One PM pa ang next exam ko. Naisip kong pumunta muna sa sa Library para makapagreview. Atleast, hindi ko ulit makakalimutan ang mga dapat kong isasagot mamaya. Kahit na minor subject iyon, big deal na sa akin. Natakot kasi ako sa mga nangyayari noon na 'yung mga minor subjects ay nagpumu-feeling major!
Buti nalang din ay hindi nadamay ang Thursday and Friday na schedule sa exam dahil iyon lang ang schedule na mailalaan ko para maturuan ko si Russel.
Hindi ko rin masyado nakakasama ngayon si Elene dahil pagkatapos ng exam ay agad siyang papasok sa South Woods. Nabubuo sa isip ko na minsan nga ay mabisita ko siya doon.
Narito kami ngayon sa Salas. Abala ako sa pagtuturo kay Russel nang may...
"TITAAAAA?!"
Napasimangot si Russel nang marinig niya iyon samantalang ako ay halos mapatalon sa gulat. Napasapo ako sa aking dibdib. May pumasok na isang lalaki. Chinito. May pagkahawig siya kay Keiran. Naka-casual lang ang pananamit niya.
"Kuya Kal, can you please keep quiet? Nag-aaral ako, oh!" Naiiritang suway ni Russel sa bagong dating.
Lumapit siya sa amin. "Ops, sorry Russ. Tatanong ko lang kung nasaan ang kuya mo?" Sabay tumingin siya sa akin. "Who's this pretty girl with you, Russ?"
"Shut up, Kal. Back off."
Napatingin kami nang biglang sumulpot si Keiran. Lumingon sa kaniya si Kal. "Oh, buti naabutan kita. Tara sa Carmona? Nag-aaya sina Finlay!"
Tamad tiningnan ni Keiran si Kal. "Wala ako sa mood, cous." Malamig niyang tugon. Cous?! Magpinsan pala sila!
Lumaylay ang magkabilang balikat ni Kal. "Cous, Finlay was expecting you. Tagal mo na kayang walang race."
"Kaya nga ayoko. Hindi na ako nagre-race." Naiinis na sagot ni Keiran. "Eh di ikaw nalang."
"Kahit hindi ka na sumama sa race, sumama ka nalang." Tumingin sa akin na nakangiti. "You can bring her with you. Para makilala siya ng iba pa nating pinsan."
Kahit si Keiran ay napatingin sa akin. Napalunok ako. Pakurap-kurap ko silang tiningnan. Bakit napunta sa akin ang topic na iyon? Anong gagawin ko race na 'yan?
"Pwede ka ba mamaya, miss?" Tanong ni Kal sa akin.
"She can't, Kal. She's busy. Mag-aaral pa iyan pagdating sa kanila." Si Keiran na ang sumagot para sa akin.
Ngumuso lang si Kal at tumabi kay Russel. Nanatili lang kami nakatinginan ni Keiran, na para bang sinusuri niya ako sa hindi ko naman alam na dahilan. Pinutol ko ang tingin ko sa kaniya, bumaling ako sa libro kung saan abala na sinasagutan ni Russel. Napapansin ko sa batang ito na nagiging masunurin na siya. homework first before play ang rules namin.
Biglang lumabas si Mrs. Ho mula sa Kusina. "Parang narinig ko ang boses ni Kal?" Tanong niya sa amin.
"Hi, tita Miranda!" Masiglang bati ni Kal kay Mrs. Ho sabay tumayo siya mula sa pagkaupo niya sa sofa para bigyan ito ng yakap.
"Hay naku, Kal. Mukhang alam ko na kung bakit ka napagawi dito." Mrs. Ho said with her suspecting look.
Tumawa naman si Kal at napakamot sa kaniyang batok. "Hehe, tita. Ayaw ni Keiran, eh. Inaasahan din siya nina Suther, Archie, Vlad, at Finlay mamaya. Kahit isama nalang daw siya." Ngumisi siya, tumingin siya sa direksyon ko. "Pwede din naman namin siya isama."
Tumingin silang lahat sa akin. Napalunok ako. Pakurap-kurap ko silang tiningnan. Nakataas ang isang kilay ni Mrs. Ho na para bang tinatanong niya ako kung gusto ko ba. "A-ano kasi..." Ang tanging nasabi ko.
"Huwag ka nang mamilit, Kal. Busy siya. Hindi mo siya magagamit para makasama ako." Seryosong sambit ni Keiran. "Pwede ka nang lumayas, bukas ang pinto."
"Ouch, harsh!" Nalulungkot niyang sabi.
Napangiwi ako. "P-pwede naman ako..." Bigla kong sambit. Muli silang napatingin sa akin. "W-wala naman ako masyadong gagawin mamaya..."
Kal beamed at me. "Ayos! Aasahan namin kayo mamaya, ha?" Bumaling siya kay Keiran. "See you around, cous!" Then he left.
Masama akong tiningnan ni Keiran. "Nadali ka ni Kal. You know it's a trap." He said coldly.
Natahimik ako. Yumuko.
"Kuya, wala namang masama, eh. Sasama lang naman si ate Naya. Hindi naman siya makikipagkarera noh! Pwede naman siya manood." Biglang sabi ni Russel.
Napasinghap kami ni Mrs. Ho sa sinabi niya. He's defending me!
"Oo nga naman, Keiran. Pwede naman manood si Naya. Hindi naman kayo aabot ng madaling araw doon." Segunda pa ni Mrs. Ho na malumanay ang boses.
"Are you sure? Wala kang gagawin?" Paninigurado niya na hindi maalis ang tingin niya sa akin.
Mabilis akong tumango bilang tugon. "Tapos naman na ang exam kaya okay lang. Wala naman akong gagawin sa bahay, maliban nalang na kakain at matutulog."
