[Chapter 5]
MAAGA AKONG nagising dahil sa labis akong nasabik sa gagawin namin ngayong araw.
Bumangon ako mula sa aking malambot na puting kama. Hinawi ko ang kurtina at nakita si Sonja na suot-suot ang isang kulay abong kasuotan na hapit na hapit sa kanyang katawan. Itinatali niya rin ang kanyang buhok.
"Magandang umaga!" bati ko sa kanya.
Tanging ngiti at tango lang ang iginanti niya dahil sa may kagat-kagat siyang pangtali ng buhok.
Nang matapos niyang itali ang kanyang buhok ay lumapit siya ss akin. "Sierra, maligo ka na. Ikaw na lang ang hindi pa nakakapagbihis."
Nanlaki ang mata ko sa sinabi niya. Akala ko ba maaga akong nagising? Argh, nakakainis kasi kapag walang orasan!
Dali-dali akong pumasok sa isang puting pinto kung nasaan ang aming banyo.
Pagkapasok ko ay bumungad sa akin ang isang malinis na batis. Oo ito ang aming paliguan. Walang gripo o kung ano. Sa isang balon din nanggagaling ang tubig na ginagamit sa buong palasyo.
Lumingon-lingon ako sa paligid bago ko hinubad ang aking kasuotan. Humuhuni pa ako habang ginagawa iyon.
Pero halos mapatalon ako sa gulat nang biglang bumukas ang pinto na kung saan puwede kaming magbihis.
Nakita ko si Khyzyr na nanlalaki ang mga mata. Biglang namula ang kanyang mukha at mabilis na lumabas ng paliguan. Habang ako naman ay naiwang tulala.
Nanginig ang tuhod ko hanggang sa mawalan ako ng balanse at dumiretso sa batis.
"AHHHHH!" hiyaw ko nang yumakap sa akin ang kakaibang lamig ng tubig.
Sinabunutan ko ang sarili ko habang paulit-ulit na pumapasok sa isip ko ang reaksyon ni Khyzyr nang makita niya akong ang tanging suot lang ay underwear.
Nang matapos akong maligo ay napamura na lang ako nang maiwan ko sa sofa ang susuotin ko ngayong araw. Napapadyak na lang ako bago magsuot ng puting roba. Ibinalot ko sa buhok ko ang puting tuwalya bago mabilis na lumabas ng paliguan.
Pagkalabas ko ay nakita ko na iisang tao na lang ang nasa silid, at iyon ay walang iba kundi si Khyzyr na inaayos ang suot niya. Hapit din ito sa katawan niya kung kaya't lumilitaw ang matikas niyang katawan.
Nagkatinginan kaming dalawa pero siya ang unang nag-iwas ng tingin. Tahimik ko namang kinuha ang aking kasuotan. Ang awkward ng atmosphere!
"Nananadya ka ba?" Nabigla ako nang magsalita siya.
"H-ha?"
"Are you trying to seduce me?" diretsong tanong nito sa akin.
Napaawang naman ang bibig ko sa sinabi niya. "What the hell are you talking about? Anong seduce-seduce? Hindi, 'no!"
"Stop denying it. Bakit ka naghubad sa paliguan kanina?"
"Hindi ko naman kasi alam na nandoon ka pa! Sabi kasi ni Sonja na ako na lang ang hindi pa nakakapagbihis. So inakala kong nasa labas na kayong lahat maliban sa amin!"
"Sige, ipagpalagay na natin na hindi mo iyon sinadya. Pero bakit lumabas ka sa paliguan na nakasuot lang ng robe? Huwag mong sabihing hindi mo rin alam na nandito pa ako."
"Exactly! Hindi ko alam. At isa pa, naiwan ko rito ang susuotin ko, 'no! Ay, teka lang, baka ikaw ang nananadya?"
"What?!"
"E, kasi, nasa loob ka na kanina, hindi ba? Kaya sa tingin ko malalaman mo na may papasok kasi lilikha ng ingay ang pagbukas-sara ng pinto." Nakita kong magsasalita na sana siya pero pinigilan ko. "At ito pa! Alam mong nasa loob pa ako ng paliguan. At ikaw, habang nag-aayos ka rito, sure ako na nakita mo ang suot ko na nasa sofa. So bilang initiative, bibilisan mo ang ginagawa mo para makalabas ka na, kasi alam mong lalabas ako nang walang suot na damit dahil nga naiwan ko." Nginisihan ko siya. Ngising wagi.
"What the!" Tumayo siya at lumapit sa akin. "Don't you ever tell them that we had a conversation."
"At kapag sinabi ko?"
"I'll burn you to ashes," malamig niyang saad bago siya dali-daling lumabas ng silid.
Burn to ashes, burn to ashes! Sinong tinakot niya? May powers din kaya ako! Maghintay lang siya na magising at magamit ko ito! Makikita niya! Nako!
Matapos kong magbihis ay lumabas na ako. Nakita ko silang naghihintay sa bulwagan ng palasyo. We are all wearing leathery suits, magkaiba nga lang ang kulay.
