oo, kay Khyzyr. Nakita ko siya sa itaas ng puno kung saan kami naroroon. Pinagmamasdan niya lang kami nang tahimik.
Isa-isa kong tinignan ang mga taong nakasama ko sa unang gabi kung saan nag-uumapaw sa saya ang aking puso.
Sana nga lang ay maging ganito pa kami—masaya at tumatawa nang walang kahit na anong alintanang panganib.
Lalong-lalo na bukas at sa mga susunod pang araw. Kung saan haharapin na namin ang responsibilidad na iniatas sa amin ng Talisman.
###