chapter 8

1380 Words
Tulad ng sinabi ni Keiran, sinundo niya ako dito sa bahay. Actually, maaga siya. Ang akala ko kasi alas tres y media pa siya dadating pero hindi. Dumating siya dito ng lunch na. May dala siyang pagkain para sa aming dalawa. Gusto niya dito siya maglalunch dito sa bahay. Pinagbigyan ko nalalng siya. Naabutan pa niyang nakakalat pa ang iilang art materials ko sa salas dahil nagawa ako ng origami. "Diretso ka na sa kusina. Ililigpit ko lang ito." Sabi ko sa kaniya habang tinatabi ko na ang mga gamit ko. Sumunod naman siya. Dumiretso siya sa kusina, dala-dala niya ang paper bag na galing pang KFC. Ang mas ikinagugulat ko pa ay may dala pa siyang pizza na nakasulat na Yellow Cab. Nang matapos ko na ang aking ginagawa ay sinundan ko siya sa Kusina. Naabutan ko siyang hinahanda niya ang pagkain sa dining table. "Ang dami mo namang dala, Keiran." Puna ko't umupo sa palagi kong puwesto. "It's fine, Naya. Para hindi ka magutom kapag abala ka sa pag-aaral mo." He explained. Umupo na din siya sa upuan kung saan palagi naupo si mama. Magkatapat na kami ngayon. Binigay niya sa akin ang pagkain. "Here." "Thanks." Sabi ko na nakangiti. "No problem." Habang kumakain kami ay nasasanay na ako sa presensya niya. Nawawala na ang awkwardness na nararamdaman ko para sa kaniya. Nagiging normal nalang sa akin. Hindi na din ako naiintimidate. "Third year ka na, malapit ka na mag-intern. Saan balak mo?" He asked. "Hmm, hindi pa ako sure. Dahil AB ako, isang setting lang ako. Industrial." Sagot ko saka sumubo ng fried chicken. Mabuti nalang talaga hindi ako nag-BS dahil mas mahihirapan ako. Tatlong setting ang gagawin namin nun. Isa ay clinical, education at industrial. Sasabog ang gagawin kong narrative report kung ganoon. "You want in Manila?" Umiling ako. "Huwag na, mas hassle kasi. Naisip ko na Carmona area lang, atleast malapit parin siya dito." I said. "Bakit Psychology ang kinuha mong kurso?" Kaswal niyang tanong sa akin. Napatingin ako sa kaniya. I pressed my lips. "Marami daw akong makukuhang trabaho kapag iyon ang nakuha kong kuros. At isa pa..." Hilaw akong ngumiti. "Hindi naman sa pagmamayabang pero gusto ko talagang maging abogado. Kung bibigyan ako ng pagkakataon." Natigilan siya sa sinabi ko. "Y-you want to be a lawyer?" Marahan akong tumango. "Masyado bang bongga ang pangarap ko? Actually, sa iyo ko palang nasabi ang plano kong iyon. Hindi ko lang nasabi sa parents ko kasi ayoko naman silang gumapang ulit sa hirap para paaralin nila ako kung sakaling kukuha ako ng Law." Ilang segundo bago ulit siya nagsalita. "Why Law?" Kumawala ako ng isang buntong-hininga. "Gusto kong tumulong. Lalo na sa mga bata na biktima ng pag-abuso, pati na rin sa mga kababaihan." Napangiti siya. "Really?" "Yep. Kaya nga bago ako gagraduate, kailangan kong kumuha ng Civil Service Exam para makapagtrabaho ako sa Government Agency sa oras na graduate na ako." Pansin ko na tinititigan niya ako. "M-may dumi ba ako sa mukha?" Tanong ko. Agad siyang umiling. "I'm just thinking... Swerte ng mga taong nakapaligid sa iyo dahil ganyan ang pangarap mo. I'll support you, Naya. I promise." Pagkatapos namin kumain, niligpit na din namin ang mesa. Hinugasan ko ang mga plato at baso na ginamit namin. Sinamahan ako ni Keiran dito sa Salas. Pinagpatuloy ko ang ginagawa kong origami. Pinapanood niya lang ang ginagawa ko. "Iyan talaga ang hobby mo kung hindi ka nag-aaral?" He asked. Tumango ako pero nanatili nakatingin sa aking ginagawa. "I used to it since elementary days. Wala lang, nawawala ang stress ko kapag ginagawa ko ito." I was making smallest crane made in origami then I'll put it into a wide jar. "You're really something, Naya." He said. "Gusto mo bang subukan?" "Hindi ako marunong." "I'll teach you." Huminga siya ng malalim. Umupo siya sa sahig at tumabi sa akin. "Ano bang naisip mong gagawin natin para sa origami?" I asked. Saglit siya nag-isip. Bumaling siya sa akin. "I want to make a cat." Tumango ako. Kumuha ako ng dalawang brown art paper sa gilid ng mesa. Binigay ko ang isa kay Keiran. Tinanggap niya iyon. Tinuro ko sa kaniya step-by-step ang paggawa ng pusa. "Kaso ulo lang ng aso ang maituturo ko sa iyo. Pwede mo naman siyang gawing display sa kuwarto mo..." Sabi ko. Tumango lang siya't nanatiling abala sa kaniyang ginagawa. Lihim ako napangiti dahil seryoso siya sa