Episode 6- Falling

1634 Words
Nakahinga ng matiwasay si Jupiter ng malaman na 1-week na hindi makakapasok sila Trigger kasama ng buong grupo nito dahil sunod-sunod ang tv guesting ng mga ito. Dahil according kay Kinsley, iiwan na daw ng quadroplets ang mundo ng showbiz dahil galit na ang angkan ng mga ito. Dahil mga taga pag mana ang quadroplets at may mas importante daw rules sa buhay ang mga ito kesa sa kumanta. Tama na daw na pinag bigyan ang mga ito habang bata pa pero ngayon hindi na puwede. Kailangan na daw ng mga ito na harapin ang tunay na mundo na naka abang sa mga ito. Natigilan naman s'ya ng makita ang isang photo paper na may print na note ng pag bukas n'ya ng locker n'ya nakasandal iyon sa mga books n'ya. At 'di n'ya alam kung matatawa ba s'ya o ma pipikon sa kung sino man ang pontio pilato na nakakapag bukas ng locker n'ya at kung ano-ano pinag lalagay. "Gago man ako sa iyong paningin, subukan mo lang akong mahalin pati nanay mo kikiligin." "Sorry wala na akong nanay." aniya sabay kuha ng photo paper at binayukos saka itinapon. Pag kuha naman n'ya ng books n'ya isang papel naman ang nahulog. Dadamputin na sana n'ya iyon ng isang babae ang dumampot nun at binasa. "Ikaw ang taong bigla ko na lang ginusto pero di ko akalain na tatamaan ako ng husto.! Yuck!" wika ng babaeng nakatayo sa harapan nya na kinusot ang papel at binato sa mukha n'ya. Napatingin s'ya rito saka pagak na tumawa ng makilala si Faye Amurao ang anak ng Dean ng school nila na 3rd year student pa lang at ex-girlfriend ni Ezikeil. Na suspend ito ng isang linggo dahil isinumbong n'ya na ito ang nag vandalize ng classroom nila at nag papakalat na pokpok daw ang teacher nila sa science. Binalak kasi s'yang idiniin nito sa krimen na yun noon porket 1 offfense na lang tatalsik na s'ya. Buti na lang naisipan n'yang kunan ang mga ito ng video ng mga oras na yun. Noramal na mga brat ang mga studyante ng university nila dahil puro anak mayayaman o may sinabi sa buhay ang mga pamilya. Kaya karamihan mayayabang at malalakas ang loob. Sa nakita n'yang sitwasyon sa school na yun ng malaman n'ya ang tungkol sa program ng accelaration. Naki-usap s'ya sa Ate Abby n'ya na tulungan s'ya makasama sa program kaya naman tinulungan s'ya ng parents nito para makapasok. Kaya heto s'ya ngayon at the age of 13 4th year high school na at graduating kaya ang daming na iinis sa kanyang studyante na pawang mga hindi na niniwala na nagawa n'yang ipasa ang exam. At dahil sa issue na yun napilitan ang mga teacher association ng school na mag sagawa noon ng quizbee s'ya versus sa mga top rank student ng school na 4th year student. Hindi man n'ya natalo at least nakasabay s'ya kaya sapat na iyon para patunay lang na hindi s'ya nandaya. "Long time no see miss me." "Hindi! Bakit naman kita ma mi-miss sino ka ba?" mataray na tanong sasampalin sana s'ya nito ng isang teacher ang dumaan at na aktuhan ito na agad na sita. "Kababalik mo pa lang gumagawa ka na agad ng gulo, gusto mong iparating ko kay Sir Amurao ang ginagawa mo?" mabilis naman ngumiti si Faye. "Ma'am kinakamusta ko lang