[Chapter 13] NAGLALAKAD NA kami pabalik sa bahay ni Olga. Nangingibabaw ang katahimikan at pagkaasiwa sa pagitan naming dalawa. Sino ba naman ang hindi? Sino ang hindi maaasiwa kung bigla ka na lang hinalikan sa noo ng lalaking palagi mong nakakabangayan? "Uhm," panimula ko habang sa daan lang ang tingin. "I had fun. Thank you for bringing me with you," dire-diretsong saad nito habang sa daan lang din nakatingin. "Ah, w-walang anuman. Nag-enjoy din naman ako, e. Salamat," sagot ko sa kaniya. "Nag-enjoy saan? Sa huling ginawa natin?" tanong niya dahilan para mamula ako. Ibinabalik na naman niya ang eksenang iyon! "H-hindi, a! B-baka ikaw ang nag-enjoy!" "Wait, ano bang pinupunto mo? Are you referring to the kiss?" Napanguso ako at iniwas ang tingin habang tumatango. Darn, ang awkw