Episode 5-Not Alone

1548 Words
"Akala ko ba may kasama ka dito sa condo ni Kuya Rycko?" tanong ni Trigger ng ihatid n'ya ang dalagita hanggang sa condo na tinutuluyan nito. "Meron si Ate Dolor pero hindi s'ya rito natutulog na uwi s'ya ng hapon." sagot ni Jupiter na dumeretso ng kusina at nag hugas ng kamay. "Hindi ka maliligo?" tanong ni Trigger habang nakatingin sa dalagita na nag huhugas ng kamay. "Mamaya?" "Hindi ka ba na lulungkot na mag-isa ka lang dito sa condo?" tanong ni Trigger pakiramdam kasi n'ya hindi n'ya kayang mag-isang lang sa bahay. Nung edad n'ya 13 wala pa silang condo sa bahay pa nila sila nakatira at minsan na tutulog pa sila katabi ang mommy nila. Binigyan lang sila ng sariling condo ng mag 15 years old sila ng mag simula silang mag invest sa new project ng bayaw nilang si Kuya Rycko na Enchanted Ville na ngayon ay sikat na sa buong mundo. "Sanay na ako bata pa lang ako?" "Bakit akala mo ba sa sarili mo malaki ka na ngayon?" "I was 7 years old ng palagi na akong maiwan na mag-isa sa bahay kaya sanay na ako." "Kaya naman pala ang tabang ng buhay mo wala man lang happy thoughts, pero don't worry dahil nandito na ako hindi ka na nag-iisa. Kaya maligo ka na habang nandito pa ako, uuwi na lang ako pag tapos ka na." nag salubong naman ang kilay ni Jupiter. "Umuwi ka na anong gagawin mo pa dito? saka bakit ba sumama ka pa hanggang dito sa condo ko?" "Aba ewan ko sa'yo? Bakit nga sumunod pa ako sa'yo dito tinatamad na tuloy ako umuwi." na ningkit ang mata ni Jupiter habang nakatingin kay Trigger. "Sigurado ka bang wala kang gusto sa akin?" tanong ni Jupiter. "Haizt! Ikaw yata itong may gusto sa akin kunwari ka pa e! Binabaliktad mo lang yata ako e." "13 ako turning 20 ka kumusta naman ang age gap natin. Grade 1 ka na bago pa lang nag se*ex ang magulang ko para buoin ako." napangiwi naman si Trigger. "Nakakadiri ka naman. Hindi porket laking ukay-ukay ka _________." 'Ano? ako ukay-ukay?" mabilis na putol ni Jupiter sa sasabihin ng binata. "Oo, ukay-ukay kasi galing kang ibang bansa na dinala dito sa Pilipinas. Diba ganun ang ukay-ukay." "Grabe! Yung sense of humor mo out of coverage area na." iling ni Jupiter na tumalikod. Agad naman sumunod si Trigger. "Uumuwi ka na." taboy pa ni Jupiter sa binata. "Ano yan? Caution! Do not enter! bakit?" basa pa ni Trigger sa naka paskit na karatula sa labas ng pintuan ng dalagita. "None of your business! Shoooo... paki-lock ng pinto pag labas mo." "Anong nasa loob ng kuwarto mo patingin bigla akong na curious? sa edad mong yan pa pa caution ka pang na lalaman?" "Kuya ko nga hindi ko pinapasok dito, ikaw pa kaya?" "Siguro may itinatago kang secret d'yan ano?" "Whatever? alis na." taboy pa din ni Jupiter na binuksan na pinto ng kuwarto ng magulat ng biglang itulak yun ni Trigger na ikinanlaki ng mata ni Jupiter ng muntik ng mabuksan ng todo ang pinto ng kuwarto n'ya buti na lang mabilis ang mga kilos n'ya na muli n'yang nakabig ang pinto bago pa nito makita ang sekreto n'ya. "I knew it!" biglang sigaw nito. Napalunok naman si Jupiter nakita kaya nito ang tinatago n'yang secret, nabuko na ba s'ya. "Sinasabi na may crush ka kay Cloud!" bulalas pa nito na nilapirot pa ang ilong n'ya. "Awww!" inis naman na itinulak ni Jupiter si Trigger. "Umalis ka na! Umalis ka na! Buwisit ka!" pinag tulakan na ni Jupiter ang binata palabas ng condo. "Hindi puwedeng si Cloud, pektus ka sa akin. Mag ka gusto ka na sa lahat ng magandang lalaki basta wag si Cloud." kumunot naman ang noo ni Jupiter na pinigilan ni Trigger na mag sarado ang main door. "Saka bata ka ba bawal ka pang mag ka crush. Isusumbong kita sa Kuya Nathan." "Anong masama sa mag ka crush." "Mabubuntis ka ng maaga." pananakot pa ni Trigger habang na tatawa. "Abnoy ka!" "Wala kang galang mas matanda ako sa'yo." "Puwede ba Tiborsio, alis na!" "Wag naman Tiborsio, nakakasakit ka ng puso." reklamo pa nito. "Edi Kuya," saglit naman napa-isip si Trigger. "Tiborsio na lang nakakabata pang pakinggan." iling ni Trigger. 