po ang kaibigan ko." "We're not friend." tugon pa ni Jupiter na inalis ang kamay nito sa balikat n'ya sabay talikod dito at iniwan na. - - - - - - - Natigilan si Jupiter na napatingin kay Faye at sa dalawang babaeng nasa likuran nito, mukhang hindi na s'ya makaka-iwas sa mga ito this time. "Nasa hospital si Ezekiel at ikaw daw ang nambugbog sa kanilang 5." "Bakit may ibedensya ba sila na ako?" ilang araw na s'yang pabalik-pabalik sa store pero sabi ng bagong tindero dun hindi na daw na pasok ang dating pinalita nito. Kaya nag-aalala s'ya na baka napahamak pa ito dahil sa kanya kaya ilang beses s'yang nag baka sakali na balik-balikan ito hanggang sa nalaman na n'yang lumipat na pala ito ng trabaho. Inaalam pa lang n'ya kung saan dahil gusto sana n'ya itong pasalamatan. "Hindi kailangan ng ibedensya dahil sila mismo ang nag sasabi. Kapal din talaga ng mukha mo ano? Saan mo hinuhugot ang lakas ng loob mo na banggain kami? Sino ka sa inaakala mo? Anak ka lang naman ng isang General na salot sa mundo kaya maaga s'yang kinuha ng kapwa n'ya demonyo." wika pa nito na nakangisi. "Alam ko? hindi mo na kailangan na ipaalala sa akin." "So, ano pang ginagawa mo dito hindi ka pa sumama sa tatay mo." "Inutusan pa kasi n'ya akong mag hasik ng kadiliman sa sangkatauhan." halata naman na pikon si Faye. "Na kikipag biruan ba ako sa'yo?" tanong nito na papalapit sa kanya. "Nang harangin n'yo ako tingin n'yo gusto ko kayong makaharap?" "Hawakan n'yo." utos ni Faye. Nasa faculty ngayon ang mga teacher dahil may meeting kaya matatapang ang mga pusa ang problema tigre ang balak bulabugin ng mga pusa. Mukhang gustong masampulan ang mga ito kung paano mag inat ang isang tigreng na nanahimik. Hinawakan s'ya ng dalawang kasama nitong saka malakas s'yang sinampal. Naka tingin lang sa kanila ang ibang studyante na mga parang excited pang maka kita ng gulo kesa awatin sila. Pagak naman tumawa si Jupiter ng malasahan ang dugo sa labi n'ya. Hinablot pa ni Faye ang buhok patalikod. "Asan ang tapang mo, parang ayokong maniwala na ikaw talaga ang nag pabagsak sa grupo ni Ezikeil. Parang____ahhhh!" nasapo bigla ni Faye ang ilong at bibig ng umigkas ang ulo n'ya na tumama sa mukha nito na ikinabigla ng dalawang naka hawak sa kanya na agad na bumitaw para tuluyan si Faye na napa upo sa hallway habang sapo ang ilong at bibig. Habang si Jupiter ay naka ngiti lang na sumandal sa pader saka ipinasok ang dalawang kamay sa bulsa ng palda. "Wala akong ginagawa sa'yo ha, hinila ko lang ang buhok ko kasi masakit sa batok ang pag hila mo. Bakit kasi hindi mo hinigpitan ang hawak. Yan tuloy masakit ba?" nakakalokong tanong pa n'ya na sinabayan pa ng tuptop ng bibig ng alisin ni Faye ang kamay sa mukha. "Hala! dalahin n'yo s'ya sa clinic, naku wag na pala sa clinic sa hospital na. Tulungan n'yo s'ya bilis baka maubusan s'ya ng dugo." sigaw pa ni Jupiter. "Buwisit ka!" sigaw pa ni Faye saka tumayo para sugurin s'ya pero nagulat na lang ang lahat ng bigla itong sumobsob sa sahig ng imiwas lang s'ya rito. Walang nakapansin pinatid n'ya ang paa nito sa bilis ng pang