[Chapter 14] KAAGAD NA napalitan ng pagkabahala ang masasayang mukha ng mga Clasfian. Lahat sila, maging kami, ay nakatingin lang sa isang kulay abong dragon na may pulang mga mata na lumilipad palibot sa buong Clasfia. Hinila ko si Khyzyr palapit sa mga bata at muli naming pinagmasdan ang dragon. Hindi nito magawang makapasok dahil sa kapangyarihan ni Olga. May harang kasing yari sa hangin na kapag nilapitan mo ay maitataboy ka. Umatungal nang pagkalakas-lakas ang dragon dahilan para manginig sa takot ang mga batang nasa tabi ko. Sumiksik sila sa akin. Kagad ko naman silang niyakap nang sa gano'n ay maibsan ang takot nila. "Huwag kayong mag-alala, hindi makakapasok ang halimaw na 'yan sa bayan natin! Kumalma lang kayo!" anunsyo ni Olga. Sinunod naman ito ng mga mamamayan. Lahat s