[Chapter 12] NAKATINGIN KAMI ni Khyzyr sa isang malaking kulay abong gusali na pinalilibutan ng mga makukulay na bulaklak at bandiretas. Nagkalat din ang mga kakaibang bagay na sa tingin ko ay gawa ng mga bata sa loob ng gate ng bahay-ampunan. "Maiwan ko na kayo, ha?" Napalingon kami kay Olga. Kamuntik ko nang makalimutan na nandito pala siya. Tumango lang ako at nagpasalamat sa kaniya sa paghatid sa amin. Nang makaalis siya ay nagkatinginan kaming dalawa ni Khyzyr. "What? Magtititigan na lang ba tayo ngayon?" Naikuyom ko ang kamay ko dahil gustong-gusto ko siyang suntukin pero pinipigilan ko lang ang sarili ko. Baka iwan kasi niya ako rito. Huminga na lang ako nang malalim para pakalmahin ang sarili ko. "Tara na pumasok na tayo," mahina kong aya sa kaniya. "Walang tayo." Napataa