[Chapter 15] LUMINGON SA akin ang lalaki bago ako nginitian at kinindatan. Heck, lasing pa talaga ang lalaking ito. Mukhang malakas talaga ang tamang nakuha niya sa likwa. "Okay ka lang?" tanong nito. Tumango lang ako at pilit na tumayo. Kaagad kong nilapitan si Harley at tinulungang makatayo nang sa ganoon ay makalapit kami kay Clifford. "Ikaw..." napatingin ako kay Khyzyr nng marinig ang seryoso niyang boses. Masama siyang nakatingin sa babae habang dinuduro ito. "Bakit mo sinaktan ang asawa ko?" Nanlaki ang aking mga mata saka namumulang tumingin kina Harley at Clifford na may mga nagtatakang tingin. Tanging iling lang ang ibinigay ko sa kanila. "Asawa?" interesadong tanong ni Fawn bago tumingin sa akin. "Nagkamali ka yata ng pinakasalan, lalaki. Mukhang masyadong mahina ang baba