yayari. "Hay ano ba yan? Naku na hihilo na yata si Faye. Hawakan n'yo kasi s'ya." "mamatay ka na." sigaw naman ng isa na itutulak sana n'ya pero naiwasan n'ya ngunit sumegunda naman ang isang na hindi n'ya inasahan na tinulungan pa ng isa pang kasama ng mga ito. "Hoy! anong ginawa n'yo." bulalas naman ng ibang studyante na napasigaw ng itulak s'ya ng mga ito sa railing. Nasa 2nd floor sila ng 4th year building. Hindi man s'ya mamatay tiyak naman na mababalian naman s'ya ng buto kapag nag kamali s'ya ng bagsak sa ibaba. Mahigpit s'yang napahawak sa railing habang naka lawit ang katawan n'ya sa labas ng building na ikinasigaw ng mga studyante na nakakita sa kanyang naka bitin s'ya. "Patay kayo! Tulungan n'yo si Jupiter." sigaw pa ng isang studyante na nag takbuhan para tulungan s'ya pero mas na hihirapan s'ya sa pag kakasabit n'ya dahil pinipilit ng mga ito na hawakan ang kamay n'ya. "Umalis kayo d'yan aakyat ako." utos naman n'ya pero ng makahawak s'ya sa railings naka tayo naman si Faye at sinipa ang mga daliri n'yang nakakapit kaya napapikti s'ya. "Mamatay ka na lang!' sigaw pa ni faye na hinila na ng kapwa studyante. Huminga naman ng malalim si Jupiter hndi na n'ya kayang humawak pa. Kailangan lang n'yang tansyahin ang katawan n'ya, hindi naman ganun ka taas ang babagsakan n'ya bahala na. "Kulasa, ang ganda ng view dito?" napalingon si Jupiter sa baba ng matanaw si Trigger at Cloud na nasa baba. May suot naman s'yang cycling sa ilalim ng uniform n'ya pero hindi parin maganda sa pakiramdam na may dalawang lalaki sa ilalim n'yang nakatingala. "Tiborsio? saluhin mo ako tatalon na ako." sigaw ni Jupiter. "Ayoko nga." "Catch me I'm falling."sigaw pa ni Jupiter bago tuluyan ng bumitaw. Natarantan naman si Cloud at Trigger ng mahulog nga si Jupiter at agad na umabang sa pag bagsak ng dalagita. "Ahhhhh! fu**!" ungol ni Trigger na sapo ang braso. "Tanga mo kasi bakit mo ako tinulak." bulalas naman ni Cloud na tinulungan na tumayo si Jupiter pati ang kaibigan na sapo ang braso na kita na na dislocate ang buto sa siko. "Sa mukha mo babagsak si Jupiter kung di kita tinulak na gago ka." sigaw naman ni Trigger na maluha-luha na. "At ikaw!" inis naman na sigaw ni Trigger kay Jupiter na speechless na lang na nakatingin kay Trigger. "Ang alam ko bulalakaw ang bumabagsak hindi planeta." napangiti na lang si Jupiter na napakamot pa ng ulo na napatingin sa itaas. "May lahi ka bang ungoy bakit ka naka bitin sa taas?" galit na tanong ni Cloud sasagot na sana ni Jupiter ng pero biglang dumaing si Trigger. "ahhhhhh sh*t Cloud ang sakit." "Sira ulo ka kasi tara dadalahin kita sa hospital." ani Cloud na inalalayan si Trigger. "Ikaw sumama ka, kasalanan mo to. Ma iin love ka lang mapanakit ka pa. May pa catch me I'm falling ka pa!" hila pa sa kanya ni Trigger. "Na saktan ka na abnoy ka pa rin." "ahhhhh Cloud babe ang sakit." wika pa ni Trigger na isiniksik ang mukha sa leeg ng kaibigan na ikinangiwi naman ni Jupiter.
Free reading for new users
Scan code to download app
Facebookexpand_more
  • author-avatar
    Writer
  • chap_listContents
  • likeADD