I saw him sighed. "Alright, then. Pagkatapos mo nalang d'yan saka na tayo pupunta doon." Sabi niya na pagsuko.
Napangiti si Mrs. Ho. "Dito ka na din kumain ng dinner, Naya, ha? Bago kayo pumunta sa Carmona mamaya."
**
Tulad ng plano ay nasunod naman. Pagkatapos ko turuan si Russel ay agad siyang lumabas para makipaglaro sa mga kaibigan niya dito sa Subdivision. Kumusa akong tumulong kay Mrs. Ho at sa maid para maghanda ng dinner. Si Keiran naman ay napag-uutusan ni Mrs. Ho para bumili ng mga kulang na rekados sa ulam na niluluto.
Kung Pao Chicken, Ginisang repolyo at miso soup ang menu ngayong dinner.
"Parang ang dami yata ang niluto mo, ma?" Tanong ni Keiran nang nakapasok siya dito sa Kusina.
"Siyempre, dito magdidinner si Naya, Para na din matikman niya ang mga niluluto ko." Nakangiting sagot ni Mrs. Ho sabay tingin sa akin. "Marunong ka din ba magluto, iha?"
"Marunong po."
"Anong specialty mo?" She's getting excited.
"Binagoongang manok sa gata po... Hmm, pochero. Mga ganoon po." Sagot ko.
"Kapag may time ka, pwede ba namin matikman ang niluto mo?" Si Keiran ang nagtanong.
Natigilan ako. Bigla akong ginapangan ng kaba. Bakit ganoon?
"S-sige po..." Ang lumabas na salita mula sa aking bibig.
Panay kwentuhan kami ni Mrs. Ho habang nakain, maliban nalang sa magkapatid na sina Keiran at Russel. Napapansin ko lang na hindi umuuwi ang tatay nila dito. Lalo na't hindi ino-open up ni Mrs. Ho ang tungkol sa asawa niya. Wala rin akong makitang picture sa salas nila na kasama ang padre de familia nila.
Pagkatapos naming kumain ay nag-volunteer na akong maghugas ng pinagkainan pero ayaw nila. Wala naman ako magagawa.
Nasa salas lang kami ni Mrs. Ho, nasa kani-kaniyang kuwarto naman ang magkapatid. Si Russel ay naglalaro sa video games sa kaniyang silid habang si Keiran naman ay nagbibihis daw.
"Ang putla mo, iha. Maglagay ka kaya ng make-up sa mukha..." Sabi ni Mrs. Ho.
"Ay! Hindi po ako marunong, Mrs. Ho—"
"Aayusan kita. Wait!" Umalis siya mula sa pagkaupo niya sa sofa saka may pinasok siyang kuwarto na nandito lang din sa first floor ng bahay nila. Wala pang dalawang minuto ay bumalik din siya. May dala siyang kahon na yari sa plastik. "Ayusan kita. Simpleng make up lang naman."
Hilaw akong ngumiti saka tumango. Pinatong ni Mrs. Ho ang kahon sa center table at binuksan niya iyon. Namangha naman ako nang makita ko na puno ng make up ang naturang kahon na iyon.
Kung anu-anong pinahid sa akin ni Mrs. Ho sa mukha ko. Press powder, kaunting blush on at lip tint daw ang nilagay niya.
"Natural ang rosy cheeks mo, iha. Kaya kaunti lang ang nilagay ko." Sabi niya nang matapos niya akong ayusan. "Bagay naman ang make up mo sa suot mo."
Naka-printed t-shirt, tokong pants at walking shoes lang ang suot ko. Bagay lang din ang dala kong body bag. Okay na din.
"Natural naman kasi ang ganda mo, iha kaya hindi ko na pinabongga pa." Dagdag pa niya.
Ilang saglit lang din ay bumaba na din si Keiran. Medyo napaawang ang bibig ko nang makita ko ang ayos niya ngayon. He's wearing long sleeves white polo shirt na nakatupi iyon hanggang siko, nakatuck-in ang polo niya sa kaniyang maong pants na nakatupi ang dulo nito. Nakatop-sider siya! Naka-brush pa ang buhok niya na pa-side! Ang guwapo niya!
"Oh nariyan ka na pala!" Bulalas ni Mrs. Ho nang nasa harap na namin ang anak niya.
Bumaling sa akin si Keiran. Medyo natigilan siya nang makita niya ang mukha ko. Shet, hindi kaya ampanget ko?! Hala! Mukha ba akong tanga sa hitsura ko ngayon?! Wait, Naya, kailangan ka pa naging conscious ha?
Tumikhim siya't bumaling naman siya sa kaniyang ina. "Vlad called. He's asking kung papunta na daw ba ako." He informed Mrs Ho. "We're gotta go, ma."
Tumango si Mrs. Ho. "Alright. Enjoy kayo doon, ha? And please, ihatid mo si Naya sa bahay nila."
"Yes, ma." He answered. Tumingin siya sa akin. "Let's go."
Tumango ako't nagpaalam na kay Mrs. Ho.
**
Tahimik lang akong nakasakay. Nakadungaw lang ako sa bintana. Tanging slow rock music ang bumabasag ng katahimikan sa pagitan naming dalawa. Medyo nahihiya ako.
He turn the music into low volume. Hudyat iyon upang makuha niya ang aking atensyon.
"You're pretty, Naya." Kumento niya na nanatili parin siyang nakatingin sa highway.
Napalunok ako. Hindi ko akalain na narinig ko ang mga salita na iyon mula sa kaniya. All I know about Keiran Dimitri Ho is a reserved man but this? He makes my heart flattered, at the same time, melted unexpectedly.