Dumako naman ang tingin ko kay Throne na nakasuot ng kulay itim na kasuotan na kagaya ng sa amin. He looks so hot on his suit. Mas lalong lumitaw ang kanyang maputing kutis at bughaw na mga mata. Kagaya ng palagi niyang ginagawa, malinis na nakatali ang kanyang mahabang itim na buhok.
Si Zaia naman ay nakasuot lang ng kulay lilang manto. "Shall we start?" tanong nito.
"We must," pagtataman ni Throne bago naglakad papunta sa labas ng palasyo.
Sumunod kami at inihanda ang aming mga sarili. Heto na. Magsisimula na ang aming pagsasanay.
Tumigil kami sa malaking field kung saan walang kahit na anong puno. Tanging bermuda grass lang ang nagbibigay dito ng kulay.
"Ngayon ang unang gagawin natin ay ang gisingin ang kapangyarihan ninyo," ani ni Throne.
"Anong ibig mong sabihin?" tanong ko.
"Ang ibig niyang sabihin Sierra, ay gisingin mo ang kapangyarihang ibinigay sa inyo ng Talisman. Hanapin ninyo sa inyong nga sarili ang kapagyarihang 'yon," sagot ni Zaia.
"How are we going to do that? Do you have any guide? I mean, do you know anything that could help us in awakening our powers? Like techniques or rituals and such?" tanong ni Sonja.
"Ako, nagawa kong gisingin ang kapangyarihan ko nang mag-meditate ako. Pinakiramdaman ko ang sarili ko hanggang sa may maramadaman akong kakaiba. Mainit. At dumadaloy ito sa aking mga ugat. Inipon ko ang init na ito sa aking kamay at 'yon na...nagawa ko." Tumango kami sa sinabi ni Throne.
Mukhang ang dali lang pala ng ginagawa niya! Pipikit ka lang pagkatapos ay papakiramdaman ang powers mo, at voila...tapos na!
"Ako naman ay iba. Nagising ang kapangyarihan ko nang mapunta ako sa sitwasyon kung saan kailangan kong iligtas ang isang bata na nasa bingit ng kamatayan. May sumalakay na dragon sa isang nayon kung saan ako nakatira, at dahil sa kagustuhan kong iligtas ang bata ay nagawa kong gisingin ang kapangyarihan ko."
Kay Zaia naman ay mukhang komplikado. Paano kung hindi magising ang powers namin, e 'di patay ang ililigtas namin kung gano'n?
"Ikaw Khyzyr...paano?" tanong ni Harley.
Napunta ang atensyon namin sa lalaki. Pero nang magtagpo ang mga mata namin ay sabay kaming namula. Hindi pa talaga nawawala sa isip ko 'yong nangyari kanina!
"Hindi ko alam."
"Anong hindi mo alam?" naguguluhang tanong ni Clifford.
"Hindi ko alam kung paano ko nagawa. Basta bigla na lang nag-apoy ang kamay ko. And the next thing I know, alam ko na kung paano ito gamitin at kontrolin."
"Gano'n ba? So may posibility na kusang magising ang kapangyarihan namin?" baling ni Sonja kina Zaia at Throne.
"Tss. Enough with the chitchat. Simulan na lang natin ang paggising sa kapangyarihan ninyo," saad ni Throne bago unti-unting kumislap ang kanyang kamay hanggang sa tuluyan itong mag-apoy.
"Tama!" segunda ni Zaia bago itinaas ang kanyang setro sa ere. Nagliwanag ito at unti-unting lumabas ang mga hibla ng kuryente mula rito.
"Ano ang gagawin ninyo?" kinakabahang tanong ko habang nakatingin sa kanilang mga kapangyarihan.
"We will awaken it by force. It is the fastest way na naisip ko," saad ni Throne.
"Since alam ko na kung paano ito gamitin, I'm out of here." Mabilis na lumayo sa amin si Khyzyr.
"Hoy! Huwag mo kaming iwan!" nagkatinginan kaming apat nang hindi na kami nilingon ni Khyzyr.
Sabay-sabay kaming tumingin sa dalawa.
"Let's start."
VOLRUS
GAMIT ANG isang malaking salamin ay malaya kong pinagmamasdan ang mga tinawag ng Talisman upang pigilan ako sa aking binabalak.
Looking at them, I can say that they are nothing compared to me. They are still young-fragile, weak, and knows nothing when it comes to power and how to wield it.
They are still training? Nakakaawa. I badly want to send another monster to the palace but I am just holding myself. Mawawala ang thrill kapag ginawa ko 'yon.
I want to see them fight my monster with the power given by the Talisman. Tingnan natin kung kaya nga ba nilang ipagtanggol ang Avellor.
Naramdaman ko ang presensya ng apat kong alagad na kayang tapatan ang kapangyarihan ng mga napiling haligi.
