chapter 7

1211 Words
Tagumpay na naipark ni Keiran ang kaniyang kotse. It's already 7:30 PM. Pagkalabas ko ng sasakyan ay namangha ako nang makita ko na madami pala ang pumunta sa lugar na ito. Malapit lang ang lugar na ito sa Montecarlo, isa sa mga subdivision dito sa Carmona. Hile-hilera ang mga mamahaling sasakyan at sports car sa parking lot. Teka, hindi naman mga kotse ang ginagamit ang pangkakarera dito. Motorcycle. "Halika na, Naya." Tawag sa akin ni Keiran. Sumunod naman ako. Sinadyang pinauna ko siya. Ayoko naman mabigyan kami ng malisya dahil magkasama kami. Alam ko naman na marami siyang kakilala dito at naalala ko ang sinabi ni Elene na sikat siya. "Uy, pare!" Tawag ng isang lalaki. Nilapitan iyon ni Keiran at nagbump fist sila. "Buti nakarating ka." "Biglang sumugod si Kal sa bahay kanina." Malamig na tugon ni Keiran sa kausap niya. Bumaling sa akin ang lalaking kausap niya. "Pre, girlfriend mo?" Sabay turo niya sa akin,. Sasagot sana ako nang nilingunan ako ni Keiran. Hilaw siyang ngumiti. "It's private, Tom." Sagot niya. Tumawa naman ang Tom na tinatawag niya. Nag-apiran silang dalawa na parang naiitindihan nila ang isa't isa. Samantalang ako naman, naguguluhan. Ano bang pinagsasabi nito ni Keiran sa lalaking iyon? Baka naman mamisinterpret kami! Hindi kami magjowa! "Keiran!" Isang pamilyar na boses ang tumawag kay Keiran. Sabay kaming napatingin sa pinanggalingan ng boses na iyon. It's Kal! Waving at us. Lumapit siya sa amin. Una niya akong tiningnan. "Hi, Naya! Buti nakarating ka talaga! Kayo ni Keiran!" Hilaw akong ngumiti. "Shut up, Kal." Iritadong suway niya sa kaniyang pinsan. Kal chuckled. "Oh siya, tara, puntahan na natin ang iba. Kanina ka pa hinihintay, eh." Tumingin siya sa akin. "Come with us, Naya." Tatanggi sana ako nang bigla akong hinawakan ni Keiran sa pulsuhan at talagang hinatak niya ako papunta sa malaking grupo na masayang nag-uusap. "They're here!" Kal announced. Sabay silang napatingin sa amin. Masaya nilang sinalubong si Keiran. May tapik dito, tapik doon. Bump fist dito, bump fist doon. "Hey, Ahia!" Boses babae ang tumawag kay Keiran. Matangkad, maputi at balingkinitan ang kaniyang katawan. De kulot ang kaniyang buhok. May make up at nakakulay pula na dress. Tumingin siya sa akin at ngumiti. Ginantihan ko din siya ng ngiti. "Girlfriend mo siya?" Bago man sumagot si Keiran ay ngumiti ito. "It's private, Fae." He answered. Fae made a face, tila hindi naniniwala sa sagot niya. "Hi, I'm Fae. Keiran's cousin. It's nice to meet you..." "Nayana. Naya nalang ang itawag ninyo sa akin." "Nayana? Wow, unique name." She commented. Isa-isa ko nakilala ang iba pang pinsan ni Keiran. Mababait sila Madali silang pakisamahan. Madalas kong nakakausap si Fae, siya lang ang babae sa magpipinsan na nandito ngayon. Mabuti nalang din iyon dahil may makakasama ako dahil bigla nalang umalis ang mga kalalakihan dahil may pag-uusapan daw sila. "I've never thought na magdadala ng babae si kuya Keiran lalo na sa event na ito. Alam mo bang ikaw palang ang ipinakilala niya sa amin?" Wika ni Fae habang nakaupo siya sa bumper ng kotse na pagmamay-ari ni Archie, na kapatid niya. "T-talaga?" Gulat kong tanong. She nodded. "Sa aming magpipinsan kasi, NGSB siya." Then she chuckled. My jaw drop. Sa guwapong taglay ni Keiran, hindi halata na No Girlfriend Since Birth siya! Ramdam ko na maraming nagkakandarapa sa kaniya. Kahit noong unang punta niya sa Perps, nakakuha na siya ng atensyon! Tumawa ulit si Fae. "Sabi na nga ba, eh. Magugulat ka din." "H-hindi nahalata sa kaniya!" I exclaimed. "I know, right?" Marami pa kaming pinag-uusapan. Magaan talaga ang loob ko kay Fae. Bukod kay Elene, nagiging close na kami agad nito ni Fae. Natigil lang ang pag-uusap namin ni Fae nang kumaway sa kaniya ang kapatid niyang Archie. Tinatawag kami at pinapalapit. Nasa likuran lang ako ni Fae, nakasunod sa kaniya nang may nakabunggo akong