kaniyang ginagawa although seryoso at tahimik talaga siya, iba ito. Mukhang interisado siyang matuto ng origami. Nang matapos namin gumawa ng aso na yari sa origami, tuwang-tuwa siya. Madali makapick-up si Keiran sa mga instructions. Mas malinis pa nga ang pagkagawa niya kaysa sa akin. Haha. "Ilalagay ko lang ito sa room ko." He said, tinititigan niya ang kaniyang gawa. "Sure." Sagot ko. "Naya," "Hmm?" "How can you do that?" Sabay turo niya sa mga maliliit na crane na gawa ko na nakalagay sa jar. "Sobrang liit nila." Ngumiti ako. "Sabihin nating goal ko din ang mapuno ang jar ng mga cranes." Sagot ko. Tumango siya. Inilapit pa niya ang kaniyang sarili sa akin para tingnan niya ang aking ginagawa. "Naya," "Bakit?" "Kapag natapos mo punuin ang jar ng mga cranes, can I have it?" Natigilan ako't bumaling sa kaniya. Medyo namilog ang mga mata ko nang makita kong medyo malapit na pala ang mukha niya sa akin! He's smiling. I can see his gentle and warm dark brown eyes. Nalalanghap ko ang pabango niya... Lalaking lalaki! Pero mas ipinagtataka ko kung bakit hindi ako makahinga lalo na't sobrang lapit na niya sa akin. "S-sure, Keiran." Ang tanging lumabas sa aking bibig. Three thirty kami umalis ng bahay para pumunta sa bahay nila para i-tutor ko si Russel. Tahimik lang akong nakasakay sa kaniyang sasakyan habang tinatahak namin ang daan papunta sa Paliparan 1. "Naya," Doon ako naglakas-loob para lumingon sa kaniya. "Bakit?" "Kanina ka pa tahimik, may problema ba?" He asked while his eyes on the road. Hilaw akong ngumiti. "W-wala naman, May naisip lang ako." Sagot ko. Totoo, napapaisip na ako sa mga kinikilos ni Keiran. Hindi ko alam kung bakit parang hindi na kaswal ang trato namin sa isa't isa. Saglit siya tahimik. Niliko niya ang kotse pa-kanan nang marating namin ang crossing. Saglit din ay niliko niya pakaliwa naman ang sasakyan. Medyo malapit na kami sa Greenwoods. "Ako din may iniisip." He said. "About a girl." Kumunot ang noo ko. About a girl? Sino naman iyon? Ah, baka may balak siyang manligaw sa isang babae at nagpapaturo siya sa akin dahil first time niya! Tama! Tama! "Anong meron sa babae?" "I meet her unexpectedly. Suddenly, napapalapit na ako sa kaniya. Now, I was thinking I want to court her." Sagot niya. Paawang ang bibig ko sa sinabi niya. Gusto niyang ligawan ang babae. Bigla ako nakaramdaman ng panghihinayang sa hindi ko malaman na dahilan at saan ko napulot iyon. Parang may tumutusok na matalas na bagay sa aking puso. Bakit ako nagkakaganito? Kaibigan ang turing sa akin ni Keiran. He's just... caring for me. Thoughtful lang ang tao, huwag ko bigyan ng kulay! Pilit kong I-focus ang sarili ko sa pagtuturo kay Russel. Ayoko pati ang trabaho ko ay maapektuhan sa katangahan na naiisip ko. Isinantabi ko muna ang pag-iisip ko kay Keiran na halos masisiraan na ako ng bait. Nang matapos na pagtuturo ko sa kaniya, nagpasya na akong umuwi. Gusto pa sanang magstay ako ni Mrs. Ho, nagdahilan nalang ako na mag-aadvance reading ako sa bahay dahil bukas ay sabado, may pasok ako't major pa ang subject ko bukas. Nag-volunteer pa si Keiran na ihatid ako. Gusto ko sanang tumanggi pero hindi ko magawa. Hinayaan ko nalang siyang gawin niya ang madalas niyang ginagawa—maging hatid-sundo ko kahit kaibigan lang ang turing niya sa akin. Sumampa ako sa kama't nakatitig sa kisame. Bumuga ako ng isang malalim na buntong-hininga. Nakahinga din ako ng maluwag dahil nakauwi na si Keiran. Hindi na ako nag-abalang papasukin muna siya dito sa bahay. Ang importante ngayon ay mag-isa muna ako. Lumabas muna ako para puntahan ang kusina. Medyo ginutom ako. Tumambad sa akin ang isang kahon na may nakasulat na Yellow Cab na nakapatong sa mesa. Napagtanto ko na dala ito ni Keiran para sa akin. Lumapit ako para buksan iyon. Napangiti ako dahil malaki pala ang pizza na ito. Kumuha ako ng isa't tinikman iyon. Masarap din. Kumuha ako ng plato at naglagay ng dalawang pizza doon. Balak kong magkulong sa kuwarto para mag-advance reading. Binuksan ko ang DSM-V, ang holy bible ng mga psychology major. Nagbasa-basa lang ako. Agoraphobia... Social Phobia.... Binasa ko lang about sa diagnostic criteria nila. Hanggang sa hindi ko namalayan na nakatulog na pala ako. ⏩
Free reading for new users
Scan code to download app
Facebookexpand_more
  • author-avatar
    Writer
  • chap_listContents
  • likeADD