"Pinuno," tawag sa akin ni Crow na kayang kontrolin ang apoy.
"Ipinatawag n'yo raw po kami?" segunda naman ni Frost na kayang kontrolin ang yelo.
Tinignan ko ang dalawa pa: sina Vio na kayang kontrolin ang tubig; at si Fawn na kayang hangin.
"I want you to ready yourselves. We will gonna have fun any moment from now." Ngitian ko sila, at mukhang nakuha na nila ang ibig kong sabihin.
"Masusunod po," sabat-sabay nilang sagot bago at mabilis na nilisan ang aking silid.
Muli kong pinagmasdan ang mga napiling haligi na kasalukuyang sinasanay nina Throne at Zaia. Sayang ang dalawang ito, kung sumama lang sana sila sa akin, mas mahahasa ang kanilang kapangyarihan at may tyansa pang mamuno sa mga nayon ng Avellor. Sayang. Pero pinili nilang pumanig sa mga mahihinang Avellorian, kaya masasam rin sila sa hukay ng mga mahihinang iyon.
Iniwan ko ang aking silid at tinungo ang pinaka-ilalim na parte ng kastilyo kung saan nandoon ang piitan. Tanging ilaw na nagmumula sa sulo lang ang gabay ko para makita ang daan.
Ang buong palasyo ay sumisigaw ng kasamaan-na siyang nagpapalakas sa akin.
Nang makarating ako sa piitang gawa sa mga negatibong emosyon ng mga Avellorian ay nakita ko ang Talisman na nakasuot ng puting bestida na halos sakupin na ang buong piitan.
May mga puting bulaklak ding tumubo sa palibot niya. Ngunit ang mga tumatama sa piitan ay nawawalan ng buhay.
Nakapikit siya habang nagdarasal. Ang kanyang kulay puting buhok ay sumasayaw sa hangin habang ang katawan niya ay naglalabas ng liwanag.
"Kahit na anong gawin mo, hinding-hindi mo na maisasalba ang lupaing minamahal mo." Mukhang nagulat siya sa biglaan kong pagsasalita.
"Volrus..." Bakas sa boses niya ang magkahalong pag-aalala at pagmamakaawa.
Umiling ako bago itinapat ang kamay ko sa kanya para sabihing tumahimik siya. "Tumigil ka na, Talisman. Hindi mo ako madadala sa mukha mong 'yan. Kahit na anong gawin mo ay hindi ako titigil. Hindi ako titigil na ipatikim sa mga minamahal mong Avellorians ang walang katapusang takot at pangamba."
"Pakiusap, Volrus...tumigil ka na," pagsusumamo nito.
Pinagmasdan ko ang kanyang mukha at nakitang umiiyak siya. Unti-unting nanghina ang liwanag na nilalabas ng kanyang katawan. Napangisi ako.
"Tingnan mo ang sarili mo, Talisman. Maging ikaw ay pinaghihinaan na ng loob. Maging ikaw ay unti-unti nang kinakain ng takot at pangamba." Natigilan siya sa sinabi ko.
"Hindi..."
"Tanggapin mo na ang katotohanan na tapos na ang mga araw kung saan malayang namumuhay ang mga Avellorian nang walang iniisip na takot, galit, at pangamba dahil sa mentalidad na nariyan ka at handang gabayan sila."
"Pakiusap, itigil mo na ito!"
"Ginamit mo pa ang kapangyarihan mo para lang magtawag ng mga tao para humalili sa responsibilad na naiwan mo. Hindi mo ba naisip na baka mas mapalala pa nila ang sitwasyon ng Avellor?"
"Hindi. Magagawa nilang wakasan ang masalimuot na panahong ito. Magagawa nilang ibalik ang dating Avellor."
"Ipagpilitan mo pa, Talisman. At kung mangyari mang kaya nga nila akong pigilan, ngayon pa lang ay pipigilan ko na sila. Mas mainam na hugutin na ang halaman kasama ang ugat nito nang sa gano'n ay hindi na yumabong pa."
"Anong ibig mong sabihin?"
"Gagawin ko ang lahat para hindi sila magtagumpay. Kahit na patayin ko sila-matuloy lang ang plano ko-ay gagawin ko ng walang pag-aalinlangan.
"Pakiusap, Volrus. Huwag mong gawin 'yan. Pakiusap." Muli na namang lumuha ang Diyosa ng Avellor.
"Hindi mo na ako mapipigilan. Pero dahil sa may kaonting bait pang natitira sa aking katawan, hindi ko muna sila papatayin sa ngayon. Masyado pang maaga. Masyado pang madali."
"Volrus..."
"Doon na ako kikilos kapag nagising at nahasa na nila ang kanilang mga kapangyarihan. 'Yong mapapamahal na sila sa responsibilidad nila. Pagkatapos..."
"Pakiusap, Volrus. Huwag."
"Isa-isa ko silang papatayin. At sisiguraduhin kong makikita nila kung paano ko wawakasan ang buhay ng kanilang kasamahan."
###