lalaki. "Sorry!" Sabi ko and I give him a way para makadaan siya. Pero nanatili lang siyang nakatayo sa harap ko. Dahil matangkad siya, napatingala ako sa kaniya. Maputi ang lalaki, walang emosyon ang kaniyang mukha, nanatili lang siyang nakatingin sa akin. Messy light brown hair, I can see his hazel brown eyes, mahaba ang pilik-mata niya, medyo makapal ang mga kilay niya... Ang mas nakakuha ng pansin ko ay ang hikaw sa kaniyang tainga. Parang may lahi siyang Caucasian. "Naya!" Napatingin ako sa taong tumawag ng pangalan ko. Si Fae. Hindi na ako nag-atubili pang tumingin ulit sa lalaki. Sa halip ay nagmamadali akong lumapit papunta sa direksyon ni Fae. "Anyare?" She asked. "May nakabangga lang ako." Sagot ko. Nagkibit-balikat siya't pinuntahan namin kung nasaan sina Keiran. Ten PM na ako nakauwi ng bahay. Tulad ng bilin ni Mrs. Ho kay Keiran ay hinatid niya ako dito sa bahay. Aalukin ko sana siya ng maiinom pero tumanggi siya. Magpahinga nalang daw ako dahil alam niya na napagod ako mula sa pagtuturo kay Russel hanggang sa event sa Carmona. It's Friday. Alas sais na ako nagising. Iyon talaga ang body clock ko. Minsan pa nga ay mas maaga pa. Kaya ang unang ginawa ko ay magluto ng almusal tutal ay wala naman akong dahilan para magmadali. Mamayang 4:30 pa kami magkikita ni Russel para itutor ko siya. Nagluto ako ng tocino at itlog. Buti nalang may stocks pa dito sa bahay. Nakareceive din ako ng PM galing kay mama thru f*******:. Sa Monday ko daw makukuha ang pera para sa allowance ko ngayong buwan. Habang hinihintay kong maluto ang sinaing ay nakatanggap ako ng friend request. Halos malaglag naman ako sa kinauupuan ko nang makita ko ang pangalan ni Keiran. He requested to be his friend in f*******:! Wait, bakit parang biglaan naman yata? Ngumuso ako't inaccept ko ang friend request niya. Wala naman sigurong masama. Hindi lang siya, maski si Fae. Fae Stefanie Ho pala ang full name niya. Inaccept ko din siya. Biglang nagpop out na message mula sa f*******: messenger. Napagtanto ko na si Keiran pala iyon. Keiran: Hey Ako: Bakit? Keiran: You're early. May pasok ka? Ako: Wala naman. Body clock ko kasi. Eh bakit ikaw ang aga mo? Keiran: Kakatapos lang mag-jogging. Tumango ako kahit hindi ko maipakita sa kaniya iyon. Biglang kumulo ang sinaing ko. Nilapag ko muna ang cellphone ko sa mesa para puntahan ang sinaing. Hininaan ko ang apoy. Binalikan ko ang cellphone. May kasunod pa palang mensahe galing sa kaniya. Keiran: What are you doing right now? Have you take your breakfast? Ako: Hinintay ko lang maluto ang sinaing ko. Kumain ka na din. Keiran: Yeah, later. Mabuti nalang hindi ka magsi-skip ng breakfast today. I was thinking pupuntahan kita d'yan para dalhan ng pagkain. Napangiti ako nang mabasa ko iyon. Ako: Hindi mo naman kailangang gawin iyon. Keiran: Remember, I always keep my promise. Napailing ako. Oo nga pala. Nangako siya kina mama at papa na siya ang bahala sa akin. Keiran: After my class, I'll pick you up. Ako: Ha? Nakakaabala na sa iyo, Keiran. Keiran: Diretso din naman tayo sa bahay kaya walang kaso iyon. Hindi ko na alam kung ano pang sasabihin ko sa kaniya. Wala na akong maisip kung ano bang irereply ko. Pero, muli ulit siya nag-chat. Keiran: I love what I'm doing now, Naya. Kinagat ko ang labi ko sa hindi malaman na dahilan. Parang ano... Wait, ayokong mag-assume! Ayokong ipakita na natutuwa ako. Dapat, kaswal lang. Dapat parang wala lang! Keiran: Naya? Ako: Yes? Keiran: Do me a favor. Ako: What is it? Keiran: Don't stop for being adorable. And please, don't stop me for being like this to you. Hindi ako agad makapagreply. Pakurap-kurap kong tiningnan ang screen ng cellphone. Parang hindi ako makahinga sa nabasa ko. Napabuntong-hininga ako't muli nagtipa. Ako: Sige... Keiran: Thank you, Naya.  ⏩
Free reading for new users
Scan code to download app
Facebookexpand_more
  • author-avatar
    Writer
  • chap_listContents
  • likeADD