'Bahala ka sa buhay mo?" ani Jupiter at sapilitan ng isinarado ang pinto. "Oi! Kulasa, wag si Cloud ha! Ihahanap na lang kita ng bagong crush basta wag si Cloud." sigaw pa ni Trigger sa labas ng pinto na hindi na n'ya pinansin at nag tungo na sa kuwarto n'ya after i lock ang pinto. Napatingin s'ya sa loob ng kuwarto n'ya at isa-isang tiningnan ang mga ebidensya ng ultimate crush n'ya napabuga ng hangin na pumasok na lang s'ya sa loob ng banyo at tiningnan ang hitsura. Puro talsik ng dugo ang suot n'yang P.E uniform n'ya, bukas babalik s'ya sa convinient store para kumustahin yung matandang lalaki na tumulong sa kanya. Sana lang hindi ito napahamak dahil sa kanya. Saglit lang s'yang naligo after makapag bihis pinahiran n'ya ng cream ang mga sugat n'ya sa kamao n'ya. Hindi naman n'ya gustong maging basagulera kaso hinihingi lang ng pag kakataon, hindi naman s'ya papayag na basta na lang hahayaan na may umaapi sa kanya. Wala rin naman s'yang aasahan na mag tatanggol sa kanya, hindi n'ya gustong sumandal sa kuya n'ya. Close naman silang dalawa at alam n'yang mahal s'ya nito pero s'yempre may sarili na itong buhay at ayaw n'yang makagulo sa love life ng kapatid na muntik ng sirain ng ama nila. Bata pa lang s'ya alam na n'ya kung anong klaseng tao na ang ama n'ya, muntik na rin s'yang hingin ng pinakapinuno ng samahan na sinalihan nito noon pero kahit papaano may konsensya pa rin naman ang ama kaya pumayag na lang itong maging sunod-sunuran sa lahat ng gusto ng amo nito basta wag lang s'yang kunin. Minsan na s'yang isinama nito sa isang tournament noon 9 years old pa lang s'ya noon, akala n'ya kung anong klaseng tournament nagulat s'ya ng makita na puro batang madudungis ang nakita n'yang nag papatayan sa gitna ng arena. Na iyak s'ya dahil na aawa s'ya sa mga bata na na parang mga hayop na kung kumilos, hindi n'ya nakita ang mukha ng pinaka pinuno ng grupo dahil naka maskara ito. Kilala n'ya bilang Emperor, may katabi itong bata na parang mas bata lang ng konti sa kanya. Nagkatinginan lang sila sandali nito, habang umiiyak s'ya umiling ito na parang sinasaway s'ya nitong umiyak pero tumalim lang ang tingin n'ya rito. At nang matapos ang labanan sa arena sila naman ng batang babae ang pinag sabong, nalaman n'ya na ito pala ang champion sa tournament na iyon. Ang sino man ang makapatay rito makakalaya sa lugar na iyon. Pinag laban silang dalawa pero pinaglaruan lang s'ya nito. Bago sila pinag hiwalay may ibinulong ito sa kanya na s'yang dahilan kung bakit pinilit n'yang mag training ng puspusan. Ayon rito kung gusto daw n'yang mabuhay ng maayos bilang anak ng ama n'ya kailangan n'yang maging malakas at matatag tulad ng kuya n'ya dahil sa mundong ginagalaw daw ng ama n'ya possibleng may mamatay daw sa kanila ng Kuya n'ya. Kina-usap n'ya ang ama at sinabi na umalis na pero nagalit lang ito sa kanya kaya mula nun inilayo na n'ya ang sarili n'ya sa ama. Pag higa n'ya mula sa ilalim ng unan kinuha n'ya ang picture ng crush n'ya saka tinitigan saka bumuga ng hangin na itinago na lang ulit sa ilalim ng unan bago napatingin sa cellphone na may nag chat. Akala n'ya kuya n'ya na araw-araw na tawag sa gabi para kamustahin s'ya pero nakita n'yang si Trigger kaya kumunot ang noo n'ya ng mabasa ang chat nitong nasa bahay na daw ito. Mag rereply na sana s'ya at sasabihin na anong paki-alam ko ng bigla itong magsend ng isang video na binuksan naman n'ya may background music ito habang naka higa sa kama. Napangiti naman s'ya ng 'di n'ya mapigilan habang pinapanood ito malamang kinuha nito kay Ate Abby ang social media name n'ya dahil foxy gurl ang name n'ya sa social media n'ya at walang nakakalam nun kundi si Kinsley, kuya n'ya at Ate Abby. I always knew you were the best The coolest girl I know So prettier than all the rest The star of my show So many times I wished You'd be the one for me But never knew you'd get like this Girl, what'd you do to me? You're who I'm thinking of Girl, you ain't my runner-up And no matter what You're always number one Nanlaki ang mata ni Jupiter ng aksidente n'yang napusuan ang video. Kaya pandalas na s'ya pag bangon para i-undo ang pag he-heart sa video kaso bigla namatay ang phone n'ya kaya pandalas s'ya sa pag saksak sa charger habang na nanalangin na sana busy si Trigger at hindi pa nakikita nito. Nang mabuhay na ang phone n'ya pandalas na s'ya sa pag balik sa messenger n'ya ngunit may reply na si Trigger dun na ikinapikit n'ya. "Make up your mind, hindi puwedeng dalawa kaming crush mo. Wag kang patay gutom isa-isa lang hahaahah!" napapikit na inalis n'ya ang heart at pinalitan na lang n'ya ng angry face.
Free reading for new users
Scan code to download app
Facebookexpand_more
  • author-avatar
    Writer
  • chap_listContents
  • likeADD