Episode 1-Unang pasilip
“Ilang taon ka na?” tanong ni Trigger sa batang babaeng naka buntot sa kanya pag kagaling nila ng guidance office.
“12”
“12 ka pa lang bakit nasa 4th year high school ka na?” takang tanong ni Trigger na graduating naman na ng BS accountancy.
“Matalino ako e.” natawa naman si Trigger sa mayabang na sagot ng batang babae na nasa likuran n’ya. Kapatid ito ng asawa ng pinsan nilang si Abby na ibinilin sa kanila na bantayan nilang mag kakapatid dahil marami na daw itong school na pinag dalhan pero lagi itong kick out dahil basagulera. Ngayon kung hindi n’ya ito iniligtas tiyak nanaman na ma kikick out nanaman ito sa school. Sinira n’ya ang reputasyon n’ya para lang iligtas ito. Sinabi n’yang bakla s’ya para lang hindi ito ma expel sa school at hindi n’ya alam kung bakit n’ya iyon ginawa.
At dahil dun inutusan na ito ng Mommy n’ya na bantayan s’ya at isumbong s’ya kapag na huli na may kasama s’yang lalaki maliban sa mga kapatid n’ya at si Cloud. S’yempre reputasyon ng Montenegro at Lagdameo ang naka salalay kaya sobrang confidential ang balita na tungkol sa gender n’ya na ipinangako ng school na iingatan ang sekretong iyon.
Galing sila ng guidance para ayusin ang suspension ng batang babae ito, na nakipag-away sa mga taga senior na lalaki, nag kataon na nasa men’s room din s’ya ng mga oras na iyon. Si Jupiter mismo ang pumasok at sumugod sa mga lalaki na ikinagulat n’ya. Na tameme na lang s’ya nung araw na yun ng pabagsakin nito ng walang kahirap-hirap ang 4 na lalaki. Hindi n’ya alam ang eksaktong dahilan ng panunugod nito.
Kay Kinsley na lang n’ya na laman na binastos pala ng 4 na lalaking iyon si Kinsley na at ayaw ipaalam kay Jigger na kaibigan nito. Naging magbestfriend ang dalawang babae dahil parehas na aloof ang dalawa sa mga tao kaya nagkasundo agad ang mga ito. Kaya bilang ganti binalian ng bunto ni Jupiter ang 4 na lalaki. At para wag ng lumaki ang issue isinangkalan na n’ya ang reputasyon n’ya para sa batang babaeng ito.
“May matalino bang mas pinaiiral ang galit?”
“Kung sesermunan mo ako maraming salamat na lang.” wika pa ng batang babae na nalimutan na n’ya ang pangalan.
“Hoy kulasa! Bumalik ka dito.” naka simangot naman na huminto ang bata at nakasimangot na lumingon.
“Kulasa ang pangalan mo?” natatawang tanong ni Trigger.
“Hindi!” galit na sagot ng batang babae habang papalapit s’ya rito.
“E bakit ka lumingon?”
“Jupiter ang pangalan ko at kapatid ako ni Kuya Neil.”
“Ahhhh! Jupiter… ako kilala mo naman siguro ako.” ngiting tanong ni Trigger.
“Malamang pinsan ka ni Ate Abby e,”
‘Sige nga parinig quadroplets kami baka hindi ka na informed.” tumikwas naman ang nguso ng batang babae na mukhang likas ang ka tarayan at hindi marunong ngumiti ng maayos.
“Alam ko ang pangalan mo tiborsio.” irap na sagot nito sabay talikod na ulit.
“Anong Tiborsio? Ang ganda-ganda ng pangalan ko, binaboy mo! Lumapit ka dito ng makurot kita sa singit na bata ka.” tawag pa ni Trigger sa batang babae na nauuna ng mag lakad pero dinalaan lang s’ya nito. 4th year student na ito pero paran batang umasta ano pa nga bang aasahan n’ya 12 anyos pa lang ito na marahil accelerated lang kaya advance itong naka pag aral.
“Umiwas ka gulo ha! Sa susunod hindi na kita tutulungan na sisira ang pagkatao ko sa’yo.” sigaw pa ni Trigger sa papalayong batang babae na huminto naman sa pag lalakad saka lumingon kay Trigger.
“Trigger.” sigaw ng batang babae sa patalikod na sanang binata na lumingon.
“Salamat.” wika ni Jupiter saka nag mamadaling tumakbo papalayo. Ngumiti na lang na inihatid ng tanaw ni Trigger ang batang babae.
-
-
-
-
-
Naka pangalumbaba si Jupiter na nakatingin sa isang picture na tinititigan mula pa ng maka uwi s’ya sa bahay na tinitirahan n’ya. Condo unit iyon ni Kuya Rycko ang half brother ng kuya n’ya na ipinagamit na sa kanya. May maid s’yang kasama roon na off limits na pumasok sa kuwarto n’ya. Kahit ang kuya Nathan n’ya bawal na bawal na pumasok ng kuwarto n’ya. Kung ayaw ng mga ito na mag halo ang balat sa tinalupan.
Napangiti si Jupiter na dinampot ang picture saka hinalikan ng mabilis saka mabilis na itinago na sa ilalim ng unan n’ya bago tumayo at humarap sa laptop n’ya habang kumakanta ng hits song ng grupo nila Cloud. Isinaksak n’ya ang OTG sa cellphone n’ya at may inilipat na mga picture na mga bagong kuha n’ya saka iyon isinalpak naman sa laptop n’ya bago ipinirint. Napangiti s’ya ng makita ang mga larawa. Kinuha n’ya ang malaking box sa loob ng closet n’ya, saka kinuha ang malaking scrap book na ginagawa n’ya. Bago s’ya sumalampak ng upo sa sahig at inilabas ang mga pang creative arts n’ya.
Ginupit n’ya ang mga picture na mga bagong kuha n’ya saka idinikit isa-isa sa scrapbook, saka nilagyan iyon ng design kaya ng mga ribbon, sticker, rhinestone at sticknote na maliliit na ibat’-ibang shape at kulay. Nang matapos kinuha naman n’ya ang mga glitter pen n’ya bago sumampa sa kama n’ya at isa-isa naman nilagyan ng caption ang mga picture.
“I’m in love with you but you will never know.”sulat n’ya sa isang sticknote katabi ng bagong picture.
“Loving you is not my choice but keeping it a secret is my choice and and I hate myself for making the same choice every single day.’ basa pa n’ya sa sinulat n’ya sa sticky note.
I just wanted to let you know that I love you.. since I first saw you.” huminga ng malalim si Jupiter after matapos n’ya ang pag-uupdate ng scrapbook n’ya habang nakatingala sa puting kisame ng kuwarto n’ya na maraming glow in the dark na inilagay n’ya. Habang nakatingin s’ya roon ang mukha ng greatest crush n’ya ang nakikita n’ya roon. Ang ultimate crush n’ya na walang sinumang makakaalam at ibabaon n’ya hanggang sa kamatayan n’ya ang secreto na iyon.
Wala s’yang planong mag-asawa at mas lalong wala s’yang planong mag boyfriend. Bukod sa bata pa s’ya hindi talaga n’ya gusto pero may isang lalaki s’yang nagustuhan. Simula pa nung unang salta n’ya sa Pilipinas ng kunin s’ya ng kuya n’ya ng mamatay ang tatay nila. HIndi s’ya iyakin pero ng mawala ang kuya n’ya at ‘di nila malaman kung buhay pa ba ito o patay umiyak na talaga s’ya at ang lalaking yun ang hindi umalis sa tabi n’ya. Namalayan na lang n’ya na hubad baro na ito at ang damit na nito ang binigay sa kanya na pamahid ng luha at sipon n’ya noon.
Napatingin s’ya sa T-shirt na naka dikit na ngayon sa pader ng kuwarto n’ya na ang sabi n’ya isasauli n’ya pero hindi na n’ya na isauli dahil na hihiya na s’ya humarap rito sapol ng makita s’ya nitong umiyak ng sobra. Mula noon din lagi na n’ya itong na iisip hanggang sa panaginip n’ya lagi na n’ya itong nakikita hanggang sa mag simula s’yang mangolekta ng mga picture nito. Mga CD album ng grupo ng mga ito. Mga collectable item hindi s’ya fan ng grupo ng mga ito dahil wala naman s’yang hilig sa music o kahit sa dancing pero dahil crush n’ya ito kaya kino-collect n’ya lahat ng tungkol rito. Hindi kasama ang 4 na lalaki dahil wala s’yang paki-alam sa apat.
Wala s’yang balak na mag papansin rito o pangarapin na mapansin nito, kuntento na lang s’yang makita ito araw-araw. Bata pa lang s’ya alam n’ya iyon pero kung true love man o puppy love ang tawag sa nararamdaman n’ya, who cares? Basta masaya s'ya araw-araw at hindi na n’ya alam kung kelangan pa bang pangalan ang nararamdaman n’ya kung kuntento naman na s'yang maging ligaya sa tuwing makikita ito.